Chapter 14

5.6K 179 8
                                    

Nasa canteen ako ngayon. Hindi pa Lunch time pero nandito na ako, Maagang nagdismiss eh. Mag isa lang akong naka upo dito habang nakapangalumbaba. Iniisip niyo ba kung bakit?

Panu ba naman sa lunes na ang pangalawang meeting namin, friday na ngayon at wala pa rin akong maisip na pwedeng suggestion. Naisip ko na rin sanang mag google kaso ewan ko ba wala akong time eh.

Nakita kong paparating na sila Kenjay at Hailey. Ang cute nila tingnan. Medyo halata na nga din ang tummy ni Hailey, pero dahil pumapasok pa siya nagsusuot na lang siya ng mga damit na maluwang.

"Oh bakit ganyan itsura mo? Para kang nalugi?" Pambungad ni Kenjay. Pinatong ko yung kamay ko sa mesa. Tapos bumuntong-hininga. Hindi ko siya sinagot.

"Hi Hailey" Tapos tipid na smile.

"Hello Marla"

"Hooy bakit nga?"

"Haaayy. Panu kasi wala akong maisip na suggestion para sa upcoming program eh." Sa boses na parang kawawa.

"Eh akala ko ba by partners yan? Wala ka bang partner?"

"Meron"

"Eh bakit hindi kayo magtulungan mag isip. Hindi yung ikaw diyan yung mukhang kawawa kakaisip! Bakit sino ba yan?"

"Si Earl Peras." Tapos yuko.

"Really si Earl? Looks like Destiny na kayo." Biglang sabi naman ni Hailey. Napataas naman ako ng tingin. Anong destiny ka diyan?

"H-ha? Destiny?.. Naniniwala ka doon?" Seriously si Hailey Bueno soon-to-be Hailey Bueno-Trinidad eh sinabing destiny na kami? Parang masaya yun ah. Haha. Pero sinamaan siya ng tingin ni Kenjay. Waaah! Bakit? Kontra na naman ba siya samin ni Earl? (Walang kayo ni Earl, Marla! Wala as in wala!!) Oo na wala na.

"Haha. Just kidding" Yun naman pala Marla eh. Huwag ka assuming. Syet muntik na rin ako maniwala. Huhu. Bigti na Marla.

"A-ah.. Hehe.. Imposible naman kasi. Haha."

"Haha it's possible. Oh here they are! The lovers and the cousin. Guys dito!" Sabi niya doon sa mga bagong dating.

"Hi Marla!" Sabi ni Breena. Saka tumabi kay Hailey.

"Hello" Smile.

"Hi Marla, long time no see ah!" Sabi naman ni Vince. Si Hilary naman nagsmile na lang saka tumabi sakin. Nagsmile naman ako. Si Earl diretsong upo lang sa katapat ko. Hindi na ako bumati pero nagsmile ako pero seryuso lang yung mukha niya. Suplado!! Hindi ko na lang yun pinansin.

"Oo nga eh. Busy kasi."

"Aah ganun ba?, ano nga palang pinag uusapan niyo bago kami dumating?" Ooops. Nahalata nilang nag uusap kami I mean ni Vince. Ang chismoso ng dating mo Vince. Haha

Sasagot na sana ako. Pero naunahan ako ni Hailey.

"Aah About destiny. Hehe. Hooy Earl ikaw ha binibigyan mo ng problema si Marla!" Nagulat ako sa sinabing yun ni Hailey. Napatingin naman sila Vince, Hilary at Breena sakin saka kay Earl na nagtatanong. Baliw na Hailey to.

"What?" Takang tanong ni Earl. Syempre naman noh. Anong alam niya sa sinasabi ni Hailey.

"Haha, I mean. Bakit hindi mo tinutulungan mag isip si Marla ng pwedeng suggestion?"

"I told her my reason."

"Psh. Kahit pa, partners kaya kayo! Ang sama mo naman. Pero pag sa iba naman go ka tumulong kahit ano pa yun ah. Choosy ka na ba ngayon ha Earl!" Halaaa! Si Hailey nagsimula ng dumaldal. Lagooot! Siya pa naman ang madaldal dito.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon