Chapter 49 - The Last part of Book 1

6.3K 237 34
                                    

"Breena, is he coming?" Kinakabahang tanong ko, nag-aalala rin na baka hindi dumating si Earl. Nakakatense 'tong gabi..

"Calm down Sissy. He promise pupunta siya.. Maupo ka muna." Naupo ako pero nanlalamig na talaga ang kamay ko. Nandito kami sa BU. Buti na lang pumayag silang tulungan ako sa bagay na 'to. At mabuti na lang pumayag ang guard dito. Nandito lahat ng kaibigan namin pati si Ri-ri.

"Are you sure pumayag talaga siya? Naniwala ba siya?" Si Breena ang pinakiusapan kong pilitin si Earl na pumunta sa pool area. Ang totoo, wala kami doon, nasa rooftop kami..

"Bebe, huwag ka ngang kabahan. Relax! Hindi pa naman siya ang huling lalaki ah." Pinanlakihan ko siya ng mata. Saka kinurot sa braso na ipinapantapik niya sa balikat ko.

"Aray! Ba't ka nangungurot!?"

"Eh kasi ikaw.. Ah.. Eh.. Kabadong-kabado na nga ako.. tapos.. ikaw diyan.. Ano Sissy, nandito na daw ba siya?"

*Phone Ringing*

"Oh sakto, tumawag na siya.."

"Sagutin mo na dali!" Masyadong halata na excited ako.

"Okey, okey.. Hello? Earl, nasan ka na?"

("Nandito na sa pool area.. kagaya ng sabi mo. Ano ba gagawin ko dito?")

"May naaalala ka bang mahalagang nangyari diyan?"

Medyo matagal bago siya sumagot. Rinig ang ginawa niyang pagbuntong hininga.

("Dito ko ulit siya nakita. Si Marla") Malungkot na pagkakasabi niya.

("Ano bang gagawin ko dito? Pinapunta mo lang ba talaga ako, Pinagtitripan mo ata ako Sabreena.")

"Listen Earl.. Makinig ka sa instruction ko okey, Sundan mo 'yung mga arrow ha.. Nakikita mo yun sa may pintuan."

("Para saan 'to?")

"Basta. Sundin mo na lang.. 17 arrows yan. Bilangin mo ha.. kunin mo lahat."

"Oh sige.. Ito na may isa.."

"Basta kunin mo lahat.." Narinig naming naglalakad siya.

"Papuntang rooftop 'to ah, nandiyan ka ba?" Naghand gesture ako kay Breena na sabihin, Oo.. Para hindi makahalata.

"Oo, kakailanganin ko kasi 'yan.."

"Tsk. Para saan naman 'to?"

"Kanina ka pa tanong ng tanong ah.. Basta dalhin mo na dito."

"Ah okey, siguraduhin mo lang na hindi mo ako pinagti-tripan. Pasalamat ka tumawag si Tita Celine sakin."

"Kasi nga hindi kita pinagtitripan.. Asan ka na?"

"Malapit na ako, two more arrows.." Two more na lang.. dapat magtago na ako.. Tumakbo na ako sa medyo tagong part dito..

Maya-maya narinig ko na lang na nagsalita siya.

"Oh, ito na.. Oh, kompleto pala kayo dito? Anong meron.. Pero asan si Marla? Siya lang ang wala." Walang sumagot sa tanong ni Earl..

Kyaaaaah! Hinanap niya talaga ako. Kilig.

"Oy, Ba't ang tahimik niyo?" Wala pa ring sumagot..

"T-teka.. Sandali.. A-anong ginagawa niyo.. Ba't niyo ko tinali dito sa upuan. H-hoy! Bakit may piring?"

"Huwag kang maingay! Kidnapping 'to-Aray! Breena naman!" Malamang binatukan yun ni Breena.

"Anong kidnapping? Jick! Ikaw yan diba? Anong alam mo dito?"

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon