Kakatapos lang ng meeting at ayon sa napag usapan okey ang suggestion namin ni Earl. Ibig sabihin wala na akong akong problema pa sa suggestion.
Maaga namang natapos ang meeting at hindi pa uwian sila Kuya Marco. Mabuti na nga lang hindi na sila nagpapractice madalas eh, kung hindi kawawa ang pinagdadrive niya. Haha.
Siguro hihintayin ko na lang din siya. Pupunta muna akong Library. Magtetext na lang din naman yun eh. Si M'm naman dadaanan na lang din ni Papa sa school. Buti na lang ano, okey lang kila Papa na yung driver namin eh minsan nahuhuli pa ang labas kesa samin.
Naglalakad ako sa Hallway ng may narinig akong ingay sa isang kwarto. Sa tingin ko mga babae kasi puro maarte ang paraan ng pagsalita. Sinilip ko ang bintana. Hindi nga ako nagkakamali mga limang babae nga ang isa nakaupo sa sahig habang nakayuko. Nakilala ko ang nakatayo sa harap ng babae.
"Hindi ba't sinabi ko na sayo na huwag ka nang susunod sunod sa kanya! Nakakairita ka pang tingnan." Sabi ni Gabriella, siya ang nakatayong 'yun na halatang inis at galit siya doon sa nakaupo.
"H-hin-di n-na m-mauulit. P-patawad.." Halata sa boses ng babae na natatakot nga siya.
Nagulat ako sa biglang paghawak niya sa buhok ng babae at iangat iyon dahilan para makita ko ang mukha ng babae at ang malaking salamin.. Si Adeline..
"At huwag ka rin sasagot ng nakayuko! Pano ko makikita kung sincere ka nga sa sinasabi mo!?"
"S-sorry.." pero yumuko pa rin siya.
Akmang sasampalin na si Adeline ng mapansin ako na na nakatayo sa may pintuan ng kasama ni Gabriella.
"Sis. May tao.." Hindi natuloy ang gagawin niyang pagsampal. Lumingon siya sakin..
"Anong nangyayari dito?" Kalmado kung sabi. Lumapit ako kay Adeline.
"Ahm.. we're just having fun. Right sis?"
"Yeah.." sagot naman ng isa.
"Adeline.." Umiiyak siya habang hawak ko siya sa magkabilang balikat. Nilingon ko sila Gabriella.
"Having fun? So katuwaan na pala ngayon ang pagpapaiyak?"
"Yes. Para samin" Mataray niyang sagot. Ayokong may makaaway. Gabriella.
"Ahh, ganun ba?"
"Yes. May magagawa ka ba, You oh-so-mabait na Marla?" Sinasabi ko sayo ha. Ayokong makipag away.
"Wala. Pero hindi naman tamang gawin ang ginagawa niyo kay Adeline." Magtimpi ka Marla.
"So, pinagsasabihan mo ba ako ng dapat kong gawin?"
"Hindi na kailangan, hindi ba? Alam mo ang tama at alam mo rin ang mali."
"And yeah. This is the right thing I know and I want to do." Aba ha.
"Kung 'yan ang tama sayo at gusto mong gawin. Ikaw ang bahala. Wala naman akong magagawa. Tapos ka na ata sa 'having fun' mo, makakaalis na kami. Adeline.. Let's go." Saka tumayo, diretsong lumabas sa room na 'yun. Kapag hindi pa kasi baka masapak ko na siya. Nagtitimpi lang ako, kilala ako bilang mabait dito kaya hanggat maaari ayuko talaga magpadala sa galit ko.
"Hindi pa ako tapos Marla!" Lumabas din siya at sumigaw. Aba!
"Okey. Do whatever you want." Walang ganang sabi ko.
"Iniinis mo ba ako!?"
"Iyon ay kung mainis ka." Nainis nga siya, nakakuyom ang kamay na papalapit samin.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] Completed
Teen FictionApat na taon niya nang gusto si Earl. Magkakapitbahay sila at magkaibigan ang pamilya nila. Pero sa loob ng apat na taon na yun. Hindi siya pinansin ni Earl kahit pa lahat ng kaibigan nito ay kaibigan niya rin. Ano ba ang dapat gawin ni Marla kung a...