Diana's POV
5 days later. Sunod sunod na guestings at interviews ang pinagkaabalahan namin kaya wala na kami masyadong time na makapag bond. Box office Queens na nga kami eh.
Napag-usapan naman namin ni Franki ang friendship namin. What's the difference diba?. Label lang naman yan. Hindi naman talaga kailangang maging kami para magkaroon ako ng right na mahalin sya.
Pero one thing is still bothering me. Kahit sabihin nyang wala lang, na magkaibigan lang sila hindi parin ako mapanatag. Palagi silang magkasama ni Kiara. Ito namang si Sky nakakairita na kasi buntot ng buntot sakin. Parang walang sense of personal space.
Every after activity namin, diretso na agad si Franki kay Kiara. Ano ba talagang meron sa babaeng yun?.
Ang nakakainis pa is one time sumama pa si Franki sa date nina Kiara at Gino, kaya itong si Gino nirereklamo sakin dahil parang sya pa tong naiichepwera sa relasyon nila ni Kiara.
Hindi nako natutuwa dito sa kaibigan mo Diana ha, ni hindi ko na nga makasama at makausap ng matino ang girlfriend ko. Sila nalang ang laging magkasama, at sa tuwing kinakausap ako ni Kiara, puro nalang Franki Franki Franki. Nakakarindi na.
Sorry Gino, sige gagawan ko ng paraan.
Kaya isang gabi, habang pauwi na kami from speaking to Ate Hasna, I decided to confront her about it.
"So you're saying na nakikipag-usap ka parin sa ex mo?."
"Ba't parang kasalanan ko pa?. Franki, ang issue natin dito is nirereklamo na sakin ni Gino na you're too clingy to his girlfriend."
"Sinasabi mo bang pinagseselosan ako ni Gino?. Bakit?. Kasalanan ko bang masyado syang busy at andyan ako sa mga oras na kailangan ni Kiara ng kasama at makakausap?. Diana, mag-isa nalang yun tao."
"Edi isama nyo sya satin kung may vacant tayo."
"Ayun, lumabas din ang totoo. Are you really mad because naaagrabyado na ang relasyon nya with Gino or because hanggang ngayon pinagseselosan mo parin sya?. Akala ko ba tapos na tayo sa issue na yan Diana?. Mygosh."
"So what if nagseselos nga ako?. Alam mo ba yung nakakainis?. Hindi naman ako magkakaganito kung you're not giving me reasons to. Is Kiara made of oxygen that you can't live without her?. Kasi pagod na pagod nako sa kakaisip kung ano talagang nangyayari habang nakatalikod ako!."
"Pero wala naman kaming ginagawang masama. I told you a thousand times na we're just friends!."
"We kissed a hundred times and had sex, and you know what you also call our relationship?. Friendship!. And you want me to believe na walang nangyayari?!. Joke ba yan?!."
"Can you just stop yelling?. Maaaksidente tayo. Geez. You know why you think I am capable of doing that?. Because you cheated on Gino, and you already broke my trust one. At kayang kaya mong gawin yun ulit, kaya you're thinking na gagawin ko yun sayo!."
"Pero that's all in the past! Ba't mo ba inuungkat--"
"Past?!. Ha, past?!. I overheard 2 days ago from Argel and Wealand na may nangyari sa inyo ni Veah recently!. Oh?. Hindi ka makasagot kasi you're guilty. Bakit?. Bakit di mo sinabi sakin?."
"Would that be necessary?."
"Of course Diana. If you really love me, then atleast be honest. You know how much I hate liars."
"I'm sorry. That was a mistake."
"I didn't really know how to deal with it kaya ko kinakausap si Kiara and not you. Nahihirapan na ako sa ganitong set up. Pakiramdam ko lagi nalang akong may kahati."
"That's what you're making me feel everytime you're with Kiara."
"Diana, Kiara's a good friend. I can't just avoid her because you're feeling that way. Let's be mature here and trust each other. I guess the best way to know if you can trust someone is to trust them. Please, for me."
"Okay, for now. Pero sa oras na may mangyaring di ko magugustuhan, I'm sorry Franki but you have to unfriend her."
"I understand, and I promise. Di mangyayari yun." She said kissing my hand.
Kapag talaga kami nag-aaway, naaayos agad sa matinong usapan. Di naman kasi laging masaya ka pag nagmamahal, and I'm glad because I had to share this crazy feelings with her in my journey here on Earth.
The universe knows how much I love this girl that I couldn't even imagine a day without her.
Pagkatapos kong ihatid sya, umuwi narin ako agad pero pabukas palang ako ng pinto biglang sumulpot si Argel. Na muntik na akong atakehin sa puso dahil sa gulat.
"Sht Argel, are you trying to kill me?."
"Sorry sorry."
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?." Sabay pasok ko.
"I just wanted to talk to you about something." Wow ha, masyadong feel at home. Automatic nang himalata agad sa couch eh.
"Ano namang kagaguhan tong ginawa mo ha?."
"Grabe ka naman, di naman lahat ng panahon kagaguhan ang ginawa ko."
"Ipupusta ko liver ko na kalokohan na naman tong ikukwento mo sakin."
"Judgmental te?. Pwede ba hayaan mo nalang akong magkwento?."
"Okay spill." Tabi ko sa kanya.
"I think I like Mae."
"Sinong Mae?. Mae Amunda?." Biro ko.
"Diana naman eh--seryoso nga, ayan ka na naman sa kakornihan mo."
"Wow nagsalita ang walang maala cornfield na jokes."
"Ano?. Magbibiruan nalang ba tayo dito?."
"Sige na, kwento ka na. Sinong Mae."
"Si Mae A."
"Amazing Mae? Yung author ng--"
"Oo her."
"Alam mo, may tama ka talaga eh no?. Papano?. Are you even close?."
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit palagi akong nasa set nyo nun?. Malamang may iba akong intensyon, nakakasawa na kaya yang pagmumukha mo tapos dadalawin pa kita as support?. Haleeer."
"Lumabas din. Alam mo gago ka talaga. Pati ba naman si Mae pagdidiskitahan mo ha?. Nung una si Franki, tapos si Kiara. Then ngayon si Mae?. Ibang klase, alam mo sayo palang parang nakikita ko na kung bakit di nararapat pagkatiwalaan ang mga lalaki."
"Wag mo namang lahatin. At saka promise, this time magtitino nako."
"Isa din yan sa kinakabahala ko eh. Isa pa yung si Mae, wild yun eh--ganun mga type mo talaga."
"Pero ibahin mo sya. Kiara version 2.0 din yun. Sobrang hard to get. At hinding hindi mo talaga madadala sa kahit anong klaseng pambobola. Nabulok lahat ng tactics ko sa kanya grabe."
"Eh yang sinasabi mong tactics kasi parang pang oldies naman. Smooth lang kasi dapat."
"Gaya nang ginawa mo kay Franki?."
Iniisip ko naman, smooth ba yung atake ko kay Franki?. Hindi ko na matandaan eh. Nagkaamnesia na ata ako.
BINABASA MO ANG
GIRL SPACE FRIEND (Frankiana)
FanficFranki Russel is a beautiful young blind girl when she met her first love in a TV commercial about a blind girl eating a chocolate bar that she's in. 20 years later, the chocolate bar company had to shoot for their 20th anniversary special about the...