Kabanata 4

4.9K 242 39
                                    

Kabanata 4

Friends

My favorite song played and enveloped my whole room. Idinalat ko ang aking mga mata at nakita sa bukas kong bintana na madilim pa. Sinulyapan ko naman sa kaliwa ko ang maliit na orasan at nakitang saktong alas kwatro na ng umaga. Kinapa ko sa ilalim ng unan ko ang cellphone ko na naga-alarm at hindi ko agad iyon pinatay, hinintay ko pa hanggang chorus ang kanta bago ko sinwipe to stop the snoozing.

Kinalas ko na ang nakapulupot sa aking kumot at inapak na sa malamig na sahig ng aking kwarto ang aking mga paa. Bago ko naisipang bumaba ay sinarado ko muna ang bintana at kurtina sa loob. Iniwan ko kasing bukas dahil sa sobrang init kagabi. At masyado rin akong natuwa habang pinagmamasdan ang magkakaibigan kagabi na nagkakasiyahan sa ilalim ng puno ng mangga na tingin ko ay hilig nilang tambayan.

Ang bagal pa ng paglalakad ko pababa sa mababa naming hagdanan dahil sa inaantok pa ako. Sanay ako noon na gumising ng ganitong oras pero dahil kagagaling ko lang ng bakasyon, ang hirap na ulit bumangon ng maaga.

Naabutan ko si Mama na nagkakape sa kusina at nakatitig sa kawalan. Lumapit ako at binati siya.

"Ma..." tawag ko pagkaupo sa tabi niyang silya.

"Pagkatapos kong mag-kape ay magsasaing na ako. Good morning pala." Nginitian niya ako na madalas kong makita tuwing umaga.

Hinilig ko ang ulo ko sa braso ni Mama dahil sa gustong gusto ko pa ulit na bumalik sa higaan at matulog ng mahimbing.

Narinig ko ang mahina at tipid na tawa ni Mama bago hinaplos ang braso ko. Bukas ang pintuan ng kusina at pumapasok ang malamig na pang-umagang hangin.

"Inaantok ka pa?" Tanong ni Mama.

Marahan akong tumango habang nakapikit. Feeling ko kapag tinuloy ko ang pagpikit, makakatulog ulit ako.

"Ayaw mo pumasok?" Nahimigan ko ang pang-aasar sa boses ni Mama kaya napabangon agad ako mula sa kaniyang braso.

"No!" Agap kong sagot.

Alam ni Mama kung gaano ko pinahahalagahan ang aking pagpasok sa escuelahan at ang pag-aaral. Na kahit unang araw lang naman ito, hindi ko hahayaang libanan ang unang araw ng klase.

"Alam kong hindi ka liliban." Natatawa-tawang sagot ni Mama.

Ngumuso ako at pungalumbaba sa lamesa. Sumimsim ng isang beses si Mama sa kaniyang kape bago tumayo.

"Magsasaing lang ako. Maligo ka na pagkatapos mong magpainit ng tubig." Bilin nito at dumiretso na sa pagluluto.

Ang pumipikit at nagpupumilit kong mga mata na magsarado ay pinigilan ko. Tumayo ako at nagsalin sa heater ng tubig para hindi maging malamig ang pagligo ko.

Ilang minuto ako naghintay bago ito kumulo at dumiretso na ako sa banyo para makapag-ayos. It took me almost an hour to finish setting up myself, at saktong alas singko trenta ay nakaupo na lang ako sa sofa at hinihintay si Mama na matapos sa kaniyang pag-aayos dahil maaga rin siyang papasok ngayon.

Ilang mensahe ang nakuha ko mula sa mga kaibigan ko nang buksan ko ang aking facebook. Lahat sila ay pare-parehas ang sinasabing excited sila sa pagpasok.

Ngumiti ako at muli na namang nakaramdam ng pangungulila. Kahit pa nakakasigurado akong masasanay rin ako dito at makakakilala ng mga bagong kaibigan, hindi ko maiwasang hanapin pa rin ang mga naunang kaibigan.

I read it somewhere, e, na true friendship lasts even you are oceans apart. Hindi ko alam kung totoo iyon, pero sige at panghahawakan ko ang kasabihan na iyon.

Maliwanag na pero hindi pa naman ala sais nang lumabas si Mama sa kwarto at sinarado na ang bahay namin.

Pumara si Mama ng tricycle at sumakay na kami.

Good Girls #1: Finding RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon