Chapter 8

6.7K 231 11
                                    

Mga 30 minutes akong nagtampisaw sa dagat saka nakapagpasyang umahon na muna. 'Yung apat nandon pa rin. Si Earl? Ayun oh! Nasa gilid na siya. Pero nakapikit. Ewan baka natutulog siya. Buti na lang hindi mainit sa puwesto namin. Kung hindi baka nangitim na siya sa pagkakabilad sa araw.

Malapitan nga ang isang 'to. Naupo ako sa puwesto ko kanina. Isang hakbang lang ang layo kaya kitang kita ko ang mukha niya.. Waaah! Ang gwapo niya talaga. Nakatitig lang ako, mula sa mata niya, sa ilong at sa labi, ang swerte ko naman kasi nakapikit siya. Malayang malaya akong tumingin.

Napadako naman ang tingin ko sa may tiyan niya, ay abs pala. Eeeee. Gusto ko hawakan. Gosh! Ano ba 'yan ang dumi ng iniisip ko. Kaso naramdaman ko na parang gising na siya o didilat na kaya nag iwas ako ng tingin. Nakakahiya mahuli niya pa ako. Patay na.

May napadaan namang grupo ng lalaki sa harapan ko. Ngumiti sila sakin. Papansin naman 'yung isa. Kumindat tapos tumingin sa.. Leche! Ang daming bastos dito tiningnan ba naman 'yung ano ko. Tingin na parang hinuhubaran. Buwesit!

Dinampot ko agad 'yung damit kanina na suot ko. Shete! Lintek yun ah sarap dukutin ng mata. Nakakainis.

Lumingon ako sa kasama ko dito, Nakaupo na pala siya patawa- tawa. Anong problema niya? Psh. Wag na nga pansinin.

Maya maya naman palapit na 'yung apat.

Si Breena na tuwang tuwa na tumabi agad kay Earl. Naiinggit ako. Ito namang lovers na Hilary at Vince panay landian lang. At si Kenjay nanunukso 'yung mata. Psh. Mukhang ewan siya. Ano na naman kaya nangyari?

"Bakit?" Tanong ko na lang kasi hindi talaga nagbabago 'yung paraan kung pano tumingin ang baklang to kanina pa.

"Dalaga ka na Bebe, You make damoves, Gosh!" Siguro kung nilakasan niya 'yun malamang huli na siyang bakla. Pero dahil sa tapat siya ng tenga ko bumulong 'yung para siyang humahalik, kaya ako lang ang nakarinig.

"Ewan ko sayo!" Inirapan ko siya. Damoves! Damoves! Wala akong ginagawa!

"Nakuh! Anong ginawa mo kanina? You seduce him noh!" Shems! Ano kala niya sakin marunong lumandi, o mangharot?.

"Bebe, anong sinasabi mo diyan?" Mahinang sabi ko.

"Kitang kita ka sa malayo. Buti walang sumanib sayo. I really thought na ano mang oras marerape mo na eh" Binatukan ko nga. Leche siya, kung ano-ano na pala inisip niya.

"Lechugas naman. Dirty mind!" Baliw na to! Gusto ko lang naman yakapin diba? Ayy! Sh*t nadulas ako >_<.

"Hahaha" Tanging tawa na lang ang naisagot niya habang nakahawak sa ulo. Nalakasan ata ang pagkakabatok ko. Pasensiya naman, masyado kasing madumi ang isip niya.

--

"Guys, come on! Let's eat lunch muna" Sabi ni Hilary.

"Babalik tayo mamaya around 3 okey" Dagdag pa ni Breena.

Sumangayon na nga ang lahat. Kanya-kanyang punta sa kainan. Ako nga pala kasama ko si Kenjay.

Hanggang mamayang gabi daw kasi kami magswimming. Mas okey yun! Yey! Night swimming :) Para na ngang Group Outing, kulang nga lang si Hailey, at saka 'yung President sa school namin, nakikita ko kasi minsan magkakasama sila.

Mukhang may nakalimutan ako, ay Oo nga pala. Si M'm kaya nasaan. Naku ang batang 'yun talaga. Malaman ko lang talaga na may kasama siyang lalaki, specially ang chinitong 'yun, Nakuh! Makakatikim talaga 'yun ng kurot sa singit!

--

"Hi Ate, Hi Kuya Ken!" And speaking of. Nandito din siya, kasama 'yung chinito. Nakalimutan ko na 'yung pangalan. Gusto ata talaga nito ng kurot sa singit eh.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon