Franki's POV
3 days later. Sinisimulan na namin ang fake relationship something. Okay lang naman si Argel. And parang wala ding problema si Diana samin.
Kaya lang si Kiara, nalulungkot ako kasi di narin sya nagpaparamdam. Parang si Diana din to nung una eh. Naalala ko tuloy yung sinabi nya na pinagseselosan ako ni Gino. Siguro nga iyon ang dahilan kung bakit parang iniiwasan nya na ako.
Pero hindi parin maiwasang ma miss ko sya. Like gosh, I miss that girl so much. Especially her almost flirtatious jokes. Kaya di nako nakatiis, pinuntahan ko sya sa trabaho niya.
Pumunta kami sa locker room ng staffs kasi walang tao. Bakit parang hindi nya gustong makita ako?.
"Anong ginagawa mo dito?."
"Aren't you happy to see me?. Hindi mo bako na miss?. Kasi sobrang miss na kita."
"Franki, hindi na tayo pwedeng magkita. We can't be seen together."
"Bakit?. Are you okay?." Mukha kasi syang kabado. Halos di pa sya makatingin sakin.
"Franki, just please--"
"Bakit nga?."
"Kasi yun ang tama."
"Ano bang mali satin ha Kiara?. Is this about Gino's jealousy?. Kiara listen, wala naman tayong ginagawang masama. Kaya wala akong makitang dahilan para layuan ka."
"Franki, please. Wag mo na akong pahirapan pa."
"Hindi kita pinapahirapan, kung mahal ka talaga niya di ka na dapat pumipili saming dalawa."
"Pano kung sabihin ko sayo na tama ang hinala niya?. Na baka katulad din pala ako kay Diana?."
"What?. Kiara di kita maintindihan--"
"Franki, sinubukan kong pigilan."
"Pigilan ang alin?."
"Ito." Laking gulat ko nalang na naglapat na pala ang mga labi namin. Ang tagal nagsink in sakin. She pulled away, crying.
Natulala nalang ako dahil sa nangyari.
"I-I'm sorry." She apologized. She looked really scared.
Wait, ano yun?. Did she seriously kissed me?.
"Why--what-"
"Franki, may nararamdaman nako sayo. I don't know how it happened. Naiintindihan ko kung galit ka sakin--"
"No,no Kiara. Stop. Wait,hindi ko alam ang sasabihin ko. Pano si Gino?. Alam nya na ba to?."
"Takot na takot ako Franki. Di ko na alam ang gagawin ko. Ayoko syang saktaaan." Iyak nya. Nilapitan ko sya at niyakap. Shshshsh.
"I'm sorry."
"Franki, please promise me. Kakalimutan natin na nangyari to. I know naman na you don't feel the same. That was a mistake. I'm really really sorry. Can we still be friends?."
"Of course. Girl space friends tayo remember?." I smiled at her.
"Thank you."
"Sige, bibigyan kita ng time and space para ayusin ang sa inyo ni Gino. Basta sasabihin ko sayo na ngayon palang, wala kang mapapala sakin. Ayaw kitang saktan Kiara, alam mo yan. Pero may mahal na kasi akong iba eh."
"I know. I heard the news. Congrats sa inyo ni Argel. Naiintindihan ko. And you don't have to feel bad for rejecting me, I'm just thankful that you're honest."
BINABASA MO ANG
GIRL SPACE FRIEND (Frankiana)
FanfictionFranki Russel is a beautiful young blind girl when she met her first love in a TV commercial about a blind girl eating a chocolate bar that she's in. 20 years later, the chocolate bar company had to shoot for their 20th anniversary special about the...