Chapter 37

4.7K 142 5
                                    

Bumalik nga kami sa pwesto namin kanina. Pero wala si Hailey, Asan kaya yun..

"Breena, Si Hailey?"

"Huh? Akala ko ba sinundan ka. Bakit hindi mo ba nakita?"

"Hindi.." Oh my Ghad! Hindi kaya sumunod talaga siya.. tapos narinig niya yung pinag-usapan namin ni Kenjay? Naku! Malaking problema 'to eh! Waaah!

"Guys, alis na muna ako ah.. hahanapin ko si Hailey." Tiningnan ko siya saka tumango. Yung tingin lang pero sinabi ko 'to 'You can do it'.. Then he left. Syet! Sana naman maging okey din ang lahat. Kinakabahan ako eh..

Teka..

Hala! Di ba magpeperform pa kami ni Earl, ano bang binabalak niya? Hindi ko alam, pero siya na daw ang bahala.. Ayuko namang magmukhang ewan mamaya..

Mapuntahan na nga lang.. Nagpaalam ako kila Breena, sinabi ko na rin kung bakit.

Pumunta agad ako sa backstage, baka kasi nandon pa siya.

Ayun! Kaso naabutan kong nandito pa 'yung mga kagrupo niya. Lumapit ako.

"Hey."

"Oh Hi Precious, Si Earl ba?"

"Hello. Uhm.. Oo. Nasan ba siya?"

"Nasa room namin."

"Ah okey, thank's" Tumango ito saka umalis na rin ako. Buti na lang talaga malapit lang 'to eh..

"Ea-" Hindi ko na tinuloy ang pagtawag ko sa kanya. Nakita ko kasing may kausap siya sa cellphone. Nakatalikod siya pero naririnig ko ang sinasabi niya.

"Yeah, of course! Nakanta ko ng maayos.. She will be loved, just what you told me.. Oo naman, Okey Ri-ri, Ingat ka diyan. Bye! I MISS YOU TOO."

OUCH! Si Precious Chua yun. Siya pa pala nagsabing She will be loved ang kantahin ni Earl.. Ang akala ko para na talaga sakin.. Pero bakit sakin siya nakatingin kanina, habang kinakanta niya 'yun? Arrrgh! Ano ba 'yan! Ang gulo naman!

"Oh Precious, what are you doing here?" Syet! That name.. Arrrgh! Kung hindi ko lang pangalan yan, matagal ko nang sinumpa eh!

"Sila Mama at Kuya Marco lang ang pwedeng tumawag niyan sakin.."

"Ha?"

"Don't call me Precious."

"Why?"

"Because I don't want."

"Huh? Di ba name mo 'yun? So, bakit hindi kita tatawagin sa pangalan mong Precious?. And besides magandang pangalan yun." Kasi pangalan yun ng babaeng mahal mo!

"Hindi ako sanay. You can call me whatever you want but please, Huwag lang yan." Lumabas na ako pagkasabi ko 'non. Grabi! Ako na O.A pati ba talaga sa pangalan hindi ko mapigilang mainis? Malalang malala na ang Earl Virus Ko >_<!

"Marla! Hoy!" Rinig kong sigaw pa niya pero hindi ako lumingon.

"Terrified ang kakantahin! Alam kong alam mo 'yun!" Sigaw niya. Kelan pa siya naging manghuhula ng bagay na ipinunta ko doon?

Panu niya rin nalaman na alam ko 'yun kantahin? Weird! Aish!

Naglakad na lang ako diritso sa back stage. Hindi na ata ako magpapalit ng damit? Ano yun? Masyadong halatang hindi pinaghandaan eh.. Tsk.

Naupo na lang ako habang naka cross arms, at nakasimangot pa. Ang badtrip! Bahala na nga! Kakanta na lang ako.

"Marla! Let's go!" Hinawakan niya ako sa braso. Kagulat 'to ah.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon