Kabanata 31

4.1K 200 48
                                    

Kabanata 31

Twenty One

Ngayong linggo namin napagkasunduan ng mga kagrupo ko na bumisita sa plantation. The assignment will be pass next Wednesday pero dahil gusto na namin agad matapos at hindi matambakan ay ngayon na namin pinlano.

Lumabas ako sa bahay alas dies ng umaga at sinuguradong lock ang pintuan ng bahay. Nakasalubong ko si Augustina at agad kaming nagkamustahan. Sa loob ng halos tatlong buwan na mayroong pasok ay hindi na kami masyadong nakakapagkita ni Augustina. She's busy like me.

"Saan ang date mo? Tatlong buwan lang tayo hindi nagkita, nagbago ka na." Tunog nagtatampo iyon pero hindi ko siya magawang seryosohin.

"Baliw ka, gagawa lang kami ng assignment."

"Assignment lang pala pero ganda ng porma mo, a" Dagdag niya pang asar na bago niya pa man din madugtungan ay may dumating ng tricycle.

Huli na bago ko naalala ang asar ni Augustina. Tinignan ko ang suot kong denim sleeveless dress that I paired with my white shoes. This is my usual outfit when going out, anong espesyal dito? Siguro ay napansin niya ang medyo pagbabago ko sa design ng mga damit na sinusuot ko and how I wear it. I am growing and I am being surrounded with so many fashionistas in school. Syempre at hindi maiiwasang ma'adapt din ang kanilang pormahan.

Maaga ako kumpara sa mga kagrupo ko sa plantation. Ang sabi nila ay mag'antayan kami sa bukana lang ngunit nang nabasa ko ang mga mensahe nila na naghahanda pa lang sila ay hindi ko na napigilang lumayo ng kaunti.

They will probably take more than an hour to get here. Malayo ang lugar nila dito kumpara sa akin na kalahating oras lang naman ang biyahe.

Malawak ang lupain na ito. I am not that good with measurement but this plantation is triple bigger than our oval in school. I remember my first time here, dito ko rin nakita si Eros noon. Ngumiti ako sa alaala ng aking kabataan. It's been almost years, I was just fresh year high school that time, hindi pa niya ako pinapansin at sobrang suplado ng mukha kapag nakikita ako.

Iyon ang una at huli kong pagparito dito. Hindi naman nila pinagbabawal ang pagbisita dito pero dahil wala ng masyadong oras si Mama, at masyado na rin akong nalibang sa mga kaibigan at iba pang lugar dito sa Anilao, hindi ko na nabalikan ito.

I don't exactly remember how this looked was. But I can say that the feeling of a real province vibe is felt in this kind of places. Walang naglalakihang mga pabrika, walang usok o maging maiingay na trucks. It's only the serene moves of the plants, the soft whispers of the wind and the deep sun rays directed to the land. I saw some farmers doing their job. Some even turned their head on me, parang palaisipan ang pagparito ko dito.

Ngumiti ako sa matatandang nagtatanim ng palay at sumasalang sa maputik na lupa. They are wearing hats and a scarf in their neck and to hide the half of their face. Siguro ay dahil sa masakit na tama ng sikat ng araw kaya ganiyan sila kabalot na balot. They didn't return my smile or hindi ko lang napansin dahil sa halos hindi na makitang mukha nila.

I continued walking and appreciate more this place. I was so amazed on my first time here, at katulad noon, namamangha pa rin ako. Ang daang dinadaanan ko ay hindi na katulad noon na putik. It's already concreted na madali ng daanan.

I don't know how they come up to an idea of making this path way cemented but they are genius. Hindi mahihirapan ang mga turista na bumisita rito.

I continue and continue walking hanggang sa halos makita ko na ang azucarera. Ibigsabihin, kung nandito na ako, sobrang layo ko na mula sa pinagbabaan ko. My phone beeped and saw their concern messages for me. Nasabi ko kasi na kanina pa ako dito at ngayong obvious na narito na rin sila ay nagpaalala sa kanila sa akin.

Good Girls #1: Finding RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon