Nakaupo ako ngayon sa sala. Nakataas ang dalawang paa habang sarap-buhay na pakain kain lang ng pop corn. Wala eh, ito lang kinaya ko ngayon, Sine sa bahay. Hindi movie ang pinapanood ko kundi music Video palipat lipat lang MTV - Myx. Kakatapos lang namin kumain pero ito ako kumakain na naman. Pasensiya na may topak ako at tinatamad talaga, wala akong ibang maisip na gawin bukod sa lumamon.
"Marla, wala ka bang lakad ngayong weekend?" Lumapit si Mama saka naupo sa pang isahang upuan. Ayos makikipanood din si Mama. Haha. Kumuha din kasi ng pop corn.
"Wala po eh.." sabay nguya.
"Ilang weekend na ba ang nakaraan hindi ka na umaalis para gumala."
Teka, Oo nga noh? Lagi na lang ako sa bahay. Isang buwan na rin..
"Apat po ata."
"Bakit hindi ka makipagdate?" Eh? Tama ba ang narinig ko? Date? Kanino naman.
"Haha. Ma naman." Natatawang sabi ko. Naku. Pumapayag na ba silang lumandi ako? Naiba ang ihip ng hangin.
"I'm serious, talo ka pa ni M'm. May date siya ngayon."
"Po? Si M'm may date?" Oh My, nagpaalam na talaga siya. Ang lakas ng loob nila. Haha
"Oo, nagpaalam sila. Sinundo siya ni Rex." Kilala niya na rin. Naman oh.
"Ano pong sabi ni Papa?" Curious ako, panu na lang kung ayaw niya. Kawawa naman ang pagmamahalan nila. Haha.
"Okey naman. Kakilala namin ang family ni Rex, I think na okey siya para sa kapatid mo." Wow. Walang problema.
"Aah." Walang hirap para sa kanila. Ako na lang talaga ang wala. Speaking of date.. Naalala ko yung tungkol sa plano ko sa AdeMar Love Team. Haha..
Since wala akong gagawin ngayon at payag naman ang Mama ko na gumala ako, kahit hindi pa man nagpapaalam, Ano kaya kung simulan ko na ngayon ang plano ko kay Ade. (Turn her into princess)
'Tamaaa!' Great Marla :)
Tinawagan ko si Ade para ipaalam at ayain na rin mag mall. Sana naman available siya..
*Riiiing... Riiiing..*
(Hello?)
"Hi Ade! Free ka ba ngayon?"
(Ahm. Hindi naman..)
"Pasama naman oh.. sa Mall"
(Ha?)
"Sige na oh.. pleaaaase?"
(Hayy. Sige na nga.) Yesss! Pumayag siya..
"Ayan! Oh sige, hintayin mo ko diyan sa inyo ah.."
(Aah.. Marla sandali!!)
"Oh bakit?"
(Eh.. kasi...)
"Kasi??"
(Ahmm... Ano.. Kasama mo ba si.. Marco?) Mahina ng sinabi niyang Marco. Yiee naman.. nahiya pa.
"Aah hindi.."
"Ganun ba?" Malungkot na sabi niya. Nakuu Ade..
"Oo, oh sige na.. Bye."
"Okey. Bye!"
*toot toot toot*
---
"♪Gagawin ko ang lahat upang sa huli, sa huli, Sa huli ay tayo♪
♪Kung kailangan kong hatakin ang kilome, kilome Kilometrong layo♪" Napangiti ako kay Mama. Ang bagets niya noh. Haha. Sumasabay siya kay Sarah.. Haha.. ok Ma kinabog mo na ako. xD
BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] Completed
Novela JuvenilApat na taon niya nang gusto si Earl. Magkakapitbahay sila at magkaibigan ang pamilya nila. Pero sa loob ng apat na taon na yun. Hindi siya pinansin ni Earl kahit pa lahat ng kaibigan nito ay kaibigan niya rin. Ano ba ang dapat gawin ni Marla kung a...