Diana's POV
Nagising ako kinabukasan sa tabi ni Franki sa bahay nya. So matapos naming kumain, we ended up mistaking each other as desserts kaya Promise Accomplished.
Kumakain na kami ng breakfast nang bigla kaming may narinig na nagwawala sa labas at tinatawag si Franki. I know that voice. That's Gino.
Lumabas naman kami agad, at nagulat kami nang makita si Gino habang inaawat ni Kiara. Galit na galit sya.
"Ano bang kasalanan ko sayo ha?!. Bakit nyo ko ginago?!. Ano ha?! Masaya ka na?!. Una si Diana,tapos ngayon si Kiara naman?!." Sigaw nya kay Franki.
"Gino, tama na. Umuwi na tayo. Nakakahiya." Awat sa kanya ni Kiara. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao.
"Ngayon nahihiya ka?!. Mahal mo si Franki diba?. Ano? Gusto mong sumama sa kanya?. Ayan!. " Sabay tulak kay Kiara kay Franki.
"Nakakadiri kayo!. Magsama kayo sa impyerno!. Mga imoral!." At umalis na nga ang gago.
"Ayos ka lang?. Nasaktan ka ba?." Nag-aalalang tanong ni Franki sa kanya. Pumasok narin kami.
"Papano nalaman ni Gino?." Tanong ni Franki sa kanya.
Tumingin saglit si Kiara sakin.
"Sinabi ko na sa kanya ang totoo."
"Ano ba talagang gusto mong mangyari ha?."
"Dianaaa." Pigil sakin ni Franki.
"Wala Diana. At saka alam ko namang may iba nang mahal si Franki. Ayoko nang ipilit ang sarili ko. Gusto ko lang talagang magpakatotoo kay Gino."
"Yung mahal niya, alam mo ba kung sino?."
"Hindi sinabi sakin ni Franki kaya--"
"Ako yun. Kaya kung may binabalak kang manggulo, uunahan na kita."
"Wala akong intensyon na ganun Diana. Naiintindihan ko naman. Gusto ko lang din sanang magpasalamat kay Franki sa pagtulong nya sakin na matupad ang mga pangarap ko."
"You're always welcome naman Kiara, walang anuman yun."
"Sige, sorry talaga sa abala. Makakaalis na siguro ako."
"Ah hindi, kain ka muna. Papunta na yun dito si Argel. Sya na maghahatid sayo." Sabi ko. Madali lang pala tong kausap si Kiara eh. Basta malinaw na dito na si Franki ay sakin lang.
Babakuran ko na, kaysa pa agawin ng iba mahirap na.
..
Kiara's POV
To be honest, masaya nako for the both of them. Lalo na't alam ko na nasa tamang tao na si Franki. At magaan narin sa loob na nasabi ko narin ang di ko masabi sabi noon ni Gino.
Habang nakikita ko kung pano kasaya si Franki with Diana, unti unti narin akong naging masaya na ako lang. At ang feelings ko for Franki, unti unti naring nawala.
Franki is my true love kasi sa kanya ko natutunang magparaya. Na magmahal ng walang hinihintay na kapalit. Habang dumadaan ang mga araw, linggo at buwan nakikilala narin ang pangalan ko bilang isang artist. Laking pasasalamat ko talaga kay Franki at Argel.
Sa mga nagdaang buwan, naging maganda din ang kalalabasan ng lahat kaya lang nagulat nalang ako isang araw, dumalaw ako sa bahay ni Franki. Naabutan ko silang nagtatalo.
"Hanggang kailan ha Diana?!. Hanggang kailan tayo magpapatawaran?!. Hanggang kailan pa natin sasaktan ang isa't isa?!." Iyak ni Franki.
"Franki, inaamin kong nagkamali ako okay?. Pasensya na dahil nasabi ko yun, I didn't mean it--"
"You didn't mean it huh?. Si Veah kasi, mabuti pa si Veah, sana totoo ko nalang na girlfriend si Veah. Wow ha, ang saya saya naman. Diana, I'm your girlfriend now. Wala nang space yan pero you're still acting like we're friends here. Na parang wala kang nasasaktang damdamin!."
"Girls tama na, wag naman kayong magtalo ng ganito." Awat ko sa kanila.
"Hindi Kiara eh, sobra na kasi." Pilit pa ni Franki.
"Ano bang kaibahan ng pagseselos mo ngayon sa noon ha?. Paulit ulit nalang Franki!." Sigaw pa ni Diana.
"This is not about my jealousy okay?. It's about Veah being a bad influence to you. You've been drinking, smoking and using drugs for goodness sake Diana! Tapos sasabihin mo sakin na mas mabuti pang si Veah ang girlfriend mo kasi di ka nya pinapakialaman?!. Anong sa tingin mong mararamdaman ko?!."
"Totoo ba yun Diana?."
"So what?." Parang walang pakialam na sabi ni Diana.
"So what?. Naririnig mo ba ang sinasabi mo ha Diana?. Gusto mo bang patayin ang sarili mo?! Ano bang nangyayari sayo?."
"Pwede bang wag kanang makialam dito ha Kiara, at hindi ko kailangan ang opinion mo. Makaalis na nga, walang kwenta mga tao dito." Sabay walk out. Hindi ako makapaniwala na naging ganito si Diana.
Niyakap ko nalang ang umiiyak na si Franki.
"Ang laki na ng pinagbago niya Kiaraaa."
"Shshshsh. Mare-realize din ni Diana na mali sya. Palamigin na muna natin ang ulo niya. Ano ba kasing nangyari?."
"Ayun, nahuli ko silang gumagamit ng illegal na droga ni Veah sa condo niya."
"Madalas talagang nangyayari yan sa mga celebrities. Hayaan mo, maaayos din ang lahat." Pero unfortunately, hindi nangyari yun. Matapos lang ng dalawang buwan, di na nakatiis si Franki at tuluyan na silang naghiwalay ni Diana. Hindi yun alam ng media since ang alam nila ay si Veah ang totoong girlfriend ni D. Kaya sobra na ngang komplikado ng situation.
Ayokong makialam pero hindi ko naman pwedeng pabayaan si Franki. Kaya sa sobra kong pagwoworry dahil nade-depress na si Franki at hindi na sya masyadong tumatanggap ng projects, dumulog nako kay Argel na kakauwi lang from his international fashion show. At sinabi nyang sya na ang kakausap kay Diana.
..
Argel's POV
Dinalaw ko si Diana sa condo niya which is halos isang buwan na syang nagkukulong dito. Puro bote nalang ng alak ang mga nakikita ko.
"D, mahal na mahal ka ni Franki. Alam mo ba yun?. Tapos ito lang gagawin mo sa kanya?!. Ano bang klaseng demonyo yang sumanib sayo at ginagawa mo to?!."
"Pati ba naman ikaw?."
"Oo, pati talaga ako kasi isa ako sa mga taong totoong nagmamalasakit sayo. Ayokong nakikita kang ganito!."
"Talaga?. Haha ang galing mo talaga grabe, matapos mong sulutin ang girlfriend ko?!. Sasabihin mo yan?!."
"Oo inaamin ko, nadala ako dahil sa pagpapanggap na yan. At alam mo naman kung gaano ako karupok diba?. Nahulog ang loob ko kay Franki, pero hanggang dun lang yun. Alam kong ikaw ang mahal niya at nirespeto ko yun!. Kaya nga tinigil na namin yang lecheng PR na yan eh!. Nagpakalayo layo ako kasi ayaw kitang masaktan! Dahil mahal kita!. Para na tayong magkapatid. I'm sorry for being a jerk. Kaya please Diana, itigil mo nato."hindi ko na napigilan, tuloyan nakong umiyak.
Si Diana lang kasi talaga ang babae na hinding hindi ko ipagpapalit sa kahit kaninong babae dyan, isa sya sa mga naging totoo kong kaibigan. Our friendship, hinding hindi ko ipagpapalit yun dahil lang sa babae, kahit na si Franki pa yan.
Kasi naniniwala ako na ang para kay Diana ay kay Diana, ang para kay Argel ay kay Argel at hindi si Franki yun. Kasi si Franki ay para kay Diana lang.
BINABASA MO ANG
GIRL SPACE FRIEND (Frankiana)
FanfictionFranki Russel is a beautiful young blind girl when she met her first love in a TV commercial about a blind girl eating a chocolate bar that she's in. 20 years later, the chocolate bar company had to shoot for their 20th anniversary special about the...