At syempre diretso naman kami sa bar. Kala mo sanay eh. Ang alam ko tatlong beses pa lang siya nakapunta sa bar. First, 'nung kasama si Hilary. Second, kasama niya ako at ang huli nung nagbreak sila ni Hailey.
Hinayaan ko lang siya uminom. Ako naman nagbabantay lang. Pagkaubos niya ng isang bote nag-aya na siyang lumabas. Sumunod naman ako.
"Yun lang kailangan mo?"
"Yeah. Mahal kasi eh." Natawa ako sa mahal na sinasabi niya.
"Be, seriously! Kelan ka pa natutong magtipid?"
"Ngayon lang."
"Eh? Himala ata?"
"Kailangan eh."
"Hahahahaha Nalugi na ba kayo?" Natawa na ako sa baklang to. Kung hindi siya nagbibiro, aba ang weird niya.
Hindi siya nakitawa sakin. Huminga siya ng malalim. Tumigil naman ako sa pagtawa. Seryuso. Mukhang iba ang problema. Naghintay ako na magsalita ulit siya.
"Nagtext si Hailey." Ano bang kinalaman ni Hailey? Baka kinukulit na naman siya. I thought may bago na siya ah. Pero may bago na rin naman yung iba niya ah. Aaah ewan! Maglokohan na nga lang sila!
"Hindi ka pa rin tinitigilan. That girl" Inis kong sabi. Kahit naman kaibigan ko siya, nakakainis ha. Nung isang araw lang magkasama sila ni Earl tapos ngayon pala kinukulit pa rin si Kenjay.
"Hindi. At sa tingin ko hindi na talaga" Nangunot na ang noo ko. Ano daw? Ang labo ah.
"Anong ibig mong sabihin?"
"She said. She's pregnant." mahinang sabi niya. Pero malinaw ko 'yung narinig.
"WHAT!?"
"Sssh! Wag mo nga lakasan. Para na nga akong bubuyog magsalita eh tapos ikaw kung makasigaw."
"Uhmm.. sorry.. Pero.. Ano ngang sabi mo? Si Hailey pregnant?" Tumango siya.
"As in Buntis?" Tumango ulit siya.
"As in may bata sa tiyan?" Tumango ulit siya.
"As in.. As in BUTETE!" Napalakas na yung boses ko.
"Marla naman eh!" Napatakip ako sa bibig ko. Tiningnan niya ako ng masama. I can't believe this!
"Woah! Tapos sino ang ama?"
"Si Kenjay Trinidad"
"Ah akala ko naman- ANO!? SI KENJAY TRINIDAD AS IN IKAW!?"
"Aiiish! Marla! Nabibingi na ako ha! Kanina ka pa!" Aaah seryuso galit na siya :3
"Ayy sorry. Totoo ba 'yun?"
"Oo"
"Pero.. imposible..."
"Posible Marla" Napatingin ako sa kanya. Ang seryuso niya promise.
"Seryuso?"
"Oo nga"
"Wow! Akala ko pa naman bakla ka Be!" Sabay tawa.
Sinamaan niya ako ng tingin. K fine. Bakla ka nga.
"Teka nga lang kung ganon? Pano? Anong nangyari?"
Sinamaan niya ulit ako ng tingin. Enjoy ba siya sa tingin na 'yan?
"Bebe! Hindi dahil sa bestfriend kita pati ba naman 'yung pangyayari ipapakwento mo pa?"
Na-gets ko na ang tumatakbo sa isip niya. Jusko!
BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] Completed
Ficção AdolescenteApat na taon niya nang gusto si Earl. Magkakapitbahay sila at magkaibigan ang pamilya nila. Pero sa loob ng apat na taon na yun. Hindi siya pinansin ni Earl kahit pa lahat ng kaibigan nito ay kaibigan niya rin. Ano ba ang dapat gawin ni Marla kung a...