Chapter 30

973 27 4
                                    

Kiara's POV

Nang makita ko si Diana when she kissed Franki, parang naghahalong confusion at kirot ang naramdaman ko. I mean they're friends naman right?. Pero bakit parang sobrang personal?. Bakit kailangan pang umabot sa ganito?.

Okay na sila agad na parang wala lang nangyari, samantalang ako naguguluhan parin. Umalis na sila agad. Ang daming tao pala sa labas. Hiningan nila ako ng testimonya pero no comment ako. Ayoko kasing nai-involve sa ganitong mga kadramahan. Pero di yun maiiwasan since puro artista ang mga naging kaibigan ko. Bakit nga ba ganun?.

2pm. Nagfacetime kami ni Gino.

I saw the news. Ano ba kasing ginagawa ni Franki dyan sa apartment mo buong gabi?. Hindi na ba kayo nakontento na halos araw araw na kayong magkasama?.

Gino please, not now.

Ano?. May relasyon ba kayo?. Ginagago nyo ba ako?! Alam mo naman ang ginawa sakin ni Diana noon diba?. So bakit--

I'm not cheating on you okay?. I was sick kahapon kaya andito si Franki. Yun lang yun.

You're sick and di mo man lang sinabi sakin?.

Ayoko nang mag-alala ka pa. I'm sorry.

Basta promise me na hindi nato mauulit pa. Na hindi kana sasama sa babaeng yun. Or else--

Or else ano?.

Maghihiwalay talaga tayo, sinasabi ko sayo.

Are you serious right now?.

Mukha bakong nagbibiro?. Kaya pumili ka na, ako na boyfriend mo o yung babaeng linta na yun na dikit ng dikit sayo?.

..

Diana's POV

Pinatawag kami ni Ate Hasna.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or maiinis sa ginawa nyo. You're all over the news. Pero may isa tayong problema dito, Diana--totoo ba yun?. Na nagkabalikan kayo ng ex mo?." Sabi ni Ate Hasna.

"P-po?. Hindi po."

"What is she talking about Diana?." Tanong ni Franki.

"Nung hinahanap ka kagabi ni Diana, she's with her ex girlfriend. Maraming nakakita sa kanila and they assumed nagkabalikan sila kaya ka biglang nawala. So naisip ko, pwede naman nating pasakayin ang masa sa storyang yun."

"But that's lying." Sabi ni Franki.

"I know Franki and that's what we're doing here. Naaalala nyo ba yung sinabi ko na hindi you can't date each other?. It's not just for your upcoming roles, it's for people to know that you're professionals. Hindi gaya ng mga artista ngayon na naiinlove agad sa kung sinong itambal sa kanila. We're giving them your image of being faithful to your partners."

"Pero Ate, yun na nga eh. We're both single."

"Kaya nga makikipagbalikan ka sa ex mo. Syempre pure PR lang. At ikaw naman Franki, since no one knows that you like girls, hahanapan ka pa namin ng lalaking magpapanggap bilang boyfriend mo."

"Kahibangan yan ate Hasna. Ayoko. Si Diana ang gusto ko." Pilit parin ni Franki.

"Sana inisip mo yan bago ka nawala kahapon. Hindi sana papasok ang issue ni D and that girl, anong pangalan nun?."

"Veah."

"Yeah that girl. Ang mangyayari kasing strategy dito is pag nalaman ng fans nyo especially the lgbtq+ community na you're not actually in love with each other pala, hahalungkat yan ng evidences na may something talaga kayo. Aalamin nila about your fake relationships, may assumption na sila pero syempre they can't confirm that unless umamin kayo. They'll be your fans for so long because of that. Alam nyo na, people always seek for the truth and using your fake relationships, we'll make them run after it. The more chasers, the more loyal fans you get. So, deal or no deal?."

GIRL SPACE FRIEND (Frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon