Kabanata 15

4.1K 239 41
                                    


Kabanata 15

Boyfriend

Ang dalawang buwan ay tila isang linggo lang. It passed like a wind.

I languidly get up from my bed and stare at my reflection in the mirror for a little while.

After the outing with my friends, hindi na ulit iyon nasundan. Lahat sila nagkaroon na ng sari-sariling bakasyon sa iba't-ibang lugar. Ako lang ata ang nabulok dito sa bahay.

I always stalked them on my social media accounts. There's no day passed that we didn't talk. Lagi nila sinasabi sa akin na pag-uwi nila ay papasalubungan nila ako. Natutuwa ako dahil kahit magkakalayo kami ay hindi nila ako nakakalimutan. Nalulungkot nga lang ako isipin na halos mag-iisang buwan na rin simula noong nakita ko si Eros.

I don't know why I feel like I want to see him everyday. Naiisip ko lagi paano kaya kung maging malapit na kami, katulad ng kung paano sila magtratuhan nila Augustina at ng iba pang babae na kaibigan. After I saw him on the plantation, I didn't have the chance again to see him. He didn't even passed by here when our friends visited me. Sanay na naman ako doon, pero nalulungkot pa rin ako isipin na wala siya.

I open my facebook account and saw Eros full name on my recent search.

Lately, I am being very confused about my feelings. I don't know if it is because I am growing or what.

There are times when I will feel nervous for no reason, crying over unknown things, and getting upset by a thing I can't name. Kagaya na lang ngayon, tinitignan ko pa lang ang profile niyang ni walang ka-post post sa current abouts niya. Ayaw man lang mag-status or mag-post kung nasaan siya. Hindi 'yong–

Napabalik ako sa aking pagkakahiga at niyakap ang unan ko. Iyan na naman. Naiiyak na naman ako. Hindi ko na talaga maintindihan sarili ko. Hindi ko alam bakit ako naiiyak sa pagbisita lang sa profile niya. I feel like I need to know where he is, what he is doing. Kuryusong kuryuso ako sa kalagayan niya!

Ilang minuto pa ata akong nanatili sa aking kama bago ako nagpasyang bumaba na. And like usual, naabutan ko si Mama na nagluluto ng umagahan.

"Ma," tawag ko.

Nilingon niya ako at nakangiting nagtatanong mga mata.

Hindi ko alam kung itatanong ko ba ito, pero kung hindi, hindi ko alam kung makakahanap ba ako ng maagang sagot sa tanong ko.

I crossed my arms on the table and rest my left cheek on it. Tinitigan ko ang pintuan sa salas bago isinatinig ang tanong.

"I've been feeling different lately." Panimula ko.

Huminga ako ng malalim at naramdaman na naman ang sakit sa puso ko.

Why do I feel like I'm always hurt? For what?

"Naiiyak na lang ako bigla nang hindi ko alam dahilan." Nag-angat ako ng tingin kay mama at naabutan siyang nakatitig sa akin.

Tipid niya akong nginitian bago ako sinagot.

"Imposible namang walang dahilan kung bakit ka naiyak." Aniya.

"Pero... hindi ko po talaga alam."

Pinatay niya ang kalan bago umupo sa silya na nasa harapan ko. She stares at me in the eyes and I suddenly feel bothered.

"There's always a reason why people cry. It's just that, most of the people are in denial. Isipin mong mabuti kung kailan ka naiiyak. Sa tuwing?"

Nag-isip ako kung kailan nga ba ako madalas maiyak at naalala ang madalas na dahilan no'n.

Good Girls #1: Finding RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon