Kabanata 12

4.1K 275 140
                                    

Kabanata 12

Name

Bata pa lamang ako, namulat na ako sa katotohanang hindi lahat ng bagay na gusto ko ay maaaring maging akin. No matter how much I will work hard to achieve something, if it is not for me, everything I do is useless.

At habang tumatanda ako, habang unti-unti na akong natututo sa buhay, inaamin ko rin na may mga bagay noon na pinaniniwalaan ko na napatunayang kong maling pananaw ko. At kasabay ng pagbabago ng mga pananaw ko sa buhay ay ang unti unti ko na ring pagbabago bilang isang tao.

Kung noon, naniniwala ako na lahat ng tao ay kaya akong mahalin at hindi iwan, ngayon namumulat na ako sa pananaw na lahat ng taong pinagkakatiwalaan ko ay maari ring lumisan. Kagaya ng oras na hindi na mababalik, magiging isa silang alaala na mananatili na lang sa aking isipan.

Bumalik kami sa Maynila noong holiday break. We spent our Christmas and new year there, that's my wish for my mother. Gustong gusto ko kasi makasama sina Pooja dahil miss na miss ko na sila.

Pero ganoon ata talaga, ang pagtanda ang nagpapabago sa ating sirkumtansiya.

Mama hugged me while we are watching an old movie.

Mapait akong napangiti dahil sa halip na masaya ako ngayon, ito ako at nagluluksa sa pagkakawala ng mga nauna kong kaibigan.

"Losing friends is part of growing, anak. May mga taong aalis dahil iyon ang makakabuti. There are friends who left to teach you a lesson, and friends who left to be exchange with better people." Mama's advice is calming, pero ang hirap hindi mag-overthink.

"Did you lose friends too, Mama?" I asked with so much pain in my voice.

"Of course, I did. Sa tanda ko ngang ito, patuloy pa ring may mga taong umaalis. Hindi kasi maiiwasan iyon, anak. We are all different from each other, kung minsan kilala na natin ang isang tao ng lubusan, hindi pa pala. We expect that they will not leave kaya tayo nasasaktan. But the truth is, there are people who we can't stop when they want to go."

"How are you coping with it?" I removed her arms around me and looked at her.

She smiled and touched my cheeks with so much amusement in her eyes.

"There is no accurate and correct ways on how to cope up with pain. But the easiest way is to continue living, no matter what. Dahil sa huli, patuloy pa rin tayong magpapasalamat na sa atin pinaranas ang bagay na iyon."

Habang tumatanda, mas dumadami ang aking katanungan. Maraming bagay na hindi ko maintindihan. Mga bagay na hindi ko kayang masagot dahil... nahihirapan ako.

"You are always seen with Roswell tuwing training time nila." Zeus tone sounds like he is accusing me with something.

Nilingon ko ang aking kaibigan na kasama ko ngayon sa field dahil siya lang ang available na sumama sa akin ngayon.

It's February and everyone is busy with their things. Malapit na rin ang moving up kaya mas lalo silang abala. Abala rin naman ako, pero dahil sa sobra na akong napapagod sa mga gawain sa school, gusto ko munang makalanghap ng sariwang hangin.

And the field is the perfect place from running away from the endless paper works.

The wind blew my hair like how it always did when I spend my remaining minutes here.

"What do you mean by that?" I ask him.

Nilingon ko ang kaibigan na nakatingin sa malinis na field sa harapan namin. His eyes squint because of the reckless wind passing.

"We want you to experience how it feels to like someone. Gusto lang namin malaman kung... si Roswell na ba?"

They are all problematic with my lovelife ever since. Hindi naman ako study first, hindi ko iyon motto, hindi lang talaga ako pumapasok sa isang relasyon dahil hindi ko naman maramdaman 'yong sinasabi nilang pagkakagusto sa isang tao.

Good Girls #1: Finding RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon