Chapter 30

5K 158 11
                                    

"Hi Ma! Umuwi po si Papa?"

"He's not here.. Busy.. Kumusta? Kumain ka na ba? Sino naghatid sa'yo?" Wow! Ano 'to interrogation pa rin? Kakatapos lang ni Earl si Mama naman?

"I'm okey. Kakain pa lang po. Si Earl, sinabay niya po ako."

"Asus si Earl.. Ang bait talaga ng batang 'yan. Alam mo ba naikuwento sakin ni Yaya na siya raw ang naghatid sa'yo nung napilay ka. He's so kind.. Sobrang bait na bata." Anyare kay Mama, parang.. haay ewan!

"Yes Ma. No choice eh."

"Anong no choice! Ikaw ha, mabait sa'yo yung tao, I heard, hindi ka pumayag na sumama sa isang party. Baby, alam mo bang for couple daw 'yun? He really need to be there.." Oh no! Pati ba naman si Mama? Breena! Baaaaaaaaaakit! Aaaah! Ginamit niyo pa si Mama.

"Pero M---"

"Ah-ah-ah No. Kailangan mong samahan si Earl. Kawawa naman siya Baby.. At isa pa ha, Alam din daw ng kaibigan nila na ikaw ang kasama, actually, gustong-gusto ka daw makita.. Umiyak pa nga si Breena eh. Para pumayag lang akong pilitin ka." Syete noh? Walangyang Breena ka! Ginamit pa talaga ang acting skills! Leche!

"Baby, sige na..." MyGosh Ma! Kelan ka pa natotoo niyan? Si Mama nagmamakaawa.. uwaaaah! Hindi ko na kaya..

"Haaaaaaaaay.. Okey Ma.. Sasama na ako."

"Yes! Oh sige na magpalit ka na ng damit magdidinner na tayo. And by the way i love you Baby.."

"Love you too Ma." Umakyat na ako sa hagdan. Shemay! Ano na naman 'tong pinasok mo Marla. Hindi man lang ba nila inisip ang mararamdaman ko kapag nakita ko si Precious Chua doon? Makikita ko kung pano maging masaya si Earl, at ang malungkot doon, Hindi naman dahil sakin.. Dahil 'yun kay Precious..

Sabi nila na kapag mahal mo daw ang isang tao, kung saan siya masaya dapat masaya ka rin. Pero sino ba ang sasaya habang nasasaktan, wala naman diba?

Ang saklap naman ng buhay ko.. Gumagawa na ako ng paraan para makalayo pero bakit sila gusto nilang mas lalo akong mapalapit?

Pabagsak akong naupo sa kama. Ito na ang huli.. Huli na nga ba? I don't know, as long as gumagawa sila ng paraan, hindi 'to matatapos. Ano ba talaga ang ending author. Ang hirap naman ng rule ko dito >____<

(A'n: [Kibit-balikat] I don't know)

Kumuha ako ng isang papel at nagsulat doon gamit ang pentelpen na nasa bag ko..

This is it!

To:Earl

Earl? Gising ka pa? Kung Oo, Open your window..

Itinapat ko 'yun sa bintana. Maya maya nakita kong bumukas na ang bintana sa kwarto niya. Ngumiti siya, isinara ko na ang bintana. Nabasa niya naman na ata.. ang nakasulat.. malinaw naman eh.. [Okey, Sasama na ako]

*bzzzzzt*

From: Earl

Thank You =)

Aba! With smiley pa.. Napangiti na rin tuloy ako..

Ito na naman 'yung pakiramdam. I love this man talaga. Halata daw eh. Haha. Kunwari lang na nawala pero ang totoo lumala pa.. Hindi ko na alam ang pwedeng gawin para makaiwas, Siguro dapat ko na rin tanggapin ang pwedeng mangyari diba? Kung masasaktan ako.. Be it! Masaktan ang masaktan, manakit ang manakit. Nagmahal lang naman ako, hindi 'yun kasalanan.. Lahat naman tayo may karapatan hindi ba?. Haharapin ko 'to.. iiyakan ko na lang. Haha :D

____________________________________________

"Baby.. hindi ka pa ba tapos? Tulungan na kita mag-ayos.."

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon