Kabanata 27

4.2K 222 88
                                    

Kabanata 27

Graduation

I watched my friends as they exchange teases. Kanina pa nila sinasabi na pakana ni Eros ang kaninang nangyari. Hindi rin naman ako halos makapaniwala sa sinasabi nila dahil hindi ko naman lubos maisip na magagawang isipin ni Eros ang ganito para sa akin.

Lumabas ako sa kusina habang dala dala ang pagkain para sa mga kaibigan ko. I saw Eros silently watching me at pinagsasawalang bahala ang maiingay naming kasama. I smirked and put the tray on the table, in front of him.

"Hera, maniwala ka sa'min. He even made a group chat without you." Si Augustina na pinipilit akong maniwala sa kanina pa nilang sinasabi.

Umupo ako sa pang-isahang sofa at ngumuso habang tinitignan ang kaibigan na nagsisimula nang kumain.

"If you won't believe I'm gonna let you see the group chat that I'm telling you-" She was cut off by Eros cold stone voice.

"Augustina." Banta niya habang mariing tinititigan ang kaibigan.

Unti unting tumaas ang kilay ko at walang hiyang sumilay ang ngisi sa aking labi. I don't want to believe but... can it be true?

"Really?" Patuya kong tanong sa lalaking nasa harap ko, hindi mapakali at hindi maipinta ang hitsura.

Naningkit ang aking mga mata. I have never seen him this way. I'm not ignorant and more so stupid to not notice that he is nervous. Pero kinakabahan? Ang isang Eros? Imposible!

Eros crosses his arms in his chest and rested his back at the sofa he is seating. Taas noo niya akong tinignan at hindi ko alam bakit parang ako naman 'yong nagplano na mang-asar pero bakit parang siya pa itong nangmamaliit.

Umiwas ako ng tingin at naabutan si Augustina na sumisimsim ng juice sa baso habang parang pusang nakatanaw sa aming dalawa ni Eros.

Umiwas ulit ako ng tingin at para na akong mababaliw kakahanap ng pagaabalahan ng tingin dahil si Augustina at Eros lang ang nakikita ng mga mata ko. Pumikit ako at sinapo ang noo.

"It's true that it's me who planned this all-"

"I told you! Kahit mukhang bato ang isang 'to, mamon naman ang puso sa mahal niya..."

Napabalik ang tingin ko sa kaniya at medyo kinabahan sa kaniyang isinatinig.

"na kaibigan. Kaya dapat sa susunod meron din para sa akin!" Pahisteryang tumawa si Augustina na sinabayan naman ng mga kantyaw mula sa aming mga kaibigan.

I sighed in relief. Masyado akong nagisip ng iba sa sinabi niyang 'mahal'. Of course he loves us equally as a friend. He did this for me because I am a friend to him.

"Thank you. I appreciate this so much." I said with all honesty and gratefulness in my heart.

I have never been surprised in my entire life. During my birthdays, lagi iyong planado, and this is really the first time someone made a surprised for me. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Eros, if it is because of my call, my cries and sob he heard or it is about something else. Kung iba man, ano naman iyon?

Umiling ako sa sariling naiisip. He surprised me as a friend, iyon lang iyon, Hera Andrea!

"You're welcome."

Ako lang ata ang nakarinig ng sinabi ni Eros dahil halos balutin na ng boses ng mga kaibigan ko ang buong bahay. I smiled at him and turn my eyes to our other friends.

"Sana hindi mo na maisip na iniwan ka ng kaibigan mo sa Manila. I'm... we're here for you." He said and before I could see his eyes, tumayo na siya at kumuha ng pagkain sa pinggan.

Good Girls #1: Finding RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon