Kabanata 22

4.2K 215 44
                                    

Kabanata 22

Wind

Masaya. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Sa loob ng ilang linggong pagpipilit na umiwas at pagalingin ang sariling sakit, ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong kaligayahan. Being able to finally delete the negative feelings make me feel in peace. Wala na ang mabigat na nararamdaman at umaasa ako na wala na rin sanang gabi na iiyak ako.

"Hera, dito ka." Hinigit ako ni Augustina sa kaniyang tabi malapit sa mga kaibigan naming naglalaro.

"Pustahan tayo. Tataya ako kay Kirby." She said as if this is her business.

I saw Gelou smirked at lumapit din sa'min.

"Ako, sali rin. Kay Kirby rin ako."

"Magkano ba?" Tanong ni Jeanelle.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Parang ang dalas nila itong gawin, ah.

"Augustina, tigilan ninyo 'yan." Boses iyon ni Eros sa aming likod kaya nilingon namin siya ng sabay sabay.

He's on his white jersey paired with dark blue jersey shorts. He looks so very handsome even with just those clothes. His eyes darted at me.

"Hala kj. Hindi naman ikaw kasali."

Eros eyes turned pitch black when he looked at Augustina. Para bang nauubos ang pasensiya niya dito at konting kibot na lang ay papatulan niya na ang kaibigan namin.

"Hera doesn't do that stuff. Kayo na lang nila Gelou."

Hindi ko alam pero sa tuwing nagsasalita siya ay para siyang boss na kailangan namin laging sinusunod. He has that aura ever since and I hate to admit it pero iyon din siguro ang dahilan kung bakit gusto ko siyang maging kaibigan. Pooja once treated me as her enemy, as a kontrabida in her life, but in the end, we became bestfriends. Maybe at the back of my mind, umaasa itong baka maulit ang nangyari noon.

Ngumiti ako at ibinalik ang pansin sa screen ng tv. Dalawang sasakyan na naguunahan.

Kinulbit ako ni Augustina kaya binalingan ko siya. Nagtaas ako ng isang kilay.

"Eros is mad for asking you to join this fun game-"

"That's not fun. And it's not obviously game. It's more likely a gambling." Bakas na ang iritasyon sa boses ni Eros.

I've never heard him this way around our friends. Lagi siyang masaya at nakikisali sa ano mang ginagawa ng mga lalaki at matripan ng tropa.

"Ay ang O.A, Romiguez? Para limang piso, gano'n." Umirap sa kawalan si Augustina pero nginisian ako nang nagtama ang tingin namin.

"Ano ka bata?"

"Oh shut up, Eros. Hindi ko pa nakakalimutan na pinagpalit mo kami sa Sancha na 'yan kaysa sa aming mga kaibigan mo." Humalukipkip si Augustina at bumulong sa akin.

"Um-oo ka lang. Let's annoy Eros."

"What? Iinisin mo talaga?" Naguguluhan kong tanong.

"Oh you are the one to shut up, Augustina or-" Hindi natapos sa pagsasalita si Eros dahil nilingon siya ni Augustina. Hindi ko alam kung anong nangyari dahil bigla siyang tumahimik.

Nang lumingon ako ay nakita ko na lang ang iritadong pagirap ni Eros.

"Game na, Hera! Kanino ka?" Maligaya niyang tanong and she make face, nagsasabing makisakay ako.

I have no choice kaya nakisakay na ako.

"Kay Zeus." Sagot ko.

"You'll surely lose. Give me your five."

Good Girls #1: Finding RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon