Kabanata 24

4.3K 209 33
                                        

Kabanata 24

Betray

The time passed so quickly when you're feeling okay, so slow when you're in pain.

Nagpaalam ako kay mama bago lumabas at sinalubong ang aking kaibigan na naghihintay sa akin labas. Nangingiting Augustina ang naglagay ng kaniyang kamay sa aking braso.

"Ano? Nakapagpaalam ka na ba?" Tanong niya habang pumapara ng tricycle.

Umiling ako. "Matagal tagal pa naman. At tsaka magpapaalam pa akong sumali ng Christmas party."

"Of course Tita will let you join Christmas party."

Alam ko naman iyon, pero nakaugalian ko na kasing magpaalam pa rin. There are times when we need to go to Manila, before or same as the date nang madalas na ginaganap ang Christmas party.

"Minsan kasi 'diba kailangan naming bumiyahe pa-Manila. Baka ngayong taon rin, eh."

"Gano'n? Hala paano 'yan, edi hindi ka makakasama kung maggagala tayo?"

Malungkot ko siyang tinignan. "Probably."

Hindi maipinta ang mukha ni Augustina hanggang sa makarating kami ng escuelahan. Tsaka lang ngumiti nang nagpaalam siya sa akin.

Nakasimangot rin tuloy akong naglakad pataas dahil sa aking kaibigan. Ganoon siguro talaga, nahahawa ka sa emosyong pinapakita ng malalapit sa'yo. Pumasok ako sa classroom at bumungad sa akin ang malaking lettering ng "Happy December!" sa blackboard. Hindi ko alam kung makakaramdam ako ng saya o lungkot tuwing naiisip kong malapit nang matapos ang taon.

Umupo ako sa proper seat ko at pinagmasdan ang lettering. When you're enjoying the days, hindi mo nararamdaman na umaandar ito. Magugulat ka na lang at mahabang panahon na pala ang lumipas.

Naagaw ang atensiyon ko nang pumasok si Eros sa classroom. With his hair now a bit longer than before, he entered the room with his usual scowl. His eyes were directed at me and I can't help but to smile. He didn't respond instead he sat beside me.

"Aga mo, ah." I commented, dahil hindi siya ganitong oras pumapasok.

"Good morning." Napangiwi ako sa kaniyang pagbati. Parang sinasabi niya namang ang rude ko para pansinin ang kaagahan niya kaysa batiin muna siya.

"Good morning."

When the year starts, I was desperate to be close with him. I did everything since I met him and start to become part of his group. Kalagitnaan ng taon nang tumigil ako at nawalan ng pagasa. Confuse and hurt, I tried to distance and changed myself not knowing that this day will come... the day when I am comfortable and not anymore desperate to get his attention.

My previous years were now blurred to me. Some things were already forgotten, but this year highlight will be written in the paper to not forget. Who would think that someone who hates you to moon will treat you now as a friend?

Natapos ang flag ceremony at nagpahayag ang aming punong guro ng nalalapit ng holiday at Christmas party. Everyone is happy including me. Marami ang nangyari sa loob ng isang taon, and now that we're on the last month, why would we deny to ourselves the happiness? Sa isang taon na dinaanan natin ang sakit at hirap, hindi ba pwedeng magpasalamat at maging masaya dahil nakaabot tayo hanggang dito?

"Hera!" Parang baliw na lumapit sa akin si Roswell at niyakap ako. Aangal pa sana ako kung hindi lang siya bumitiw agad.

"Pumayag na si Augustina na lumabas sa susunod na linggo. Maraming salamat sa tulong mo!"

Tinanong ko lang naman si Augustina kung wala siyang gagawin. I didn't do much. Gayon pa man, ngumiti ako sa kaibigan dahil masaya ako para sa kaniya.

Good Girls #1: Finding RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon