Chapter 35

4.9K 164 3
                                    

"Bilisan mo naman, akin na nga 'yang mga gamit mo." Oo na! Ang aga niya naman kasi eh! Alas syete lang 'yung oras namin pero ang aga ng pagpunta niya, seriously? Siya pa nga nanggising sakin.

Welcome na welcome na siya dito. Para na nga kaming pamilya eh, hindi joke lang. Madalas na din siya dito, nakikikain ng mga foods ko. Kainis lang kasi may kaagaw na ako, simula lang nong bumalik kami sa dati, ang tinutukoy ko 'yung pagigi naming friends. Aaminin ko, mas maganda nga pag ganito.. away bata ang madalas.. tss. Pero kinikilig naman ako, hindi ko na lang pinapakita.

"Anong oras ka na naman ba kasi natulog kagabi? Nagbilin pa nga ako na maaga kang umuwi"

"Sandali nga lang.. Ang O.A mo, alas syete 'yung sabi ni Jick, bakit ba ang aga-aga mo manggulo?"

"Eh kasi nga, ano.."

"Ano?"

"Ahm.. kasi na-move! Sabi alas singko na. Kaya bilisan mo ang kilos!"

Nagmamadali ako magkabit ng hikaw ko, 'pati bracelet saka relo. Ni hindi pa nga ako nakakapagsuklay. Ikaw ba namang kalampagin sa gitna ng pagligo. Tss! Dinaig pa 'yung bestfriend ko eh!

"Ang bagal!"

"Ba't ba atat na atat ka? May naghihintay ba sa'yo doon?"

"I don't think so." Pababa na kami ng hagdan. I don't think so! Feeling naman, Ay oo nga pala yung babaeng malandi magsalita na nakita ko na kasama niya noon, hinihintay na siya sa school. Wahaha. Ewan ko nga ba, bakit hindi niya pinagtatawanan, kagaya dati, na kapag may babaeng naghahabol sa kanya, pang iinsulto lang ang inaabot kay Earl. Pero 'yung nakita ko na ginawa niya doon sa babae, ibang Earl, alam niyo bang nagsorry siya? Sabi niya magulo lang daw 'yung isip niya that time. Grabe.. Hula ko na 'non na pagtatawanan niya pero hindi, Ako yung nagmukhang masama. Haha! May pangiti ngiti pa ako non eh. Ngiting tagumpay.

"Sandali, breakfast muna ako.."

"Hindi na! Sa canteen na lang!"

"Aish naman Earl eh!"

Papalapit si Mama, galing sa kusina.

"Magbreakfast muna kayo.." Sabi ni Mama, oh tingnan mo, mas maaga pa kami kila Mama.

"Hindi na po Tita, nagmamadali na po kami."

"Ganun ba, oh sige.. Good luck sa inyo anak."

"Thanks Ma.."

Napalingon naman kami sa malakas na paghakbang pababa sa hagdan. Ayun ang kapatid ko, parang ewan lang..

"Ma! Sino po ba 'yung maingay? Talo pa mag-asawa nagbabangayan eh.." bakit bumaba na siya? Nakapikit pa 'yung mata, Loka talaga 'to, buti na lang hindi siya gumulong sa hagdan.

"Naku, ang Ate at Kuya mo Earl, nagmamadali daw eh.."

"Tss, Nakakaistorbo sila Ma.." aba aba ha.. May pasok siya niyan ah.. alas sais, akala mo hindi malelate eh.

Mabiro nga. Hehe. (Evil smile)..

"M'm!! Andiyan si Rex!!"

"WHAT!?" Sabi ko na eh, nagising agad 'yung dugo niya. Hanep Rex!!

"Asan?!"

"Haha, wala!! Maligo ka na nga! Kadiri ka, may panis kang laway! tulo laway kasi!"

"Waaah! Ate naman eh!" Tiningnan siya ni Mama, Senyales na, tumigil siya.. Kay aga-aga ang ingay niya. sige lang!! Haha lagot ka kay Mama.

"Oh bakit? (taas kilay, nanahimik na siya) Ma, sige po alis na kami.."

"Ingat ah. Earl, bantayan mo yan si Precious.."

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon