Pebrero na agad malamang na malapit na naman ang araw ng mga puso wala pa rin akong boyfriend. Huhu. Shems naman, bakit 'yun ang pinoproblema ko? Haha.
Papunta na kaming school, idadaan pa si M'm sa school nila.
"Take care M'm. At hmm.. Ang aking bilin?"
"Huwag magboyfriend.." Walang ganang sabi niya.
"Oh sige na.." Tumango siya at bumaba na. Nakita kong may papalapit na lalaki sa kanya. Sandali nga.. kilala ko to ah. So schoolmates pala sila? Pero hindi siya pinansin ni M'm. Aba may LQ..
Makausap nga mamaya si M'm.
---
Wala daw ang prof. namin kaya ito ako tambay muna.. dito sa may puno sa ground. Akala ko kami lang ni Kenjay ang nagpupunta dito, Hindi pala..
Naabutan ko si Adeline nagbabasa ng libro. Ang hilig niya magbasa..
"Hi Adeline! Mukhang busy ka lagi ah." Napaangat siya ng tingin. Saka inayos ang salamin.
"Ikaw pala Marla. Oo nga eh."
"Wala din ba ang prof. Niyo?"
"Wala. Madalas ka ba dito?"
"Hindi naman.. Kapag wala lang akong mapuntahan saka gusto ko lang din ng katahimikan."
"Aah, ganun ba?"
Nagkuwentuhan kami ng nagkuwentuhan. Buti nga hindi na siya naiilang.. Kuwela din pala siya saka palatawa. Mahiyain lang daw talaga at saka hindi siya sanay na siya ang kakausap ng una.. Kaya daw natuwa siya nung kinausap ko siya..
Hindi pa lunch break pero nakakaramdam na ako ng gutom..
"Kain muna tayo Ade. Tara sa canteen.." pag aya ko sa kanya. Ade nga pala ang palayaw niya.
"Naku, may baon ako eh.. saka dito na ako kumakain." Huh?
"Ano bang baon mo? Kanin? Saka dito ka na kakain?" Pero okey naman kasi mukhang tago nga ito. Saka hindi naman madalas daanan ng studyante.
Tumawa siya ng mahina. "Ano ka ba, hindi ako nagbabaon ng kanin.. Burger lang o kaya tinapay."
"Ano? Nabubusog ka ba 'nun?"
"Oo naman.."
"Nakuu! Hindi 'yan pwede ha! Hindi naman kayo kapos sa buhay sabi mo diba? Bakit yan lang kinakain mo?" Seryuso? Ako nga nag aalmusal na sa bahay tapos madalas pa akong gutumin? Eh panu na lang siya?
"Eh.. Hindi naman kasi ako nagpupunta ng canteen. Madami kasing tao."
"Ano ka ba Ade. Masama kaya 'yan.. Tara kakain tayo doon. Kasama mo naman ako. Saka Ano ka ba hindi ka nila kakainin."
"Haha. Sige na nga."
"Dapat palagi na tayong sabay kumain. Bilang kaibigan mo hindi kita papayagan na burger lang ang kakainin tuwing lunch."
"Hehe. Sige.. Sasabay na'ko sayo."
"Mabuti."..
Pagpasok namin sa canteen nakatingin sila samin. Nagtataka ata sila kung bakit kami magkasama.
Ang grupo din ni Gabriella masama ang tingin. Problema nila? Di pa ba makamove on?
~~~~
"Ang bait mo pala talaga." Sabi niya habang kumakain.
"Sus. Mabait ako sa mabait sakin."
"Hindi. Mabait ka talaga saka maganda. Hindi dapat ako kasama mo."
BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] Completed
Teen FictionApat na taon niya nang gusto si Earl. Magkakapitbahay sila at magkaibigan ang pamilya nila. Pero sa loob ng apat na taon na yun. Hindi siya pinansin ni Earl kahit pa lahat ng kaibigan nito ay kaibigan niya rin. Ano ba ang dapat gawin ni Marla kung a...