Chapter 1

2K 55 20
                                    

Franki's POV

Nasa set nako with my bestfriend Jamie. Nagreready pa ang lahat.

"Girl, siguro yun yung lalaking yun sa commercial mo dati." Turo ni Jamie dun sa lalaking matangkad at medyo moreno.

"Argel, asan na ba yang si Diana? Anong oras na, wala parin tayong nasisimulan." Rinig naming kausap nung director sa kanya.

Ooh his name is Argel.

"Kanina ko pa nga po tinatawagan direct eh, pero sabi naman ni Gino parating na daw." Sagot ni Argel.

Siguro hinahanap nila yung isa sa mga staffs dito.

"Girl, grabe gwapo nga sya. Pero, parang di nya naman kamukha yung nasa commercial. Mestiso yun eh." Sabi pa ni Jamie.

"Malay mo, baka nabilad lang sya masyado sa araw. Alam mo naman mga lalaki, sporty talaga ang mga yan."

"Sa bagay, may point ka."

Nang biglang may pumasok na babae. Like yeah, she's pretty naman. Parang pareho kaming half something. Okay, she's obviously gorgeous, I get it pero why can't I take my eyes off of her?. Weird.

"I'm really really sorry direk, something came up kasi eh." She apologized.

"Okay okay, sya. Magsisimula na tayo. Everyone, gather up!." Nagsilapit na kami.

"So Franki, pareho parin yung gagawin mo sa old commercial. Iiyak ka sa bench, pero this time not because your mother left you but your boyfriend did." Tumango tango naman ako.

And tumingin dun sa girl, what's her name again?

"And you..Diana, same thing ah? You're going to comfort her like before and give her the bar."

"Wait, wait. Sya po ang makakasama ko?. Where's the guy na kasama ko sa commercial?."

At sa di malamang dahilan, bigla nila akong pinagtawanan.

"Bakit po? What's funny?."

"Franki, iha. Don't you know? Siya yung partner mo noon. Di talaga siya lalaki." Paliwanag nung director.

"I can't get the blind girl's role when I auditioned for it kaya binigay nalang nila yung role ng boy sakin, and I had to suffer for years having that boy haircut." Dagdag pa nung girl. Gosh, so all these time ang inaakala kong first love ko eh babae pala?!.

How can I be so blind?! Gaga, bulag ka naman talaga dati. Pero di parin ako makapaniwala.

"So, ngayong klaro na ang lahat. Pwede naba nating simulan ang shoot?. But first, I'll give you 15 minutes para kabisaduhin ang lines nyo. Wala na tayong oras. Go go go!."

..

Umiiyak ako in that bench when my boyfriend left me. Nang may biglang umupo sa tabi ko.

"What happened?." She asked.

"My boyfriend left me."

"Where did he go?."

"He got married to someone else."

"Here, have my chocolate bar. Dad said it'd make you feel better." A memory flashed back.

"You know what? You remind me of a boy I've met before. He told me the same thing."

"It wasn't a boy, it's a brave girl who survived cancer when she tasted HOPE."

the end.

Narrator: Take a bite and taste HOPE with HOPE CHOCOLATE BAR. Now with its new rainbow coating. Advance pride month with a hopeful treat!

GIRL SPACE FRIEND (Frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon