Kabanata 18
Leave
He didn't respond instead he just looked away and listened to our teacher.
Ngumuso ako para magpigil ng ngiti at kinuha ang papel sa bag ko. I can count in my hands kung ilang beses niya lang ako pinansin, at kagaya noon, patuloy pa ring lumulundag sa saya ang puso ko kapag napapansin niya. I don't know why this is his effect on me. Wala naman siyang pinagkaiba sa iba naming kaibigan.
Ako ang nagsagot ng mga naunang tanong sa screen. Nangangahalati na ako nang napansin ko ang titig sa akin ni Eros.
Nilingon ko siya at mabilis siyang nag-iwas ng tingin. My heart boomed very loud na hiniling ko na sana ay ako lang ang nakakarinig nito.
Nagdalawang beses ko pang binasa ang nasa screen para lang makasigurado na tama ang pagkakaintindi ko dahil pinangungunahan na ako ng kung anong kaba sa dibdib ko.
"Give me that. Ako naman ang sasagot." Malamig at mababang boses ni Eros ang nagpatigil sa akin sa pagbabasa.
I looked at him and I expected him to look away like what he did a while ago, pero hindi niya ginawa. He stared at me intently, with dark brooding and meaningless eyes.
I don't know why I am suddenly in the verge of crying. I don't know why I am suddenly hurt. Hindi ko alam anong nangyayari sa akin.
I looked away and gave it to him without even looking. Kani-kanina lang natutuwa pa ako sa pagpansin niya sa akin, ngayon parang nagbago ang ihip ng hangin.
Isinandal ko ang likod ko sa backrest ng upuan ko at bumuntong hininga. Maybe I am lacking exercise kaya hindi normal ang tibok ng puso ko?
"Don't worry hindi naman ako bobo. Hindi bababa ang score mo dahil sa'kin." He said sounding like offended dog.
Hindi ko naintindihan ang kaniyang biglaang sinabi. I know he's not bobo. How could he be when he is the son of the local governor?
"Wala naman akong sinabi ah." My breathing stopped right after I said that.
What the hell is happening with you, Hera!?
Hinawakan ko ang dibdib ko at pinilit na pakalmahin ang sarili. Wala naman akong hika, pero bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"It seems like you're thinking me that way." He said, almost like a whisper.
Ayaw mo parinig?
Umiling na lang ako dahil hindi ko na ata kayang magsalita pa. There is a weird hollow in my throat that restraining me from speaking.
I let him answers the rest of the questions while I'm calming myself. Nanatili akong titig sa screen at nagkukunwaring nagiisip ng sagot pero ang totoo, pinipilit kong kumalma.
"That's by pair, everyone. Huwag isa lang ang gagawa." Sita ni Ma'am nang biglang umingay na ang klase.
I looked at the back and saw Roswell laughing hysterically. Kumunot ang noo ko. Bakit naman kaya tuwang tuwa ang isang 'to?
"Tapos ko na." Medyo malakas na sabi ni Eros kaya napabaling ako sa kaniya.
He handed me the paper pero bago ko pa man din makuha, nagsalita na si Ma'am.
"Next." At may susunod pa palang sasagutan.
Kukunin ko na sana kaniya ang papel kung hindi lang niya mabilis na iniwas at siya na mismo ulit ang nagsagot.
Pinigilan kong sumilay ang ngiti sa aking labi. Pumangalumbaba ako at seryoso siyang tinitigan habang nagsasagot.
Looking at him answering the question very passionately reminds me of those politicians who has good intention for this country. He's the son of the local governor, may balak din kaya siyang pumasok sa politika?
BINABASA MO ANG
Good Girls #1: Finding Rhyme
Novela JuvenilHera Andrea Barrientos, a very typical girl who was born and raised in a city, Manila. A consistent honor student with humility. An almost perfect character to exist, yet, it is really impossible to be perfect. Despite the medals she has, she still...