Jamie's POV
Someone's jealous. Haha tago pa Franki, tago pa. Tagutaguan maliwanag ang buwan, pagbilang kong tatlo magsiamin na kayo!.
Nakakainis tong dalawa, halata na ngang may something eh. To namang si Argel, napaka heteronormative mag-isip. Di ba pwedeng si Franki lang iniisip ni Diana?. Chos. Malay natin diba?. Baka may gusto rin pala sya dito sa beshy ko.
Pero di na nakasagot si Diana kasi may biglang dumating. Yes, yung isang artista din na comedian, si Wealand and it doesn't look like today is a good day for him.
"Akala ko talaga di ka na makakapunta dude. Anong nangyari?." Nag-aalalang tanong ni Argel.
"Ayaw nya sakiiin."iyak ni Wealand na parang bata. Pinaupo naman sya at kinomfort ni Argel. Poor Wealand.
"Sabi naman kasi sayo, wag na yun si Kaori." Sabi pa ni Argel.
"Makakahanap ka pa dyan Wealand. Baka di lang talaga kayo for each other." Sabi ni D.
"Pano kung gusto ka rin pala niya pero hindi pwede or may pumipigil, di rin naman natin masasabi. I mean, you're a good person naman. I think--" Sabat ni Franki.
"Kung gusto nya talaga, sana sinabi na nya soon. Hindi yung wala naman pala syang nararamdaman tapos may umaasa na." Sagot ni Diana. Teka, nagpaparinigan ba ang dalawang to?. Parang affected si Diana eh. What's happening?.
"Ah ganun ba yun?. Kasi I know someone who confessed to this girl pero this person kept on hanging out with someone else, na parang walang nangyari. These kinds of people gives you mixed signals kaya minsan kahit may pag-asa kayo together, you'd rather stay away from them." I swear, may issue ang dalawang to. May pinaghuhugutan kasi si Franki eh.
"Girls, girls. Issue pa ba talaga ni Wealand pinag-uusapan natin dito?. Teka Wealand, pano ka ba nya ni-reject?." Tanong ko.
"I saw her with someone else." Malungkot na sagot ni Wealand.
"Baka friend lang pala nya yun. Tapos susuko ka na nyan agad?. You see, boys and girls can be friends. You can't just assume na they're in a relationship just because magkasama sila."
"Nahuli ko sila okay?. I saw Kaori kissing a girl. A fcking girl. The whole time I was thinking na bestfriend nya yun, ang tanga tanga ko, tanga tanga ko. Nagpatulong pa talaga ako sa babaeng yun kung pano pormahan si Kaori tapos ganito pala." Iyak niya.
At walang ano anoy, bigla nalang kaming natawa lahat hahahaha. Ayan, love is love kasi.
May mga lalaki talagang akala nila makukuha na nila yung babae dahil madalas nilang nakakasama at walang umaaligid na ibang guys, ang di nila alam na sa panahon ngayon dapat binabantayan din nila ang girl friends, girl space friends ng mga babaeng gusto nila or girlfriend nila kasi baka they're actually fooling around or falling in love behind their backs. Pero it depends kasi some girls like me are just straight and loyal.
I can see that girls are wonderful creatures and we understand each other more than any guy can. Bilib nga ako because mostly yung mga naririnig at napapanood kong movies or films, yung mga ganung same sex relationships madalas nagsisimula talaga sa friendship kaya matibay yung pundasyon hindi yung common na dahil pinakilig ka ng lalaki gusto mo na agad. Wag marupok girl, know how to set your own standards and take something you actually deserve.
Kaya itong si Franki, kahit ano o sinong piliin nyang mahalin susuportahan ko parin sya because she's my bestfriend and I respect her choice.
"Yan na nga bang sinasabi ko eh, pagtatawanan nyo lang ako."tampo ni Wealand.
"Wealand look, I understand how you feel right now. Naranasan ko naring ipagpalit sa iba. Pero pasalamat ka nalang kasi hindi pa kayo, nalaman mo na." Paliwanag ni D.
"Pero hindi ganito D. Ang sakit sakit eh--bakit sa lahat ng tao babae pa?. Nakakalalaki na."
