3 ways to die
1. Puff a cigarette daily, you will die 10 yrs early
2. Drink alchohol daily, you will die 30 yrs early
3. Love someone who can't love you back, you will die daily.
Napangiti ako ng mabasa ko ito, message na galing sa bestfriend ko. Alam na alam niya talaga noh.
Bebe - don't lose hope! Hindi 'yan totoo! Mabubuhay ka! (Pangalawag message na galing sa kanya)
Hindi na ako nagreply. Walanghiya 'yun sendan ba naman ako nun. Tsk tsk.
PAPUNTA akong locker room may idadaan lang sana kaso hindi ko naman sinasadyang marinig ang pinag uusapan ng dalawang naabutan ko dito. Nakilala ko ang boses kaya mas lalo akong naglakas loob na mag evesdrop, nagpaharang lang ako sa halaman na nakalagay dito. Salamat sa nakapag isip na maglagay ng halaman dito papasok sa locker room.
"Sh*t! Bakit ba?"
"Easy Dude, gusto ko lang sabihin sa'yo kung ano man ang ipapasabi niya."
"I'm not interested kung tungkol lang sa kanya." Diritsong sabi niya.
"Tsss. Okey, you're not interested but I'll tell you pa rin, ayukong magalit siya."
"D*mn! I said I'm not interested!" Narinig kong sagot niya saka nagsimulang maglakad palayo.
"Uuwi siya. Talk to her. She's still the Precious, our friend."
Huminto ito sa paglalakad, parang natigilan siya sa sinabing 'yun ni Jick.
"I don't care." Huling sinabi niya saka nagpatuloy ng maglakad. Yung first love niya ang pinag uusapan. Precious Chua, babalik dito, continuation na ba ng Love story nila?.
"Miss Marla may nagpapabigay po."
"Anakkanang!" Parang nahiwalay sa katawan ko ang kaluluwa ko. Syete naman 'to makagulat! Ngali ngali ko ng mabatukan eh.
"Ayy sorry po nagulat po ata kita, Ito po" Pinatong niya sa librong hawak ko ang isang piraso ng puting rosas.. May nagpapabigay daw? Sino?
"Oyy teka lang! Kanino 'to galing? Oyy!" Lechugas tumakbo na siya. Inamoy ko iyon saka nag lakad.
"Marla?" Napaangat ako ng tingin.. Si Jick, nginitian ko.
"Oh hi Jick.." Ang galing ko umacting noh? Kunwaring wala akong narinig na pinag usapan nila.
"Kanina ka pa diyan?" Parang tense siyang malaman ang sagot ko. Ganon ba 'yun kaimportante? Pero sige importante nga talaga, eh first love 'yun. Nagbabalik.
"Uhmm. Nope, bakit?" Im sorry.. Naturingan pa naman akong most honest noong Elementary, asan na nga ba 'yun ngayon? Mukhang nawawala na.
"Haaay, Good I.. I mean.. uhh nevermind. (Nakatingin sa hawak kong bulaklak) Uhm by the way we have a meeting after dismissal." Meeting na naman?
"Aah. Okey.. thanks sa pag inform Mr. President" Saka ngiti ng matamis. Ngumiti naman ito saka biglang tumunog ang cellphone. Sinilip ko naman iyon, masama man na curious lang ako.. Haha. Sinong mangkukulam? Yun kasi ang nakasave eh.
Kakasagot niya pa lang isang napakalakas na boses ng babae ang narinig ko. Mukhang kilala ko na kung sino 'yun. Palihim akong tumawa saka nakita kong sumenyas siya na aalis na daw. Okey, hulaan ko nagbanta ang babaeng 'yun. Ayos ang nakasave Mangkukulam. Haha.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] Completed
Teen FictionApat na taon niya nang gusto si Earl. Magkakapitbahay sila at magkaibigan ang pamilya nila. Pero sa loob ng apat na taon na yun. Hindi siya pinansin ni Earl kahit pa lahat ng kaibigan nito ay kaibigan niya rin. Ano ba ang dapat gawin ni Marla kung a...