Chapter 17

1.2K 28 6
                                    

Franki's POV

KINABUKASAN

Ang sakit ng ulo ko, naparami ata ako ng inom kagabi. Sht. Buti naman at nakauwi nako sa bahay ng ligtas. Guardian angel ko talaga si Jamie.

FLASHBACK

Habang nagkakasiyahan kami, napansin naming nawala si Diana.

"Where's Diana?." Tanong ni Jamie kay Argel.

"Ah umalis."

"San nagpunta?." Tanong ko.

"Malamang dun sa secret boyfriend nya na ewan. Hayaan nyo na, atleast nag eenjoy din yun ngayon."

..

Sakay ng kotse pauwi, hinatid ako ni Jamie. Umiiyak nako sa sobrang sakit.

"Ganun ganun nalang yun?!. Matapos nyang sabihin sakin na tungkol sa nararamdaman nya, ito gagawin nya sakin?!. Sabi ko na nga ba eh, nung sinabi nya palang kanina na magkaibigan lang kami alam ko na. Nakahanap agad sya ng iba!."

"Hindi kaya si Sky?." Tanong ni Jamie.

"Hindi. Eh kasama natin si Sky buong gabi, impossible!."

"Alam mo, support ako sa inyo ni Diana pero di ako makapaniwala na kaya nya tong gawin sayo. Nakakainis!."

EOFB

Dianaaaa. Ano ba tong ginawa mo sakin?. Iyak lang ako ng iyak. Nakakainis ka talaga Dianaaaa. Ano bang ginawa ko sayo at nagawa mong paasahin ako ng ganito?!.

Ano nang nangyari sa mga sinabi mo?. Pinagtitripan mo lang ba ako nang sabihin mo lahat ng yun?. Laro laro lang ba to lahat ha?!.

May kumatok sa pinto, binuksan ko naman agad. Si Jamie pala. Nang makita niya akong umiiyak, niyakap nya lang ako ng sobrang higpit.

"Shshshsh. Tahan na. Magiging okay din ang lahat Franki."

"Bakit ganun?. Lagi nalang nila akong nasasaktan. What did I do to deserve this?."

"None Franki, wala kang ginawa. Malay natin may dahilan pala si Diana kung bakit nya ginawa yun. At saka di pa naman natin sure kung may boyfriend talaga sya. I mean--sa sobrang hectic ng schedule nyo, pano naman yun nakapagkilala pa sa iba?."

"Pero bestfriends si Argel at Diana, for sure sinabi nya sa kanya."

"Diba sinabi ni Argel na secret boyfriend?. Ibig sabihin di nya alam kung sino. Baka may kinikita lang si Diana na kaibigan, tapos inassume ni Argel na boyfriend ni D yun."

..

Diana's POV

Nagising ako not wearing anything. Which is kinagulat ko, may nangyari ba talaga kagabi?. Pero ba't ganun?. Bakit hindi na tama sa pakiramdam?. Why do I feel bad about doing this with Veah?. Mahal ko naman sya diba?.

Nakita ko ang note sa taas ng side table.

Sorry D, kinailangan kong umalis ng maaga. Sinamahan ko kasi si Gaz for her preparation para Ms. U. Ilang months na kasi yun. Btw Good Morning xoxo.

Nagbihis nako agad.

I also received a text from Argel.

Hoy Madam, andito ako sa labas ng unit mo. Pakibuksan please.

Sht sht sht.

Tumakbo nako at nakita ko si Argel na gulat at naguguluhang nakita akong lumabas sa ibang kwarto.

GIRL SPACE FRIEND (Frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon