Chapter 45

4.7K 149 3
                                    

MAAGA akong nagising. Nakakapanibago man pero simula na kasi ito ng pag eensayo ko. I mean, ito ang unang araw na ako lang talaga mag-isa sa bahay. Meaning, ako lahat ang gagawa, wala akong ibang aasahan. Talas ng isip lang ang kailangan. First Timer man ang gumawa ng mga house hold chores, alam kong magagawa ko 'to. Si Precious Marla San Juan ata 'to!!

Naligo na muna ako saka ipinusod ang buhok. Bumaba na ako, saglit na binuksan ang pintuan at dumiretso na sa kusina.

Kailangan ko munang kumain para may lakas ako buong araw. Igugugol ko ang buong araw na 'to para sa pag eensayo. Para rin sa pagiging isang independent! Oh diba!? Para handa ako.

Tiningnan ko ang laman ng ref. Ano ba pwedeng lutuin? "Hmm, tutal breakfast pa lang naman, okey na 'tong Hotdog, Egg, isda? No, mamaya na lang, chicken? Ah! Ito ang mamaya!.." Kinuha ko iyon saka inilagay sa mesa. Kumuha din ako ng di-lata.

Ngayon ko na kaya lutuin 'yung para mamayang lunch, sigurado kasi pagod ako bago maglunch, baka hindi na ako makapagluto. So, ngayon na kita lulutuin.

"Teka, panu nga ba?" Aha! Naalala ko na may libro pala ako na may cooking procedure and recipe.

Hinanap ko muna iyon. Mabuti na lang talaga nandito pa rin 'to sa pinagtataguan ko.

Hinanda ko na ang mga kakailanganin. Adobong manok lang kakayanin ko, base na rin sa nabasa ko dito sa hawak kong libro.

"Ayan! Ito daw ang una.." Sinunod ko ang mga nakasulat na procedure. Ang sabi kasi dito kapag daw sinunod talaga ang procedure kahit baguhan o first timer magluto magiging okey daw ang isang putahe ng pagkain. Sana talaga nagsasabi 'to ng totoo. Kasi kung hindi, isusumpa ko 'to. Hindi joke lang!!

"Hmmm.. Ang bango!!" Pero, bakit umuusok na? Ay sh*t naman! Agad kong pinatay ang stove saka binuksan ang takip sa niluto ko. Nadismaya ako sa itsura..

"Haay, ano ba 'yan! Bakit nawalan ng sabaw. Sinunod ko naman 'yung nakasulat ah!" Binasa ko ulit ang nakasulat.

•Hinaan ang apoy.

Napahawak ako sa noo ko. Haaay! Kung bakit ba naman kasi hindi ko 'to nabasa? Kainis naman! Palpak pa rin! Tsk!

Inilagay ko na lang iyon sa isang mangkok saka tinakpan. Kakaunti lang ng niluto ko, ang tanga naman kasi, malakas 'yung apoy, yan tuloy ang resulta, nagmukhang letson. Hindi naman siya as in totong, may pwede pang makain pero ayukong tikman, baka mamaya kasi masama ang lasa.

Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Haaay! Bahala na nga! Maglalaba na lang ako.

Kinuha ko ang mga labahang damit.

Natatandaan ko pa naman 'yung lesson namin nung elementary, ihiwalay daw ang puting damit sa de-color, kaya ginawa ko naman.

Nagtunaw ako ng powder sa washing machine saka inilagay ang mga puting damit. Ang sabi 30 minutes daw na paikutin kaya sinunod ko ulit.

Bumalik muna ako sa sala. Naupo saka nagbukas ng TV. Sakto namang Kpop Explosion. Mahabang oras naman 'yung 30 minutes kaya nakisabay na muna ako sa pagkanta.

Tiningnan ko ang orasan, tapos na ang 30 minutes. Ang bilis. Pinatay ko muna ang TV saka tinungo ulit ang Laundry Area.

"My Gosh! What happen!" Punong-puno ng bula 'yung buong area! Waaaaah! Ano 'to puro palpak!? Nadamihan ko ata 'yung powder. Tsk! Ano ba naman 'yan!! Binantayan ko pa naman 'yung orasan tapos ganun pa rin? PALPAK!?

Kinuha ko na ang mga damit. Pero infairness, malinis naman siya. Nagtunaw ulit ako ng powder, this time siniguro kong hindi na siya aapaw at hindi rin kulang. Pulido at sakto.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon