Chapter 28

997 32 6
                                    

Franki's POV

KINABUKASAN

I texted Diana para gumimik pero sabi nya may lakad daw sila ni Argel. Ito talaga eh, palagi syang busy tapos may gana pa syang magselos pag si Kiara ang kasama ko. Hay mga babae talaga ang hirap intindihin, ay oo nga pala babae din ako.

Nakakabagot na sa bahay kaya naisipan kong tawagan nalang si Kiara. Tagal pang nag-ring bago niya sinagot.

Hello *coughs* oh? Fr--*coughs coughs coughs*. Napatawag ka. May problema ba?.

Parang medyo paos sya.

Wala naman. Are you sick?.

Yeah, a bit. *Coughs*

San ka ba ngayon?. Susunduin kita.

Andito lang ako sa apartment ko *coughs* pinauwi nako ni boss para makapagpahinga.

Si Gino?. Alam nya na ba?.

Hindi pa. At diba nga ngayon yung flight nya papuntang Thailand para sa shoot nila?. Alangan namang e cancel nya yun. Ayoko na syang mag-alala.

Sige, wait--papunta nako dyan.

20 minutes later, nakarating rin ako agad sa kanila.

"Grabe, sobrang init mo." Hawak ko sa leeg at noo niya.

"Mag-ingat ka, baka matunaw ka nyan haha." Biro pa nito. Pansin kong napapadalas na ang mga ganitong hirit nya sakin. Pero wala lang naman yun kasi siguro ganyan lang talaga sya.

"Sira haha. Ikukuha muna kita ng--ay basta alam mo na yun."

..

Diana's POV

Ewan ko ba kung bakit sumama sama pako dito kay Argel sa 'panliligaw' nya kamo kay Mae. Pero hindi palang kami nakakapasok, sinalubong na kami agad ni Mae ng spatula at frying pan na tinutok niya naman kay Argel.

"Diba sinabi ko na sayo na wag na wag ka nang babalik dito?." Banta ni Mae. Haha. Lagot ka Argel. Nagtago pa sa likuran ko ang gago.

"Gusto nga kasi kita--" pilit pa ni Argel.

"Mas bata ka sakin, di tayo bagay."

"Kaya nga may kasabihan na age doesn't matter diba?." Si Argel talaga tumitiklop sa babaeng to.

"Alam mo, cute ka naman eh--pero please Argel, ayoko ng gulo. Ayoko ng nasasangkot ako sa issue ninyong mga artista. Ilang beses ko pa ba yan sasabihin sayo?." Taray ni Miss Mae. Lodi.

"Ayan, binasted ka na pala. Wag kang pusher." Away ko pa kay Argel.

"D, ano ba?. Kala ko ba magkakampi tayo dito?. Kaya kita sinama eh."

"Kahit sino pa ang isama mo para kumbinsihin akong bigyan ka ng chance, hindi na magbabago ang isip ko. Kaya stop this pathetic act bago pa kita mademanda ng kahit anong kasong assault." Natahimik nalang si Argel.

"Sige na Argel, alis na tayo." Hila ko dito palayo. Wala nang nagawa si Argel kaya umalis narin kami.

"Ano bayan, pang-ilang basted mo na to ah. Pakiramdam ko isinumpa ka na ng universe dahil sa pagiging babaero mo."

"Don't start Diana. Please. Wag mo nang dagdagan."

"Sinabihan ka na kasi,pag sinabing ayaw wag nang ipilit."

GIRL SPACE FRIEND (Frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon