Chapter 27

5.1K 167 5
                                    

Natatakot na ako sa ikinikilos ni Earl. Natatakot ako pakiramdam ko lahat ng kinikilos niya ay puro biro. (Na siyang sabi niya)

Ako na ba ang sunod na babaeng lolokohin niya lang? Kasali na rin ba ako sa mga babae niya? Ako ba ang flavor of the month niya?

Maraming tanong ang nag uunahan ngayon sa isip ko. Hindi ko kayang basahin kung ano nga ba ang mga ginagawa niya totoo na ba to o acting pa rin namin?

Nakakainis alam niyo 'yun?

Kanina inasikaso niya ako habang kumakain.. Kumain kaming grupo sa isang restaurant at siya parang boyfriend ko na kung makaalaga, tapos bigla niyang sasabihin na 'huwag ka mag assume, kasali rin to sa deal'- yan ang madalas niyang sabihin.. Naiinis ako. Parang pinapamukha niya sakin na 'hindi kita gusto, ikaw lang ang may gusto sakin' wag kang umasa. Mga ganun, naiibahan na ako.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kung dapat sana sa umpisa pa lang pinigilan ko na, kung sana nung nagpasya akong umiwas tinuloy tuloy ko na. Kaso siya naman ang biglang lumalapit.

Nahihirapan din ako. At mas lalong masakit. Nararamdaman ko na rin ba ang nararamdaman ng mga babae niya? Ganito rin kaya ang pagtrato niya sa mga babae na minsan niya nang nakasama? Haaay! Earl! Ano ba 'to? Mas lalo lang akong nasasaktan eh. Hindi mo man alam na nasasaktan mo na ako pasensiya na rin. May kasalanan naman ako eh or maybe umaasa lang din ako. Binubuhay ko pa rin yung pag - asa samin.. Haaay! Nakakabaliw.. Kaya kayo! Paalala sa mga bata pa, nakuu! 'Wag na akong gayahin ha, kase alam ko rin naman sa sarili ko na mukha akong tanga.. T__________T

____________________________________________

"MARLA... may naghahanap saiyo sa baba.. sinusundo ka na." Mahina niyang tinatapik ang binti ko.

"Hmmmm. Ano po 'yun Yaya?" Papungay pungay pa ang mata ko. Anong oras na naman ba kasi ako natulog kagabi?

"May naghahanap sa'yo sa baba, Sabreena Tan daw."

"Anong oras na po ba?" Tumayo na ako at nag inat-inat ng braso.

"Alas syete na."

"Po!? Alas syete? Sheeeez! Ano ba 'yan!" Nagmadali akong punasok sa C.r. my God! Malelate na naman ba ulit ako sa game ni Earl?

Oh ayan Earl ka na naman eh.. Napabuntong hininga na lang ako saka tumapat sa salamin. I stared at myself. Mukha akong desperada talaga. Hindi ko na pala namalayan na mukha na akong tanga sa kakasunod kay Earl. Si Earl na walang gusto sakin. Yun naman ang sinasabi niya eh.. Haaay! Ito na naman tayo.. paulit ulit na lang ang nangyayari.. Pero seryuso, nagpromise na ako kay Lord na Last na tong pagsunod ko sa sinasabi niya. Last na 'tong paglapit sa kanya at last na rin 'tong pag cheer ko sa kanya..

"Agruuuuu! Kaya mo yan!" Tinatapik tapik ko ang mukha ko saka inhale-exhale, Pagpapalakas ko sa loob ko. Sabi nga nila ang mismong makakatulong mo sa mga feeling problem eh sarili mo lang din.

"Ipunin mo lahat ng lakas mo ngayon! You can shout at the top of your lungs, tutal last na 'to sulitin mo na! Aja!" Smile sa harap ng salamin.. Ang ganda ko pala? Haha ngayon ko lang napansin.. bakit ko nga ba sinasayang kay Earl?

Naligo na ako ng mabilisan.. Half minutes ng regular bath hours ko. Wahaha. May ganun talaga noh? Meaning 30 minutes ako dito. Kumusta daw ang mabilisan?

Nagbihis na ako.. Alam niyo bang may outfit pa ako para sa pag cheer? Buti na lang talaga hindi na ako pinagpalda eh sigurado naman kasi magmumukha akong katawa tawa. Haha!

"Hoy! Loka-loka? Ba't ang tagal mo!? Galit na galit na si Earl.." Bungad agad sakin ni Breena.

"Good morning too." Poker face ^__^

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon