Chapter 4

1.8K 25 0
                                    

Diana's POV

It's 10pm and I'm drinking again.

FLASHBACK

Grade 10.

"V, please give me time. You know my mom, she's not open with this type of relationship we have now. It would just make things harder for us. Baka ilayo ka nya sakin, and ayokong mangyari yun." I begged.

And nagpapasalamat ako because Veah is the most understanding girlfriend on earth.

"It's okay love, I understand. Basta promise me na ako lang ah?."

"Always." I said kissing her on the forehead.

..

"You promised me Diana!. We've been like this since highschool, palagi nalang kitang iniintindi. Why can't you just come out?!." Sigaw nya sakin.

"V, nagsisimula nako sa career ko. I need this para buhayin ang family ko. At ikaw, how would your fellow candidates think pag nalaman nilang you're not straight?. Please, wag naman sana ngayon."

..

"Yung artistang yun boyfriend mo?. Ano bato? Naglolokohan lang tayo ganun?!. Ano?! Diana sumagot ka!."

"Love, hindi naman totoo yun eh. Hindi ko sya mahal. Ikaw yung mahal ko. Sinagot ko lang naman sya dahil yun yung payo ng manager ko--"

"Anong sabi mo? Sinagot mo sya?. Abay gaga ka pala eh. Alam mo ha, pagod na pagod nako sa ganitong set up. Mabuti pa, itigil na natin to. Hindi nako natutuwa. Ayoko nang magtago D. Gusto ko yung taong kaya akong ipakilala sa mundo. Let's just break up--"

"V, no please--wag naman ganito, hindi ko kayaaaa. I love you V. V! Wag mokong iwaaaan." Pagmamakaawa ko. Halos umiyak na nga ako ng dugo eh, pero umalis parin sya.

EOFB

KINABUKASAN

Nagising ako sa boses ng nagsesermon.

"..naglasing ka na naman? Akala ko ba okay ka na?. Alam mo, lalaki lang yun. Marami pa dyan, hindi ka mauubusan. Sarili mo lang pinapahirapan mo."

Ganito talaga si Argel.

"Kanina ka pa?." Sabi ko sabay kusot sa mga mata ko.

"Ngayon lang. Hindi mo ba nakita yung news kagabi?. Alam na nila na naghiwalay kayo ni Gino."

"Hayaan mo sila, wala naman akong paki sa lalaking yun."

"Kung wala, eh ano to?."

"It has nothing to do with him, gusto ko lang uminom. Teka teka, sino na namang kasama mo nung--"

"I met someone, and I think she is the one." He said in a dreamy manner.

"Pano si Franki?."

"Anong pano si Franki?."

"Don't you like her?."

"I do. Nung una talaga sobra akong nagandahan sa kanya. Pero this girl, she is special. I think I'm inlove."

"Woah woah woah. Are you under influence right now?. Kasi hindi yan yung Argel na kilala ko eh."

"People change Diana."

"Hindi ko alam kung anong tinira mong gago ka pero--"

"Seryoso nga ako. I met this girl, isa sya sa kumanta dun sa music festival na pinuntahan namin ni Wealand. I swear the night we met, she captured this fragile thing inside my chest."

GIRL SPACE FRIEND (Frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon