Nakakainis siya.
Nakakabuwesit.
Nakakaasar.
Oo lahat Nakaka- sa kanya. Eh yun nararamdaman ko eh. Lalo na kapag nakikita ko sila ng mga babae niya. Tsk! Ang buwesit na 'yun. Hindi niya alam nasasaktan kaya ako.
Pano ba naman sobrang crush ko siya. Kaya tuloy pakiramdam ko lahat ng Nakaka- (na binanggit ko) na ginagawa niya sobrang naaapektuhan ako.
Pero hindi niya alam na gusto ko siya. Gustong gusto ko as in. Ang Earl Peras na 'yun! Bakit kasi hindi na lang mansanas diba? Para pula. Haha. Ay teka minsan pala pink saka green. Ayy ewan. Gusto ko lang ipareho sa puso, ang ibig kong sabihin, Pagmamahal, Love.
Nga pala ang bestfriend ko lang na si KenJay Trinidad ang nakaka alam na gusto ko si Earl. And speaking of...
"Hoy ikaw Precious Marla San Juan! Bakit mo naman naisipang magpakalasing sa party na 'yun ha? Alam mo bang pwede kang mapahamak ha?" Ayan, nanenermon na naman ang Mama at Papa ko ngayon. Porke wala ngayon ang Mama't Papa ko!
"Bebe naman, in-enjoy ko lang eh" Sabi ko habang papikit pikit na. Bakit nga ba ako nagpakalasing? Inenjoy ko nga ba talaga? Naalala ko na naman yung nakita ko. Bakit ba kasi hindi pa ako nasanay sa Earl Peras na 'yun. Sobrang babaero siya at kilalang manloloko.
"In-enjoy mo nga ba? Naku! Tumigil ka nga Marla ! Sa loob ng apat na taong pagsunod mo diyan sa crush mong yan sa tingin mo ba hindi ko pa alam ang dahilan mo ngayon? Fourth Year ka na Be, My Gosh! Bakit di ka pa rin niya napapansin Ha!? Sobrang panget mo ba talaga?" Huminto siya sa pagsalita "Psh. Whatever mas maganda nga pala ako sayo" Pabulong na sabi niya kasabay ang pag-ayos ng buhok. Buwesit na bakla 'to.
Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakasakit siya ng damdamin ha. Kahit alam kong hindi naman totoo.
"Hindi ako panget!!" Sigaw ko sa kanya. Baklang 'to, Oo bakla po si Kenjay di lang nga halata. Gwapo kasi. Nakakaasar siya, kapal nito maganda kaya ako. Hindi ako pango, hindi naman malaki yung labi ko, kissable lips pa nga, At maganda din yung mata ko, madami pa ngang naiinggit sa pilik mata ko. Kasali na siya.
"Wooh Bebe! Ok I know! Di mo pweding isigaw okey!?" Tapos umirap siya. Kung bakit kasi hindi na lang siya manahimik diba? Ayan tuloy nasigawan ko pa.
"Tsss." Yun na lang nasagot ko. Masyado ko atang iniisip ang pagkukumpara sa mga nadidikit sa pangalan ni Earl. Kung tutuusin pwede din naman ako mapabilang sa mga nagugustuhan niya. Pero hindi sa Niloloko at nilalandi niya, sino ba namang gusto mapabilang diyan. Gusto ko seryuso. Pero asa pa ako diba? Si Earl Peras ? Seseryusuhin ako? Eh hindi niya nga ako napapansin eh. Ang sungit, antipatiko at higit sa lahat suplado.
"Hoy Gaga ! Dito na bahay niyo!" Ganun siya kabilis magmaniho? Inaantok na ko kaya agad na akong bumaba. Lumabas na rin si KenJay. Nahihilo na ako at sumasabay pa ang antok. Ang plano ko lang kanina sundan si Earl eh, pero nakakainis lang kasi ang sagwa ng nakita ko. Napalagok tuloy ako ng alak. Buti na nga lang to the rescue 'tong bestfriend ko kaya walang nangyaring masama sakin.
Teka nga pala, pano niya nalaman na umiinom ako ng time na yun? Eh hindi naman ako nagtext. Ni hindi ko nga pinaalam na pumunta ako sa party na 'yun.
"Bebe sino nga pala nagsabi sayo na nagpapakalasing ako dun ha?" Tapos pinulupot ko yung kamay ko sa braso niya habang papasok kami sa loob ng bahay.
"Si Hilary, She texted me" Oh si Hilary, kaibigan ko at friend din sila ni Earl at Step sister to ni bakla. Kung pano? Ang Mommy ni Kenjay at Daddy ni Hilary is now Lovers, Kaya step sisters sila.
Napatango na lang ako. Napalingon ako sa kabilang bahay. Sh*t! Nakita ko ang kotse ni Earl. Umuwi na rin kaya siya? Tapos na ba 'yung landian session na nagaganap sa party kanina?
Napansin ng bakla kaya kinaladkad niya na ako papasok ng bahay. Buwesit na to!
"Ikaw babae, Magpahinga ka na nga lang! Go!" Tinulak niya ako papasok sa kwarto.
"I-lock mo yung pinto pati 'yung Gate!" Sigaw ko.
"Gaga! Nandito Si Yaya Lena!" Oo nga pala.
"Don't you dare to open that window there!" Tapos tinuro niya 'yung bintana sa kwarto ko.
"Okey fine, sige umuwi ka na din! Bye! Mwah" Nakanguso pang sabi ko.
"Okey, Okey sige Bye!"
"Good Night!" Wala nang sagot galing sa kanya. Narinig ko na ang pagbaba niya sa hagdan.
Pagkatanggal ko ng sapatos at jacket nahiga na ako. Inaantok na kaya ako. Wala ng oras maghilamos pa. Ganito ang buhay lasenggera.
Ang init naman! Bakit? Reklamo ko.
Nakapatay ata 'yung aircon. Tinatamad na akong tumayo kaya hinubad ko na lang ang suot kong damit. Sanay naman na ako. Kadalasang ganito ang itsura ko, sariling kwarto naman.
Napansin niyo bang kami lang ni Yaya Lena ang tao ngayon dito?
Nasa bakasyon sila Mama at Papa kasama ang lil'Sis ko. December na kasi. Dapat kasama ako ang kaso mas pinili ko 'yung party. Kasi naman eh pupunta din si Earl. Sakit sa mata lang yung napala ko sa kalandian nila. Ang landi kasi ni Peras.
"Huwag mo na nga isipin, matulog ka na lang. Okey.."
.
...itutuloy
BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] Completed
Teen FictionApat na taon niya nang gusto si Earl. Magkakapitbahay sila at magkaibigan ang pamilya nila. Pero sa loob ng apat na taon na yun. Hindi siya pinansin ni Earl kahit pa lahat ng kaibigan nito ay kaibigan niya rin. Ano ba ang dapat gawin ni Marla kung a...