"Wealand, wala naman yan sa lalaki or babae ang pinalit sayo. Pareho paring masakit yun. At saka di ka niya pinagpalit, nagpakatotoo lang sya. Pinili nya yung mahal niya. Hayaan mo nalang silang maging masaya." Nakita ko naman si Franki na tutok na tutok sa mga sinasabi ni Diana. Napakahalata talaga ng babaeng to, walang sense of pakipot tsk.
FF
Ang tatlo, magkasama sa kotse ni D while kasama ko naman pauwi si Franki. I'm driving.
"Alam mo, may di ka talaga sinasabi sakin."
"What would I hide from you naman?."
"Yung status nyo ni Diana. Ano na?. Hindi na siguro simpleng crush yang nararamdaman mo for her, at yung kanina. Bakit parang nagpaparinigan kayo?."
"That's the problem kasi Jamie eh, she confessed about her feelings for me 2 nights ago pero she kept on hanging out with Sky. And kanina, binanggit pa ni Argel yung lalaking yun--nakakainis-"
"Wait-wha-what?. She confessed to you and ngayon mo lang sinabi sakin?."
"I'm sorry okay?. Nawala lang sa isip ko--pero I swear, I was gonna tell you."
"Well, sobrang gulo nga. Alam na ba nya how you felt about her?."
"I don't know, seriously. Parang iniiwasan nya na nga ako."
"Bakit kasi you didn't make a move?. Nag confess na nga yung tao sayo--"
"Why me?. She confessed, she should be the one doing something."
"How would she do something if she didn't even know if you're open about the whole thing?. Malamang, she thought you're straight and not interested kaya di nya nalang tinuloy." Napaisip sya sa sinabi ko.
"Shoot shoot shoot. Do you think it's too late?."
"Why are you asking me?. Muka ba kong si Madam Auring?. Ayan kasi--pag naka-move on talaga yun at nakahanap ng iba, magsisisi ka. Like, Diana Mackey na yan girl--pinakawalan mo pa."
..
Diana's POV
Inuna na naming ihatid si Wealand so ihahatid ko narin si Argel.
"It's obvious D, she likes you." Sabi niya which is kinagulat ko.
"What are you talking about?."
"Si Franki. Nakita mo ba kung pano sya nagselos kanina nung tinukso kita kay Sky?. At kung pano ka nya tingnan. I swear, that look--hindi yun ginagawa ng normal na kaibigan lang."
"Nababaliw ka na talaga. We're just friends. Wag mong lagyan ng kulay." Alam mong marupok akong hayop ka, sige konting push nalang aamin na talaga ako.
"Pero iba talaga eh. Alam ko yun because that's how I look at Kiara. May something na siguro kayo no?."
"Walaaa. Ikaw, kung ano anong naiisip mo." Deny ko.
"Concerned lang ako. Baka maging Wealand version 2.0 si Sky, kawawa naman."
"Edi jowain mo si Sky para maiba naman haha."
"Diana, seryoso ako. Ano?. May gusto ka ba kay Franki?. Mahal mo na ba sya?. Ano?."
"Wala akong gusto sa kanya. Mahal ko siya bilang kaibigan, yun lang yun. Kaya itigil mo na yang pag-iisip mo samin like we're romantically or sexually involved with each other kasi di yun mangyayari. I'm straight." Lies lies lies. Sige Diana, tingnan natin kung hanggang kailan mo mapapanindigan yan.
Syempre, ayoko namang maging malaking issue pa tong nararamdaman ko for Franki. We're only together because of work. Yun lang yun. Bonus nalang kung nagkainlove'van.
Iniisip ko lang kasi, yung plano ko na maging coming out film ko to, dun lang dapat yun. Hindi ko naisip na mangyayari to. At never pa nangyari sa buong media industry ng Pilipinas na may loveteam na same-sex na totoong nahulog. Mostly kasi yung kinukuha na artista ay both straight.
BINABASA MO ANG
GIRL SPACE FRIEND (Frankiana)
FanfictionFranki Russel is a beautiful young blind girl when she met her first love in a TV commercial about a blind girl eating a chocolate bar that she's in. 20 years later, the chocolate bar company had to shoot for their 20th anniversary special about the...