Three weeks. Tatlong linggo na akong hindi nagpakita sa kanila. Simula nung gabi na umalis si Earl sa kwarto ko, pinanindigan ko na ang pangako kong huling beses na iyon nang pagsunod sa kanya. Promise.
Syempre hirap na hirap akong gumawa ng paraan huwag lang talaga kaming magkasalubong. Pati mga kaibigan ko damay. Ang bestfriend ko at si Ade, hindi ko na rin nakakausap. Kahit si Kuya, hindi na siya ang driver namin, may bagong nahire si Papa.
Malimit din akong gumamit ng cellphone, magsagot ng tawag o kaya magtext.
Mabuti na lang aware sila sa hindi ko pagsama. Ang alam lang nila busy ako since finals na. Ganon din naman sila. At ngayon nga! Sa wakas tapos na rin.. Makakapagpahinga na ako. Ayy hindi pala kasi malapit na rin ang program na para sa graduating. Iyon na lang ang pagtutuonan ko ng pansin.
Okey din ang naging resulta ng pag iwas ko. Kumalma ang puso at pansamantalang nakapagpahinga ang isip ko. Oha! Kaya ko rin naman pala eh. Tsk. Tsk. Ba't di ko nga ba kasi 'yun naisip nung simula pa lang noh?
Napagdesisyunan ko nang pumunta sa canteen. Kumukulo na rin ang tiyan ko. Tatlong linggo din akong hindi nakapunta dito, I mean hindi ako pumunta para kumain. Miss ko na rin. Haha. Nagbabaon lang ako nun, Oo, ginaya ko si Ade. Walang kwenta lang nung pinagalitan ko siya about sa pagkain, ginawa ko lang din? Sige pwede niyo na rin akong pagalitan, hehe.. Nag iba din ako ng tambayan, hindi na doon sa lugar na pinupuntahan naming tatlo ni Kenjay at Ade. Tago na talaga 'yun saka mas okey, tahimik kasi saka sa tingin ko ako lang nagagawi doon. Ah oo! May nakita pala ako doon nakasulat sa bato. I don't think kung bago lang o matagal na 'yun. May letter E & P na nakasulat at the center of the heart shape..
Napangiti nga ako ng binigyan ko 'yun ng sariling meaning, Earl & Precious, kaso hindi nga lang pala ako ang Precious.. Kaya naman Eternity and Porever! Hahaha joke lang. Wala talaga akong maisip na iba. Fill in the blanks 'yan. Haha
Susubo na lang ako ng pagkain nang mapalingon ako sa bumukas na pinto ng Canteen. Pumasok ang mga kaibigan ko, mukhang nakakita ng multo. Anyare? Isa-isa silang nagsiupuan. Dito kasi ako pumuwesto sa table talaga na nakalaan na ata sa grupo namin.
"Buti naman nagpakita ka na." Seryusong sabi ni Breena. Akala ko naman naiintindihan nila kung bakit hindi ako nakakasama sa kanila? Nginitian ko silang lahat. Saka itinuloy na ang pagsubo. Kumakain ako ha. Saka nagbago na ako hindi na ako madaldal. Wahaha.
"Huwag mo sabihing paos ka pa rin hanggang ngayon." Parang galit na sabi ni Ade. Sandali ah. Tatapusin ko lang 'tong pagkain ko.
"Hindi mo man lang kami kukumustahin?" Si Hailey sa mataray na boses. Kain. Kain. Kain.
"Tatanungin ng bagong balita?" Si Hilary naman.
"Ano?" Sabay sabay na sabi ng mga lalaki, si Bebe, si Jick, si Vince, at si Kuya. Except kay Earl. Hindi ko narinig boses niya eh. Take note ha, deadma ako kay Earl. Seryuso wala akong naramdamang excitement saka hindi rin bumilis ang tibok ng puso ko. Meaning ba 'nun?.effective 'yung iwas-iwas? (Wahaha :D congrats Marla! Haha)
Uminom muna ako ng tubig saka nagpunas ng bibig..
Tumayo ako...
"I MISS YOU GUYS!!!" Open arms while smiling.. Nga-nga sila!
"Yun lang?" Nang makabawe si Breena.
"Uh-huh" Naupo ako saka tumango-tango.
"Ibang klase.. So kumusta ka na?"
"Pwede kumain muna kayo? *Burrrrp* Ooops Excuse me! Ako busog na." Nakangiting sabi ko. Seriously nagawa ko 'yun? Haha
"Kelan ka pa ganyan ha?" Kunot noong tanong ni Kenjay. Lahat sila nakatingin sakin. Naramdaman ko ring napalingon si Earl.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] Completed
Dla nastolatkówApat na taon niya nang gusto si Earl. Magkakapitbahay sila at magkaibigan ang pamilya nila. Pero sa loob ng apat na taon na yun. Hindi siya pinansin ni Earl kahit pa lahat ng kaibigan nito ay kaibigan niya rin. Ano ba ang dapat gawin ni Marla kung a...