Chapter 6

1.4K 31 0
                                    

Argel's POV

Dala dala ang sandamakmak na flowers and chocolates papunta sana sa beach na pinagtatrabahuhan din ni Kiara as surfing trainor, nagulat nalang ako nang makita syang kasama si Gino.

So si Gino ang sinasabi nyang artista na pinopormahan sya?. Hindi maaari to. Sa lahat ng tao, bakit kay Gino pa. Sinaktan ba nya si Diana dahil kay Kiara. Kaya tumakbo ako palapit sa kanila at sinapak sa mukha ang gagong yun.

Inawat naman ako ni Kiara.

"Ano bang problema mo?!--Argel?!." Gulat nyang sabi sakin.

"Teka, ano ba talagang nangyayari dito?." Gulat ring tanong ni Kiara.

"Kiara, dapat mong malaman na ang lalaking to ang ex ng bestfriend kong si Diana!. Babaero ang lalaking to, ilang beses nya nang niloko si Diana at malamang gagawin nya rin yun sayo!."

"Gino? Totoo ba?! Sumagot ka! Totoo ba ang sinasabi nya?!."

"Dati yun, pero Kiara maniwala ka. Mahal talaga kita--"

"Manloloko ka talagang gago ka!." Pasapak na sana ako sa kanya ng awatin ako ulit ni Kiara.

Click! Ano yun?. May flash. Napalingon kaming tatlo.

..

Diana's POV

Kumakain na kami ni Franki. Ang cute nyang kumain, grabe. Kanina pa siguro tong sobrang gutom.

"Dahan dahan lang, marami pa naman haha." Sabi ko dito.

"Tataba siguro ako pag palagi tayong magkasama." Sabi lang nito.

"Okay, lang. Cute ka parin naman kahit anong hugis ka pa, star, heart, triangle--"

She giggled.

"You know, we should hang out more, like this." Sabi ko pa.

"Bakit naman?."

"To build more tension sa set. Specially pag umabot na tayo sa intimate scenes diba dapat the audience see it as sexual rather than platonic. By that mapapakita nating effective talaga tayong love team."

"Diana, kahit wala tayong gawin--kikiligin parin sila. We can't actually force something that was never there in the first place."

"And what is that?."

"Feelings. We don't have that for each other, but our job is to make them believe that we have. It doesn't have to be sexual. It has to be between platonic and sexual, it's the butterfly feeling that counts because we're showing them romance and not porn." Nang sinabi nya yun, nakatitig lang ako sa kanya. Pero bakit?.

GIRL SPACE FRIEND (Frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon