Chapter 28

5.3K 163 10
                                    

"Huwag mo lang muna siyang basain at ingatan mo ring maiapak." Bilin ng nurse na nagasikaso sakin.

"Okey.. thank you" Mahinang sabi ko. Sumasakit na rin kasi ang lalamunan ko, anytime mawawalan na ako ng boses.

"It's Good for you kung umuwi ka na muna.. Mas okey kasi kung makapagpahinga ka muna.."

"Eherm.. Sige po.. Mag...papas_ndo na lang po ako dit_.." Syet! Ayan na. Namamaos na ako. Naalala kong wala nga pala kaming driver, kasi nga nakaleave si Kuya.(haha may ganun talaga noh?) Haaay! Pano 'to? Nasa out of town naman sila Papa. Kung magcocommute ako paniguradong mahihirapan.. No choice kay Kenjay na lang. Hindi naman ata pipigilan ni Hailey diba?

"Miss San Juan, una na po pala ako."

"Ahm. Nohrlhaan maraming salamat pala.." Pabulong na lang ngayon. Kitams.. paos na ako simpleng Norlan di ko mabigkas ng maayos.

"Welcome.." nakangiting sagot niya. Cute din pala siya.

"Salamat talaga"

"Sige po.. Bye!" Ngumiti ako. Lumabas na rin siya

Tatawag na lang ako kay Kenjay..Kinapa ko sa bulsa ko.

"Sheeez!" Kamot sa ulo. Naisama ko pa ata sa gamit ko sa loob ng bag kaninang nagmamadali ako. Haaayss.. What to do? Arrgh.. Makitawag kaya ako.

"Excuse me.." pagkuha ko ng attention ng nurse.

"Bakit?"

"Uhmm. Pwede pong makitawag if okey lang? Naiwan ko kasi phone ko.." Hinilot ko ang lalamunan ko para malinaw ang sasabihin ko. mabuti na lang talaga saulado ko ang number ni Kenjay eh.

"Ahh. Sige okey lang, ito oh." Inabot niya sakin ang cp niya.. Buti may load noh?

Nag-dial na'ko ng number ni Kenjay.Maya maya lang sinagot niya na.

"Bebe ako 'to.. Asan ka?"

"Ikaw ang nasan!? Kanina pa kami hanap ng hanap sa'yo.. Hindi mo naman sinasagot mga tawag namin."

"Sorry naiwan ko eh. Nandito ako sa clinic.."

"Clinic!? Anong ginagawa mo diyan? Okey ka lang ba? Anong nangyari sa boses mo?"

"Haay.. kalma. Okey, minalas lang ako.. sige na, puntahan mo na lang ako. Bye."

...

"Salamat.." Nakangiting nilahad ko iyon sa nurse na nandito ang hiniram ko. Ngumiti din siya.

PAHIGA ulit ako kaso hindi natuloy ng biglang bumukas ang pintuan, nag aalala ang mukha ni Earl..

Bakit siya? Di ba si Kenjay tinawagan ko?

"Okey ka lang? Ano nangyari?" Lumapit siya saka hinawakan ako sa braso.

"H-ha.. S-si Kenjay asan?" Pinipilit kong alisin ang pagkakahawak niya sa braso ko. Inalis niya naman saka huminga ng malalim. Tiningnan niya 'yung papasok pa lang sa clinic.

"Hoy, anyare? Kumusta?" Ngumiti ako sa bungad ni Breena.

"Okhey pa. Hehe. Natapilok lang nung...."

"Nung?"

".....nagtatatalon ako.. matapos 'yung game.." nahihiyang sabi ko..

"Aah.. So dahil pala kay Earl.." Tatango tangong sabi ni Hailey.. Magkakasama talaga sila dito?

"H-hindi ah.." nilingon ko naman si Earl. Nagi guilty yung mukha niya. Bakit? Hindi naman talaga dahil sa kanya ah. Ako yung malikot. Hindi niya naman ako tinulak diba?

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon