Chapter 31

4.3K 161 10
                                    

Nag-inat ako ng kamay saka kinapa kapa ang madalas kong katabi sa higaan, si Coco, pinangalan ko iyon sa teddy bear na bigay ni Earl. Katabi ko 'yun palagi. Pero, Bakit hindi ko siya makapa? Napadilat ako para sana hanapin kung saan napunta si Coco, Syet! Hindi pamilyar ang kwarto kaya Napabalikwas ako ng bangon.

"Oh My God! Nasaan ako? Aah! Syet." Napabahawak ako sa ulo ko na medyo sumasakit. Ano ba nangyari kagabi? Wala akong matandaan. Anong ginagawa ko dito anong nangyari at panu ako napunta dito?

Nagising ako sa kwarto na hindi ko alam. Hindi kaya.. Nangiginig ang kamay ko habang inaangat ang kumot na nakapulupot sakin. Iba na ang suot kong damit! Uwaaah! Does it mean.. Oh no.. oh no.

Ssana hindi naman... Umiiling-iling ako na parang maiiyak na..

"Bago ka mag-isip ng kung ano-ano diyan pwede bang sabihin mo muna sakin kung bakit ka pumunta sa bar na 'yun nang hindi man lang nagpaalam?" Pumasok si Ade sa kwarto at nameywang sa harap ko.

"A-anong nangyari? B-bakit nandito ako?"

"Tsss.. You we're too drunk.. wala ka man lang naalala sa mga pinaggagawa mo."

"W-wala nga.."

"Haay. Tinawagan kita kagabi kasi bigla ka na lang nawala, you said mag c.r ka lang pero sobrang tagal naman ata ng lagpas kalahating oras sa C.r. Pinuntahan kita pero wala ka na.. Tapos 'yun! Buti na lang nasabi mo kung nasan ka, sa sobrang pagmamadali ko hindi na rin ako nakapag paalam, hindi ko na rin nasabi kila Earl na nandun ka nga sa bar. Ano nga ba kasing nangyari bago ka pumunta doon? Kulang ba 'yung alak sa party?"

Nagflashback na naman sakin ang mga nakita at narinig ko. Sumakit ang dibdib ko, pakiramdam ko hindi ako makahinga.. Napaluha na naman ako.. Syet! Hanggang kelan 'to?

"Hoy. Okey ka lang ba? Ba't ka umiiyak?" Lumapit na siya at tumabi sakin.

Pinunasan ko ang luha ko. Pero niyakap niya ako kaya imbis na tumigil mas lalo tuloy akong napaiyak. Syet! Ang iyakin ko naman.

"Sige iiyak mo lang 'yan.." Habang hinahagod niya ang likod ko. Ang sakit.. Kasi naman umaasa ako eh. Ang hirap magmahal sa isang taong parang walang pake sa nararamdaman mo.. Syet lang eh. Bakit kasi kailangan ko pa 'yung makita? Bakit kasi sumama-sama pa ako? Ang tanga, alam ko naman na mangyayari 'to, ineexpect ko, pero bakit ang sakit-sakit pa rin kapag totoong nangyari na? How I wish na sana naging bulag at bingi na lang ako ng mga oras na 'yun? Eh di sana hindi ko 'to nararamdaman. Ito ba ang kapalit ng pagmamahal ko kay Earl?...

Tama na 'to Marla! Di ba nga sabi mo tanggap mo na rin. Sabi mo kung masaktan, masaktan.. Dapat tanggap mo na 'yun..

*singot* Nagpunas ako ng luha saka tinanggal ang pagkakayakap ko kay Ade..

"Okey ka na?"

"Medyo" saka ngumiti ng bahagya.

"Sigurado ka? Pwede mo naman ikuwento sakin.. It would be better kung.. alam mo na" Ngumiti ako.. Tama siya mas makakagaan nga kung may mapagsasabihan ako. Hindi naman ata masama.. Kaibigan ko siya na pwede kong masandalan. Kaya sinabi ko na rin. Simula noong una pa lang, hanggang sa ngayon. Alam niya naman kung ano talaga ang nararamdaman ko kay Earl.

"Nahihirapan ako Ade.. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, Hindi naman siya nanliligaw sakin, mas lalo namang hindi ko siya boyfriend. Pero bakit ang sakit sakit? Pakiramdam ko pinagtataksilan ako pero wala naman akong karapatang mag-isip 'nun.. I'm just a nobody na may gusto sa kanya.. na sa una crush.. pero kalaunan mahal ko na pala siya.." Tumulo ulit ang luha ko. Yung pakiramdam na nagmamahal ka sa maling tao.. Sa tao na iba ang gusto.. Ang sakit, ang hapdi eh, parang pinipiga 'yung puso ko. Para akong.. Haay nakakaloka, tinalo ko pa ang syotang pinagpalit sa iba eh..

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon