Chapter 29

852 31 7
                                    

Diana's POV

7pm.

Kanina ko pa tinatawagan si Franki, pero nakapatay ang phone niya. Ano na kayang nangyari dun?. Wag naman po sana.

Nasa condo ko na ako, halos lahat na tinawagan ko pero di daw nila kasama. Naisip ko, isa lang naman ang pwedeng kasama talaga nun. Si Kiara. Kaya I called Kiara as soon as possible. Sobrang tagal sinagot.

H-hello, Diana?.

Ay Kiara, kasama mo ba ngayon si Franki?. Kasi nag-aalala nako dun, galing kasi ako sa bahay nya kanina pero wala namang tao dun.

Ah eh, w-wala sya dito eh. Pero wag kanang masyadong mag-alala. Siguro nakauwi nayun by now. Baka may binili lang or pumunta sa iba nyang mga kaibigan.

Siguro nga. Sige, pasensya sa abala.

Okay lang. Sige.

Bye.

Bye.

Pero di parin ako mapanatag. Kasi kung hindi sila magkasama ni Kiara, for sure she's somewhere else. Pero san naman kaya?.

Pasakay nako sa kotse nang,

"Diana?." Lumingon ako sa excitement kasi akala ko si Franki, pero si V lang pala.

"Veah.."

"Going to a party?. Dinner, perhaps?."

"Ah hindi, hahanapin ko lang si Franki."

"Why?. Anong nangyari?."

"Ewan ko, di ko pa sya nakikita simula kaninang hapon."

"Sasamahan na kita--wait, nag dinner ka na ba?."

"Hindi na importante yun. Kailangan ko nang mahanap si Franki."

"Anong hindi importante?. Huy, kumain ka. Sige na, sasamahan na kita. Baka mapano ka pa sa daan."

Di talaga to maawat. Sumama nga sya, pinipilit nya kong kumain kaya nag drive thru kami at kumain muna ako kaya sya na nagdrive.
..

Kiara's POV

Kumakain nako ng niluto nyang lugaw.

"At pagkatapos mo dyan, inumin mo natong gamot mo." Sabi pa ni Franki.

"Hindi ka kakain?."

"Busog pako."

"Hindi, naku kumain ka. Baka ikaw naman magkasakit nyan."

"Tapos aalagaan mo rin ako. Diba?." Biro pa nya.

"Pero mas mabuti yung inaalagaan kahit malusog naman. Sige na, kumain kana."

"Opo Madam Kiara haha."

"Sya nga pala, bakit ayaw mong sabihin ko kay Diana na magkasama tayo?. Na you're staying for the night."

"W-wala lang."

"Franki.."

"Wala nga."

"Is she threatened of me?."

"Wh-what?. Of course not, why would she?." I knew it,she can't even look at me in the eyes.

"Syempre diba?. Nauna kayong maging friends kaysa satin, diba parang ang unfair sa kanya na ako laging kasama mo imbes na sya?. I mean, isn't she your bestfriend?."

GIRL SPACE FRIEND (Frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon