Diana's POV
1pm may meeting kami with direk and our new manager, si Miss Hasna na kakapakilala lang ni Direk samin since we're working now as a loveteam.
"Bukas, may guesting kayo sa GGV na ipapalabas this sunday. Kaya maghanda kayo, alam nyo naman yung rule about spoilers diba?. Pag tinanong kayo ng about sa film, say as less as possible." Paalala samin ni Ms. Hasna.
"Opo. Kami na pong bahala ni Franki." Nagtinginan naman kami ni Franki.
"At ikaw Franki, I'm reminding you about the fan service. I mean it doesn't have to be like over talaga yung sweetness, maybe just develop your friendship more with Diana because watching both of you on set these past few days,parang may nabago between you too. Did you had a fight or--"
"Just a little misunderstanding lang po Ms. Hasna. Pero don't worry po, we'll work on it as soon as possible." Sagot ni Franki. Well yeah, that night I kissed her and that stupid confession messed everything up. Sana wala nalang akong sinabi.
"Good to hear that. So that's all. By the way it's really nice handling you. Hanggang sa susunod girls." Sabay beso samin Ms. Hasna.
Para tuparin ang sinabi ng manager namin, I decided to do the first move. I offered Franki a ride. Nung una parang ayaw pa nya pero hindi ko sya tinigilan kaya pumayag narin.
Tahimik lang kami sa first 5 minutes namin sa biyahe. Talagang nagbago si Franki eh, hindi na sya yung palangiti at energetic. Medyo seryoso siya ngayon.
"Franki--about sa nangyari nung ano, tha-that night I kissed you--that was a mistake. At yung sinabi ko, I shouldn't have said that. Masyado akong naging padalos-dalos."
"It's okay, kalimutan nalang natin yun. We're still friends parin naman Diana. Ayokong may magbago satin." Nakayuko lang sya. Gosh, nagi-guilty na talaga ako.
"I understand. Besides, alam ko namang you're straight kaya wala ding magbabago talaga. Pero nung sinabi ko, totoo yun. I did like you. Hindi ko lang alam ngayon."
"Yeah, I know. Argel said you had this secret boyfriend."
"What?."
"Nung party, umalis ka diba?. Sabi ni Argel, kasama mo yung taong yun." Franki please don't look at me like that. Her eyes, pulang pula na as if she's stopping tears to fall down.
"I'm sorry." Sabi ko at huminto dahil sa traffic. I just stared at her. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya. Ano bang nagawa ko Franki.
She forced a smile but her tears betrayed her. They started falling but she's still smiling at me,
"Sayang, minahal na sana kita eh." Nang sabihin nya yun parang nanghinayang ako. Naguluhan. Bakit ngayon nya lang sinabi to?. Bakit Franki?. Ang bigat bigat sa loob. Hindi ako makapagsalita, nakatitig lang ako sa kanya.
"I know it's too late to say this Diana, but I just wanted you to know how I really feel. How it hurts to love you. I'm happy na nahanap mo agad yung taong magmamahal sayo. I'm sorry kasi ang bagal ko." Ayan na umiiyak na talaga sya ng sobra. Franki pleeeease. Sinubukan kong punasan ang mga luha niya.
Peeeeep!
Umusad na sa wakas ang traffic. Hindi na nya ko muling kinausap sa buong biyahe. Nang makarating kami sa bahay niya, medyo okay na sya.
At sabi nya,
"Don't worry about me. I'll be fine. We're good." At bineso ako saka pumasok na sa bahay nya.
What have you done Diana?. Ang tanga tanga mo!. You should've listen to your guts. Sana pinaglaban mo nalang ang nararamdaman mo para sa kanya. Kung hindi ka ba naman manhid at gaga.
Pero akala ko talaga straight sya eh. Naghihintay lang pala sya sakin. Pero ako tong duwag na ayaw masaktan naghanap agad ng option to save my heart from breaking, at yun ay si V. Akala ko dahil posibleng mahalin ako pabalik ni V ay magiging panatag ako pero hindi.
Nararamdaman kong may mali kasi ang totoo ay hindi na sya ang kailangan ng puso ko. Tama si Argel. Kapag tuluyan ka nang nahulog sa tao, you'll automatically feel like you're committed to them with your body and soul. Na kapag naglaan ka o may ginawa sa iba na nararapat lang sa taong mahal mo, makokonsensya ka. Dahil dun ka nanghahawak para patunayan ang katapatan mo. At ako ay para kay Franki lang.
7pm. Veah invited me to eat dinner with her. Di parin ako mapakali. Iniisip ko parin ang mga sinabi ni Franki. Kung pano ako nagsisisi dahil sa maling akala. Dahil sa pagiging manhid ko.
"D, kanina ka pang walang kibo. May problema ba?." Tanong ni Veah.
"Ah--hindi masyado. About lang sa work."
"Sya nga pala D, yung nangyari kagabi--"
"Veah, pwede bang wag na muna nating pag-usapan yun ngayon?. Marami kasi akong iniisip ngayon."
"Okay. Sige na, tapusin mo nalang yan." Pilit nyang ngumiti.
Pagkatapos naming kumain, tinulungan ko syang maghugas at bumalik na agad sa unit ko. Iniisip ang mga bagay bagay. Gustong gusto ko nang sabihin kay Franki na hindi pa huli ang lahat, na may pag-asa pa.
Kung may ginawa sana ako agad, masaya na sana kami ngayon.
KINABUKASAN
Mamayang gabi pa ang shoot namin for GGV kaya may time pa. Maaga akong gumising para dalawin si Franki, gusto ko na syang makita at makausap.
Pinapasok nya naman ako agad. Pero seryoso parin ang mukha nya. Sa sala.
I brought her pizza at least. I'm not really fond of flowers. Next time na yung chocolates.
"Ano bang kailangan mo sakin at dumalaw ka pa rito?. Magkikita rin naman tayo mamayang gabi."
"Di ba pwedeng gusto lang kitang makita?."
"D, wag mo nang gawin sakin to please. Sobrang nakong umasa't nasaktan--"
"How about us?."
"Anong us ba yang sinasabi mo?. May boyfriend ka Diana--for goodness sake."
"Franki, Franki calm down. Wala akong boyfriend, okay?. I told Argel na I'm seeing someone. Hindi lang kami nagkaintindihan. At kahapon, narealize ko na lahat. I was wrong when I hurt you. I'm terribly sorry for being the idiot that I am. Pero ngayon, alam ko na kung anong gusto ko and that is to be with you. You make me happy Franki. I love you."
It's for the first time na sinabi ko sa kanya na mahal ko siya and I actually mean it.
"Okay. Don't get me wrong Diana, mahal kita pero siguro dapat munang maging magkaibigan muna tayo like you know, girl space friends."
"Naiintindihan ko Franki. So, okay tayo?."
"Okay naman talaga tayo." Sabay yakap sakin. Ayoko nang pakawalan ulit ang babaeng to.
BINABASA MO ANG
GIRL SPACE FRIEND (Frankiana)
FanfictionFranki Russel is a beautiful young blind girl when she met her first love in a TV commercial about a blind girl eating a chocolate bar that she's in. 20 years later, the chocolate bar company had to shoot for their 20th anniversary special about the...