Chapter 24

1K 29 10
                                    

Kiara's POV

KINABUKASAN

8am na ng makarating si Franki sa pinag-usapan naming coffee shop. Dumiretso muna sya sa counter para umorder saka pumunta sakin dala ang order nyang coffee. Nakipagbeso ako sa kanya.

"Kanina ka pa?." She asked.

"Medyo. By the way, nakita ko sa news yung premiere nyo kagabi. Congrats about your movie, di nyo naman sinabi na ganun pala kayo ka bigtime."

"Asus, wala yun. You? Wala kang work today?."

"Ah oo. Day off ko kasi."

"And you decided to spend it with me?."

"Yes. I mean, why not?. Diba?. Friends na din naman tayo."

"Of course. I'm just flattered. Your family ba asan?."

"Nasa Japan with my dad. Japanese kasi yun."

"And you lived here alone in the Philippines?."

"Actually, I ran away from home. Andito ako to prove that kaya kong umangat sa buhay without my parents' money."

"Well, you must be really rich. Alam ba to ni Gino?."

"My dad owns a chocolate factory. Gino had no idea where I came from or whatever my family background is."

"Pano ka niya minahal without even knowing those details about you?.."

"You know that you're truly inlove when you don't actually care about those things anymore. You just choose to love the person. And it's okay not to know why you love them. It's part of falling." And she's just staring at me like I'm a professor lecturing a very important lesson na lalabas sa final exam.

..

Diana's POV

Sinamahan ko si Argel mag gym. Wala lang, syempre may lakad si Franki at si Kiara. Hindi ko maintindihan,parang hindi ko parin mapagkatiwalaan ang babaeng yun.

Nagwowork out na si Argel, pinanuod ko nalang sya since di naman ako mahilig sa ganito.

"Si Kiara lang kasama nun. Yang mukha mo naman parang natalo sa lotto."

"Yun na nga ang kinakabahala ko eh, I just can't trust that girl. There's something about her na parang--"

"Threatening?. Diana, Kiara's straight. Di nya aagawin si Franki. And speaking of, bakit ka ba nagseselos eh hindi naman kayo?."

"Kailangan ba talagang maging kami para magkaroon ako ng karapatang magselos?."

"Alangan naman--dapat lang."

"Argel, ang selos pakiramdam yan. Hindi karapatan. At lahat ng taong nagmamahal, nararanasan yan."

"Okay, chill. Basta makinig ka sakin, wala kang dapat ipagselos. Kasi--hi V. Kanina ka pa?. Sinong kasama mo?." Napalingon ako, sht andito nga si Veah.

"Wala, ako lang. Hi sa inyo. D, wow. I haven't seen you in like--ages." Sabay beso sakin. Oo nga pala, may atraso din ako sa babaeng to. Pero klaro naman siguro sa kanya na friends nalang kami ngayon.

"Y-yeah medyo busy kasi, alam mo na."

"Congrats sa movie nyo grabe, pinipilit nga ako ni Gaz na manuod this weekend kaya lang--"

"Kaya lang, ano?."

"Wala. I'm just glad to see you, finally. We should hang out sometimes."

GIRL SPACE FRIEND (Frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon