Kabanata 19

3.8K 228 47
                                    

Kabanata 19

Wound

Huminga ako ng malalim at pinasadahan pa ng isang beses ng aking palad ang pisngi ko. Binuksan ko ang pintuan ng computer lab at dire-diretso nang umupo sa tabi ni Roswell.

Umayos ako sa pagkakaupo at pinilit na makinig sa gurong nagtuturo pero ang mga mata ko hindi ko mapigilang mamuo ng luha. I cleared my throat, assuming that it will help me at least feel okay pero hindi.

Pumangalumbaba ako at pasimpleng pinunasan ang mata kong naluluha. My heart is beating restlessly that my rib cage felt like it will be broke sooner.

Nakakainis naman, I don't know if it is the right word pero parang ganoon ang nararamdaman ko. Hindi naman ako ganito dati ah. Bakit ko ba iniiyakan ang eksenang 'yon? Mas malala pa nga ang pagpapahiya sa akin dati ni Stephanie.

At grabe naman siya makapagalis sa akin. I don't even know what they are doing. Feeling ba nila ipagkakalat ko ginagawa nila? I am seventeen year old girl, hindi naman ako ignorante sa mundong ginagalawan ko. I know what's very popular among our batchmates, at wala akong pakialam kung ganoon ang ginagawa nila sa classroom na 'yon. I just want them to know that there are consequences followed by their actions. Pero ako pa ang napasama.

"Get one whole sheet of paper. Titignan ko kung naintindihan ninyo nga ang mga pinagsasabi ko."

Wala sa sarili kong sinulat ang pangalan sa papel. Kinulbit pa ako ng katabi ko na hindi ko na nagawa pang pansinin. Because of the overflowing emotions I have, mas pipiliin ko na lang manahimik.

The door opened in front at iniluwa nito ang dalawang taong ayaw kong makita ngayon. Eros found my eyes at agad akong nagiwas ng tingin. Iniisip niya sigurong sinumbong ko sila. Sorry, pero bahala ka na sa buhay mo.

Naiiyak kong binasa ang nasa screen at hindi na ako sigurado kung tama pa ba ang pinagsasagot ko. Basta ang gusto ko lang ay matapos na agad ang oras na ito at makauwi na. I don't want a messed mind while I'm here at school. Hindi ako nagf-function ng maayos.

"Saan kayo galing, dalawa? Hindi naman kayo nagpaalam na lalabas." Puna ng Politics teacher namin.

I tried to ignore the scene in front. I didn't say a word about them when I return here. At kagaya ng sinabi ni Sancha she knows what will be their consequences. Labas ako kung mabuking silang nag-cutting. They are the one who made their own hole. Kung hindi na lang sana sila pumasok 'di ba. Edi sana hindi sila mabubuking.

"Kanina pa kayo wala dito? Nag-cutting kayo?" Medyo nagagalit na ang tono ng guro sa unahan kaya hindi ko na napigilang tingalain sila.

Eros doesn't seem bothered, ganoon din si Sancha. Instead she's just eyeing everyone to shut up. Bumalik ang tingin ko kay Eros na walang imik na nakatingin sa akin. My shameless heart boomed because of that eye-contact.

What? Huwag niyang sabihing ako ang sinisisi niya?

"Lagot sila. Dapat kasi hindi na sila pumasok para hindi napansin." Bulong ni Roswell sa tabi ko.

Tinignan ni Eros ang katabi ko at parehas agad na nagkasalubong ang makakapal niyang kilay. He even raised a brow emphasizing that he's mad.

"Mga baguhan kayo sa building na ito at may lakas na agad kayong mag-cutting? Hindi na kayo mga junior high. Ang tatanda ninyo na." Galit na galit na sambit ng guro.

Hinintay kong umimik ang dalawa pero wala ni isa sa kanila ang pumansin sa guro. Eros' eyes never left our side. Consciously I looked away and continue answering. Walanghiyang puso, nakikisabay pa sa magulo kong utak.

"Eros, anak ka pa naman ng gobernador and you're acting like that. How disgraceful will it be to your parents."

Muli akong bumaling sa unahan dahil sa sinabing iyon ng guro. I know he's just mad for their behaviour pero parang below the belt naman ata ang sinabing iyon. Ako ang nasaktan para kay Eros dahil sa sinabing iyon ng guro and I was expecting that Eros will actually made a angry face for that but he never did.

Good Girls #1: Finding RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon