Chapter 47

4K 145 9
                                    

[Earl Peras POV]

This part is mine. Only this so-called special part. So better read this or i'll tell author to stop right now this kind of weird stor-Oops! Brutal si Author. He stole my last kiss. Joke!

Alam ko, you already know me. Sa tagal ba naman ng part ni Daldal dito-pero mahal ko, hindi niyo pa ako makikilala? Ako lang naman diba ang tinutukoy na Suplado dito.

Pero mahal ko ang binigay ni Original Wife na role ko dito, kaya nga pinanindigan ko hanggang sa abot ng aking makakaya. Ngunit, datapwa't Sa kasamaang palad, nabigo pa rin ako. At ang kapalit, natagpuan ko naman ang taong nagbago sa buhay ko.

Oo aaminin ko, sobra akong masama. Lalo sa mga nagawa ko kay Marla.

Four years ago, I saved her. Hindi ko naman inaasahang magkikita ulit kami at sa iisang University pala kami mag-aaral. Sa mga panahong 'yun sariwa pa rin ang sakit na nararamdaman ko sa pagkakahiwalay namin ng first love ko at first heartbreak na si Precious Chua.

Nalaman kong Precious din ang pangalan niya kaya hanggat maaari ayukong mapalapit sa kanya. Nakikita ko sa kanya si Ri-ri, kung paano siya ngumiti, tumawa, magsalita pati ang pagiging mabait, magkaparehong magkapareho sila.

Alam ko na sa umpisa pa lang may gusto na siya sakin. Duda na ako sa mga kinikilos niya. Ang pagsunod na ginagawa niya, akala niyo ba wala akong kaalam alam? Ako pa nga ata ang unang nakapansin kesa sa bestfriend niya na sa tingin ko noon eh nobyo niya. Pinaniwala ko ang sarili kong mag-on sila. Kaya lang nalaman kong ang kasalukuyang girlfriend niya sa mga panahong iyon ay ang isa sa kaibigan kong si Hailey. Pero pinanindigan ko talaga iyon, kaya nga kahit kay Kenjay hindi ako masyadong malapit. Pinapasok ko kasi sa utak ko na hindi ko siya dapat kausapin, tama na ang sumama sila minsan sa mga lakad namin, iniisip ko kasi baka hindi ko maiwasang hindi kausapin si Marla.

Nang mga panahong iyon mas lalo ko pang itinuon ang sarili ko sa mga bagay na madalas kong ginagawa. Sa loob ng halos apat na taon, puro panloloko at paglalasing ang ginagawa ko. Iyon ay para makaiwas ako sa posibling pagkahulog kay Marla.

May mga panahong biglang bumabalik ang mga alaala na masaya kami ni Ri-ri.

Ang pagkuha ko nang First kiss kay Marla, sa totoo lang sobra akong nagalit sa sarili ko noon. Pakiramdam ko ako na ang pinaka masamang tao. Nakita ko kung ganu siya nasaktan sa mga sinabi ko. Oo, sinandiya kong sabihin ang ganong salita sa kanya para layuan niya ako at para na rin sa kanya. Ayukong umasa siya. Ayukong isipin niya na gusto ko na siya. Kahit matagal na akong iniwan ni Ri-ri, hindi pa rin maaalis sa sarili ko ang hindi matakot.

Paano kung pareho lang sila ni Ri-ri? Paano kung iiwan niya rin ako. Paano na lang kung tuluyan na akong mahulog sa kanya.. Hindi ko alam ang sunod kung gagawin.. Takot ako. Takot na maulit ang naramdaman ko na nararamdaman ko pa rin ngayon. Ang sakit na iniwan ni Precious Chua.

Pero, hindi ata kami titigilan ng pagkakataon. Meron at merong naglalapit sa amin. At yun ay ang kapwa namin kaibigan. Naiinis ako dahil hindi ko kayang ipakita na masaya ako na kasama ko siya. Sobrang takot. Naduduwag.

Kaya mas pinili kong magsinungaling sa kanya. Mas pinili kong masaktan siya. Pero kasi. Sh*t! Umaayaw ang utak ko pero si puso, kayang makumbinsi ang buong katawan ko. Lumalapit at lumalapit pa rin kahit puro pagtutol ang nasa isip ko.

Kaunti na lang sanang tulak sakin aamin na ako pero palaging may kumokontra, Ang takot ko palaging umeextra..

Noong nalaman kong babalik dito sa Pilipinas si Ri-ri, parang bumalik ang lahat ng mga memories namin, pero kung akala niyo umiwas na naman ako. Hindi ko yun ginawa. Ang hindi ko inaasahan, siya ang iiwas sakin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may alam siya o kaya natatauhan na siya. Ayaw niya masaktan, alam ko 'yun. Pero kasi hindi ko pa alam ang totoong nararamdaman ko noon. Aaminin ko sa pag iwas niya ako naman ang sumusunod.

Noong nagkaharap ulit kami ni Ri-ri ang buong akala ko nandon pa rin ang sakit, at pagmamahal pero wala na pala. Natural lang na magkailangan pa kami, sino ba namang hindi? Hindi pa kami nag-uusap at lalong wala pa kaming closure. Noon din nagkaayos kami at nagkausap ng masinsinan. Noon ko rin naisip na hindi ko na maitatangging gusto ko na si Marla.

Nakita ko siyang nasaktan pero hindi ako nakapagpaliwanag. Gusto ko nang umamin.. ang kaso.. nagsulputan na naman ang mga PERO sakin.. Sakto naman..

Kaya noong hiniling niya sakin na layuan ko muna siya, pumayag ako. Hinayaan ko siya. Ang sinabi ko na lang "Baka nga kailangan niya iyon para mas malinawan siya sa nararamdaman niya para sakin." Iyon ang pumasok sa isip ko, baka naguguluhan pa siya at hindi pa talaga sigurado. Baka kasi hindi pa iyon pagmamahal at paghanga pa lang. Kahit naman alam ko sa sarili kong hindi ko na kayang labanan at pigilang magkagusto sa kanya.

Halos isang buwan na pag-iwas ang ginawa niya. Pinilit kong bumalik sa pagiging patapon na Earl pero hindi ko na kaya. Ang alam nila bumalik ako pero ang totoo, hindi dahil alam kong isang maling hakbang iyon. Kaya ang ginawa ko habang umiiwas siya ako naman ang sumusunod ng palihim.

Natatandaan ko pa nga ng minsang may humarot sa akin habang nasa hindi kalayuang bench si Marla, sinadiya ko iyon, sinadiya ko hindi para saktan si Marla, pero ginamit ko iyong paraan upang makita ko kung masasaktan siya. Hindi nga ako nagkakamali.

Nasaktan siya kaya nakapagdesisyon ako sa mismong araw na 'yun na lumapit ulit sa kanya. Sinundan ko sila sa mall. Kung saan sila kumakain ng ice cream ni Kenjay, nandoon din ako. Natatawa ako sa itsura niya noon, hindi mapakali na parang may iniisip na sobrang lalim. Nakatanaw sa labas saka pinagmamasdan ang ulan.

Nakita ako ni Kenjay pero siya hindi man lang ako napansin. Palabas na sila noon pero bumalik rin si Kenjay kaya nagkausap kami. That same day pinapunta ko siya sa bahay, let's scratch it, sa kwarto. Akala ko hindi siya papayag pero natuwa ako na napapunta ko siya doon at naging maayos na ulit kami..

Mas lalo akong dumikit sa kanya kahit pansin kong naiirita na siya sa sobrang panenermong ginagawa ko. Aaminin ko, gustong gusto kong asarin siya, tuwang tuwa ako kapag nakikita ko nang nakabusangot siya. Ewan talaga, ang alam ko mas weird ako, madaldal na rin (gaya ng sabi niya) eh ganito talaga kapag in love. ^__^ (ay ang bakla?) MANLY AKO! MANLY (Chos ka Earl! xD mahal kita kahit baduy yang line mo. Mwahahaha)

Masyado akong naiirita sa Alben na 'yun, halatang nagpapacute eh. Malapit ko na nga mapatay, pero naisip ko lang suplado ako dito hindi killer. Pero jongina author patalsikin ko yun dito. Madali lang mapindot ang back space diba? Pero hindi ko yun gagawin, dahil alam kong sakin lang naman si Marla. Period. Hehe.

Napaamin ako ni Tito Roger, ang ama ni Marla. Kaya kung tatanungin niyo, alam niyang nanliligaw ako kay Marla; ng palihim. Kasi nga hindi ko pa rin masabi. Sinabi kong ligawan niya ako, Oo para hindi agad maging kami. Iyon ang sabi ni Tito, ipaalam ko ang buong katotohanan kay Marla kapag graduate na kami kasi iyon naman daw ang usapan nilang mag-ama. Magboboyfriend siya kapag tapos na sa college.

Nang gabing kami lang ang magkasama at naamin ko na ang totoo sa kanya, hindi pa rin ako pumayag na maging kami dahil sa mas gusto kong romantic at sa isang memorable na lugar maging kami, yung marami ang makakaalam. Kaya nga pinapunta ko siya sa isang restaurant para doon sana ang lugar na magiging pinakamasaya ako, kaming dalawa. Tinulungan ako ni Ri-ri sa plano kong iyon pero...

Hindi siya sumipot..

Naghintay ako hanggang maghahatinggabi na pero walang Marla ang dumating..

Ang alam ko magiging pinakamasayang gabi namin iyon pero hindi pala.. Naging pinakamalungkot.

Pumunta ako sa bar at nagpakalasing.. Umiyak ako, Oo kung tinatanong niyo. Sino ba namang hindi maiiyak sa nangyari? Naghintay ako doon nang ganun katagal. Walang Marla at walang masayang gabi.

Tapos nalaman ko pang kasama niya pala si Alben. Gusto ko siyang makausap ng gabing yun pero naparami ang inom ko. Hindi ko rin alam na pinuntahan ko pala siya sa bahay nila at doon pa nakatulog.

Pagmulat ng mata ko, siya ang agad kong nabungaran. Doon ko nakitang mukhang wala siyang balak na kausapin ako. Natanong ko nga rin, bakit siya pa ang may ganang magalit, hindi ba't siya ang hindi dumating? Ako ang naghintay, ako ang nag-alala at ako ang nagmukhang tanga.. Pero bakit siya pa ang galit? Parang ako pa ang may kasalanan..

Nasaktan ako sa pinakita niya sakin. Ang akala ko talaga okey na eh. Magiging happy na kami pero wala pa rin pala. Mukhang naulit ang nangyari sakin noong nagkahiwalay kami ni Ri-ri. Mas doble pala.. Mas masakit sa pangalawang pagkakataon.

A'n.. ito lang ang part ni Earl.
Comment

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon