Franki's POV
Iniiwasan na nga ako ni Kiara dahil kay Gino, ayaw pa ako kausapin ni Diana. Kaya tinawagan ko nalang si Argel.
Argel, asan ka?.
Dito sa studio ng Magandang Buhay, bakit?.
Anong ginagawa mo dyan?.
Ngayon kasi yung guesting nina D and Veah. Magsisimula na to mayamaya.
Pupunta ako dyan--
Huh? Wag naaa.
Bakit?.
Sasaktan mo lang ang sarili mo.
Kung masaktan edi masaktan. Gusto ko lang makita at makausap si Diana.
Nagkakaproblema ba kayo?.
Hindi ko nga alam eh, parang bigla nalang niya akong iniwasan.
Baka naman may nagawa ka.
Hindi ko nga alam eh, tinatanong ko sya pero sasabihin nyang wala lang daw. Pagod lang sya.
Sige, mabuti nga pag-usapan nyo yan. Papunta ka na ba dito?.
Oo pasakay nako sa kotse, kitakits.
..
Diana's POV
"Let's welcome, Diana Mackey and her girlfriend Vianca Louise Marceloooo." Lumabas na kami at binati lahat ng nanuod. Nakita ko narin si Argel. Pinagdrive nya kasi kami papunta dito kaya andito sya.
Nakipagbeso kami sa mga momshies.
"Ang gaganda talaga ng mga to. Again, welcome sa magandang buhay girls." Sabi ni Momshie M.
"So hindi na tayo magpapaligoy-ligoy pa. Ngayon, isa kayo sa mga couple na talagang pinag-uusapan. Mula dun sa pag-amin ni Diana about sa relasyon nyo dati sa GGV. Tapos ngayon, nagkabalikan kayo. Gusto lang namin malaman kung bakit kayo naghiwalay in the first place?." Tanong Momshie K.
"Siguro po dahil sa naging duwag ako. Hindi ko po sya naipaglaban dati, at inuna ko yung pangarap ko at sasabihin ng ibang tao."
"Sakin naman po, parang hindi ako nakapaghintay sa tamang panahon. I didn't trust Diana's timing kaya di nagwork yung relationship namin dati." Dagdag ni V. Totoo naman eh.
"Pero nung napares si Diana at Franki sa isang LGBT themed movie, hindi ba sumama ang loob mo na kinayang gawin ni Diana yung intimate scenes with another girl tapos yung sa inyo tinago niya?."
"Hindi naman po. At magkaibigan na kami ulit ni D nun. Saka trabaho nya naman yun kaya di ko nalang tine-take ng personal. At saka I know na that's her first step of coming out kaya sinuportahan ko nalang." Ito yung gusto ko rito kay V, hindi na sya ganun ka selosa.
Napapalakpak nalang kami.
"Well, speaking of--let's also welcome Franki Russell and Argel Saycon. Talagang supportive friends talaga. Enjoy lang kayo dyan." Bati sa kanila ni Momshie J.
Talaga bang pumunta talaga si Franki dito?. Ayoko syang tingnan, naaalala ko na naman yung ginawa nya.
"So balik na tayo, madalas talagang nangyayari sa showbiz na nahuhulog ang artista sa ka loveteam nila, hindi ka ba natakot na baka mangyari yun?." Tanong ni Momshie J kay V.
BINABASA MO ANG
GIRL SPACE FRIEND (Frankiana)
FanfictionFranki Russel is a beautiful young blind girl when she met her first love in a TV commercial about a blind girl eating a chocolate bar that she's in. 20 years later, the chocolate bar company had to shoot for their 20th anniversary special about the...