Chapter 46

4.3K 139 11
                                    

Of all the people na makakakita sa kalagayan ko, bakit siya pa?

"Use it, kung iniisip mong gamit na 'to, well it's not. Sige na, gamitin mo." Hindi na ako nag dalawang isip, inabot ko na iyon saka nagpunas ng sipon muna. Nakakainis eh, papansin kanina pa. Biruin niyo 'yun mas madami pa sa luha ko eh! Taragis na sipon 'to. Kasumpa sumpa!

Ayan, nakukuha ko pang magbiro, wasak na nga 'yung puso.

Naupo siya sa tabi ko. Alam ko nakatingin siya sakin.

"Okey ka na ba? O iiyak ka pa?" Minsan tinatanong ko rin eh, bakit ganito mga nagiging kaibigan ko? Magtatanong ng obvious naman kung ano ang sagot. Tsk. Tsk. Being human is like that nga naman. Hindi ko siya sinagot instead nag-unahan na naman ang sipon ko este ang luha ko.

"Alam mo, sabi ng iba, kapag hindi daw mailabas kung ano ang nararamdaman mo sa loob maari daw 'yun ikamatay."

"Ha?*Singot*" Ang gulo niya ha.

"Sabi nila kapag may kinikimkim kang galit, inis, sakit na nararamdaman o hinanakit kailangan mo daw 'yun ilabas.. May alam akong lugar. Come on, mukhang pareho natin kailangan."

"B-bakit?.. S-safe ba dun? Kung sa bar lang. Hindi ako sasama. Hindi ko kailangan ng alak."

"Hindi sa bar. Lugar kung saan pwede kang maglabas ng sama ng loob. Trust me, it's safe there.. At isa pa wala akong gagawing masama. Okey.."

Nagnod na lang ako. Sumakay na kami ng kotse niya. Hindi ko pa rin maiwasan ang hindi maiyak eh.

Huminto ang kotse mga 15 minutes. Bumaba ako, hula ko isa 'tong lugar na mukhang bangin. Natatanaw ang mga ilaw, mga gusali. Maganda, at mahangin din. Refreshing kumbaga, makakapagrelax ka dahil na rin sa tanawin. Nasa tabi ko pala si Alben.

"Sige na, pwede ka ng sumigaw."

"Okey lang ba?"

"Oo naman, malayo 'to sa mga kabahayan at walang maninita satin dito." Ngumiti ako sa kanya saka huminga ng malalim.

"SHIT KAAAAAAA! WALANG HIYA!!! BUUUUWESIT!! NAKAKAINIS KA! IKAW NA WALANG IBANG GINAWA KUNDI ANG SAKTAN AKO! GO! LIVE YOUR LIFE WITH YOUR EX! LET ME REPHRASE IT! LIVE YOUR LIFE WITH YOUR LOVE! SHIIIIIIIIT! KAAAAAAA!" Hiningal ako pagkatapos kong sumigaw.

"Tapos ka na ba?" Ngumiti ako. Ganito pala pakiramdam kapag nakasigaw ka. Pakiramdam ko nawala ang bigat na kanina pang nandito sa dibdib ko. Feeling ko ang gaan ng pakiramdam ko at pwede na ulit ako ngumiti.

"Ako naman.."

"YOU! STEPHANIEEEE! MAHAAAAL KITAAAAA ALAM MO YUN! MAHAL KITAAAAA!" Pagkatapos niyang sumigaw, Nakangiti siyang humarap sakin. Ang swerte naman ni Stephanie, mahal siya ni Alben. Samantalang ako, umiiyak dahil diyan sa stupid LOVE..

"You know, ang swerte ni Stephanie sa'yo. Cause you love her a lot. May problema ba kayo? Bakit ganun ang sinigaw mo?"

"It's not a problem for me, ayukong isipin na problema na namin 'yun. She's so upset, nang makita niya ako na kausap ang ex ko. Trabaho lang naman 'yun. Alam mo 'yun, pwede akong magalit sa naging akto niya pero hindi ko magawa kasi iniisip ko na nagseselos siya at ang ibig sabihin non mahal niya ako. Hinahayaan ko lang na lumamig muna ang ulo niya.." Napahanga ako sa pananaw ni Alben. Pinapahalagahan niya ang relationship nila ni Stephanie. It's just that, bihira na lang kasi ang mga lalaking kagaya niya. Na kaunting away nauuwi agad sa hiwalayan pero siya hindi eh, imbes na mainis natuwa pa na nagselos si Stephanie. Siguro nakaka-Overdose ang pag-ibig nitong isang 'to eh noh.

"Ikaw bakit nga pala ganun ang isinigaw mo? Pansin ko lang kasi halos lahat ng sinabi mo, masasakit. Nakakaya pa ba 'yun ng puso mo?" Bahagya akong natawa sa sinabi niya.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon