Diana's POV
After namin manuod ng sine, miss ko na agad si Franki.
"Anong gusto mo?. Kain, arcade or magpamasahe?." Excited na offer ni V.
"Pagod nako eh. Umuwi nalang tayo." Nadismaya naman si V. Hindi ko na nagugustuhan tong mga pinaggagawa namin. Nagi-guilty ako lagi. Dapat kasi si Franki ang lagi kong kasama eh.
Gusto ko na syang yakapin, halikan at kahit mag-usap lang kami about sa patatas at kamatis wala akong pakialam, basta makasama ko lang sya okay nako. Buo na ang araw ko.
Kaya umuwi na nga kami, buong araw akong nagkulong sa kwarto ko at pinanuod ang mga nakaraang interviews namin. Ito talaga ang nagpapasaya sakin. Yung totoo, mahilig ako sa action at drama movies pero first time na di ko na enjoy ang panonood ko kasi iba ang kasama ko.
Okay lang naman si Veah, pero yung puso ko lang talaga nakalaan ng buong buo kay Franki. Naiinis na nga ako sa sarili ko minsan kasi never ako naging ganito ka corny.
My phone suddenly vibrated, luminawag ang mukha ko ng makitang si Franki pala ang tumatawag. Sinagot ko agad, I miss her voice already.
Punkyyy!
Ay? Ang high haha. Asan ka D?.
Dito na sa condo.
Kumain ka na ba for lunch?.
Aray!.
Oh? Anong nangyari sayo?. Wuy D, sumagot ka.
Wala. Nahulog lang lalo sayo. Boom.
Sira haha. Kumain ka na ba?.
Aray ko!
Isa pa talaga ah, yang jokes mo--
Oo, kumain nako. Ikaw?. Inaalagaan ka ba ni Argel?. Naku pag talaga ginutom ka niya, sya papakainin ko ng pako buong linggo.
OA mo haha nakasinghot ka na naman siguro ng katol no?.
Walang lamok dito--
Dapat talaga kasi ako lang ang pwedeng kumagat sayo. Oops.
Uy may naalala ako, yung promise mo Punky ha?. Naku, pag yun di natupad--
Ano?.
Wala lang, matutupad parin naman yun haha.
Wow ha. Umasa ka dyan hangga't gusto mo.
Ang daya daya naman.
Ganun talaga Diana, maglaway ka dyan. Sige na, baka kung san pa umabot ang usapang to. Tapos na waterbreak namin.
San ka ba?.
Dito parin sa gym.
Sige, ingat kayo. Mwah mwah mwah.
Save that for tomorrow. Bibisita ako ha?.
Kahit dito ka na nga tumira eh.
Naku, kung pwede lang sana. Sige na, I love you Diana.
I love you more Franki.
Napag-usapan namin minsan na hindi na kami magsasabi ng goodbye. I love you nalang para mukhang walang hanggan. Yung goodbye kasi, parang di na kayo magkikita ulit. Pag isa samin di na nagsabi nun, ibig sabihin something's wrong. So sa ngayon, I think okay parin kami.
..Franki's POV
Bumalik na kami sa pagwo-work out.
FLASHBACK
"Kung wala ka palang gusto sa kanya eh bakit di mo nalang sya layuan?." Tanong ni Argel.
"Hindi ko nga rin alam eh. Ilang tao narin ang nagsabi sakin nyan pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko kaya. Palagi ko nalang hinahanap si Kiara, alam mo yun. Parang mas hinahanap ko pa nga sya kaysa kay Diana."
..
"Pano kung sabihin ko sayo na tama ang hinala niya?. Na baka katulad din pala ako kay Diana?."
"What?. Kiara di kita maintindihan--"
"Franki, sinubukan kong pigilan."
"Pigilan ang alin?."
"Ito." Laking gulat ko nalang na naglapat na pala ang mga labi namin.
..
"You think this has to do with Gino?. Franki, I don't like her not because I think she stole my boyfriend, I don't like her because she's with you.."
..
"Diana, Kiara's a good friend. I can't just avoid her because you're feeling that way. Let's be mature here and trust each other. I guess the best way to know if you can trust someone is to trust them. Please, for me."
EOFB
And now, parang di ko na alam kung dapat parin ba akong pagkatiwalaan ni Diana. I really felt bad about the whole situation. Nalaman kong tama lahat ng hinala ni Diana about Kiara pero di ko parin kayang layuan ang tao. Ano ba kasi talaga ang pinanghahawakan ko?. Bakit di ko mabitawan si Kiara?.
Masyado nakong maraming tinatago mula kay Diana. Natatakot akong malaman nya at mag-away ulit kami. Kaya dahil sa guilt ko, binili ko sya ng infinity necklace at kung ano ano pang nakita ko sa mall. Like a painting from an amateur art exhibit, headphones and some of her favorite perfume.
KINABUKASAN
"What's this?. Franki, really--you don't have to."
"Bakit?. Di mo ba nagustuhan?."
"Sana inipon mo nalang to. Baka kailanganin mo tong perang ginastos mo sa lahat ng to sa future."
"So ayaw mo nga?." Pagtataray ko. Para kasing ayaw nya talaga eh.
"Hindi naman sa ganun. Wala naman akong ibang ibig sabihin. Sinasabi ko lang naman na marami ka pang mapaglalaanan ng pera mo. You don't need to spend most of it for me."
"But I love you."
"I know Franki. Gusto ko lang na maintindihan mo na itong pagiging artista natin, lahat ng meron satin, hindi to panghabang buhay. Di lahat ng panahon ganito ang buhay. Na kung kailan ka mas nakakaluwag luwag, iwawaldas mo agad ang pera mo."
"Pero hindi ko naman winawaldas lang to. I have more than enough. At nakakapagpadala parin naman ako sa family ko. Diana, hayaan mo nalang ako please. Kulang pa nga yan eh--kulang pa yan upang matumbasan ang lahat ng panahon na pinasaya mo ko." Tinitigan nya lang ako with her appreciative look, hugging me.
"I'm sorry. Sige na, thank you sa lahat ng to. At saka hindi naman ako humihingi ng kapalit eh. Obligasyon kong mahalin at pasayahin ka. Masaya ako kapag masaya ka."
Diana, siguro hindi ko pa pwedeng sabihin sayo kung bakit ko ginagawa to. Dahil nakokonsensya ako. Kasi pakiramdam ko sobrang unfair ko na sayo. Di ko napigilan,
"Oh?. Ba't ka umiiyak?." Sabay punas nya pa sa mga luha ko.
"I was trying to remember what I did to deserve you pero wala akong maalala. Kasi ang alam ko, you deserve better D, pero pinagtatiyagaan mo ko."
"Wag mo ngang sabihin yan. Hindi kita pinagtatiyagaan. Minahal lang kita, minsan mahirap pero itong puso ko eh. Ayaw paawat, Franki parin. At kung tatanungin man ako kung anong elements ang kailangan to sustain life, sasabihin ko Franki lang. Kasi alam mo, hindi naman talaga ang mga bagay like oxygen, food, water etc. ang bumubuhay satin eh, buhay tayo because we have reasons to. And you're one of mine Franki."
BINABASA MO ANG
GIRL SPACE FRIEND (Frankiana)
FanfictionFranki Russel is a beautiful young blind girl when she met her first love in a TV commercial about a blind girl eating a chocolate bar that she's in. 20 years later, the chocolate bar company had to shoot for their 20th anniversary special about the...