Chapter 48

4.5K 131 4
                                    

Kung inaakala niyong nagkulong na naman ako matapos ang araw na 'yun, nagkakamali kayo. Nakakabagot kaya sa bahay! Mabaliw pa ako. Ano nga ba kasing makukuha ko sa pagmomokmok? Wala naman diba? Mabuti nang lumabas at gumala, atleast may kwenta naman ako.

Gaya ng inaasahan ko hindi siya nagparamdam buong araw, kahapon. Kahapon ko lang naman siya hindi nakausap at hindi nakita. Pero ewan ko lang ngayon.

Nagsimba ako, nagdasal, humingi nang tawad at nagpasalamat dahil sa pagkakaligtas sakin. Hindi ko maiwasang hindi mabanggit si Earl.

Para makapag lakwatsa nga ako ng malaya, hindi ko na tinawagan ang driver namin. Pagkagaling kong simbahan, Naglakad lang ako at kung saan-saan na pumunta. Nagpunta ako ng mall at bumili muna ng sarili kong cellphone. Kailangan ko na talaga eh.

Sunod na pinuntahan ko si Kenjay. Hiningi ko ang number ng barkada, maliban kay Earl. Wala akong balak ipaalam ang bagong number ko sa kanya.

Hanggang tanghali ako doon sa kanila. Doon na rin nakikain.

Mga bandang alas tres, nagpaalam na rin ako, matapos ang mahabang kwentuhan namin ni Kenjay. Hindi talaga mawalan ng kwento eh. Pero kung inaakala niyong nabanggit ko ang nakita ko nung isang araw, nagkakamali na naman kayo. Ni katiting wala akong nabanggit. Sinabi ko lang na nakasama ko si Alben na sumigaw doon sa bangin, pero hindi ko sinabi ang dahilan kung bakit napunta kami doon. Basta ang sabi ko trip lang namin.

Since meryenda na naman.. Dumaan ako sa isang Bake Shop. Sa labas ako pumuwesto pagkabili ko, kasi feeling ko masarap doon kumain. Yun lang. Medyo malayo siya sa kalsada eh. Hindi rin matao.

May papalapit na lalaki, sa tingin ko hindi niya pa ako napapansing nakatingin sa kanya. Sa tingin ko papasok din siya sa loob. Nakita ko siya pero hindi ko alam bakit natuwa ako. Haay ewan!

"Alben!!" Tawag ko sa kanya. Lumingon siya, sa una nakakunot ang noo pero nang makilala niya na ako bigla siyang ngumiti. Saka lumapit sakin.

"Oy pare! Wala ka bang kasama?"

"Meron."

"Huh? Asan?"

"Sira! Obvious naman na mag-isa lang ako eh." then I rolled my eyes.

"Haha, madalas ka ba dito?"

"Upo ka nga muna.."

"Sandali, bibili muna ako para sabay tayong kumain." Tumango ako saka pumasok na rin siya sa loob. Mga ilang minuto bumalik na rin siya at may dala ng pagkain. Ipinatong niya iyon sa mesa. Saka naupo sa katapat kong upuan.

"So, madalas ka ba dito?"

"Hindi naman, napadaan lang ako. Saka nagutom na lang. Ikaw ba?"

"Ah, madalas ako dito. Regular costumer na nila ako. Dito din kasi ako nagpapareserve ng cakes kung may okasyon man. You know, i like their cakes here, hindi nakakasawa.." Napatango ako, saka sumubo ng cake. Tama nga masarap, kaya sumubo ulit ako.

Tiningnan niya ako ng natatawa. Kumunot naman ang noo ko, problema ng isang 'to.

"Oh bakit?"

"Hindi ka lang pala iyakin, madungis ka din.."

"Ha?"

"Haha, kasi may icing diyan sa pisngi mo! Haha" Ay hala! Ano ba yan! Nakakahiya 'to!

"Ha? Saan? Dito?" Tanong ko habang tinuturo at pinupunasan ang pisngi. Nakita kong kumuha siya ng icing at akmang ipapahid sakin pero umiwas ako.

"Baliw ka pala eh! Sinasayang mo 'yung pagkain!"

Tumatawa pa rin siya.

"Hala! Meron pa ba?" naku naman! Wala akong salamin.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon