"Baby, Okey ka lang ba talaga dito?" Kasalukuyan silang nag-aayos ng mga gamit. Si Mama talaga, simula pa kagabi, ganito na ang tinatanong niya, Pagkagising na pagkagising ko kanina mga bandang alas dyes tinanong ulit ako, baka daw kasi magbago pa ang isip ko.
Hindi ako sumagot pero ngumiti ako.
"Melinda.. Enough. Kaya na 'yan ni Marla. And besides nandiyan lang naman si Earl, Marla kapag kailangan mo ng tulong, don't hesitate to ask Earl's help. Para saan pa at magkaibigan kayo." Naku Papa, lakas ng tiwala kay Earl ah..
"Panu naman po kung hindi siya pwedeng guluhin? Nakakahiya naman po 'yun."
"He told us. He knows na mag-aalala kami ng Mama mo lalo na mag-isa ka lang dito. Kaya, huwag kang magpapasaway sa kanya. Siya ang nagprisinta, Hindi kami nakiusap, okey. Kung iyon ang iniisip mo." Seriously? Nagprisinta si Earl? Wow! Just W.O.W!!
"S-sigurado ka po Pa?"
"Of course."
"O-okey.. behave lang." Sabi ko.
Few minutes, then umalis na sila.
Gusto ko sanang humabol eh, yung tipong nakayapak ako habang puno ng luha sa mata, tapos sakto daw na may eyeliner na nagkalat sa ilalim ng mata ko with matching ulan pa. Pero ayuko. Wahaha. Sobrang OA naman yun.
"Korea lang 'yan Marla! Hindi yan aalis sa kinalalagyan niya, isipin mo na lang na makakatulong ka sa bestfriend mo." I said to myself. Saka pumasok na sa loob ng bahay.
Kami na lang ni Yaya Lena ang nandito. Next day pa naman ang alis ni Yaya, bukas naman ang araw na aalis ako. Note: kasama si Earl. Excited na ako. ^_^
---
"Marla, maayos na ba ang mga gamit mo?" Pumasok si Yaya sa room saka chineck ang mga gamit na dadalhin ko. Huhu. Gulo-gulo yung damit eh, mga gamit halo-halo. Wala sa ayos, yung parang naalog ng matagal. Eh kase!! Dapat pag-aralan ko na 'to. Kaloka! Yan kasi nasanay sa gala pati tuloy pag-aayos na lang ng gamit sa bag, hindi pa magawa! Tsk. Tsk. Ganito ba ang magpapaiwang mag-isa sa bahay, ang alam lang kumain at matulog. Hala! Mukhang malaking problema 'to.
Hindi ako sumagot. Kaya tahimik iyong inayos ni Yaya Lena.
"Sa tingin ko Marla, hindi kita pwedeng iwanan dito mag-isa. Hindi na lang ako uuwi ng probinsiya bukas, baka hindi mo kayanin dito. Isang buwan din ako doon. Ano?" Nagdadalawang isip ako guys. Una kasi, nararamdaman ko rin na mahihirapan ako, at isa pa ha, wala akong halos alam dito sa bahay. Kita niyo naman, gamit ko na lang hindi ko pa maayos ng matino. Tss. Pangalawa, tatanggalan ko naman ata ng pagbabakasyon si Yaya Lena kapag hindi siya tumuloy. Nakakaguilty, bihira na lang kung makauwi sa kanila, tapos hindi pa matutuloy. Reunion ng family nila eh, si Kuya Marco susunod daw and sasama din si Ade, pero kasama pa rin sila sa pupuntahan namin. Haaay! Okey ito na nga.
"Ya, Kaya ko naman po siguro na mag-isa lang dito. Para po masanay na rin, practice kumbaga." Wala nang urungan Marla. Nasabi mo na eh.
"Oh siya sige. Alam ko naman hindi na talaga magbabago ang isip mo kahit ano pang pilit sa'yo."
*Ding dong*
"Oh si Earl na ata iyon." Lokong 'yun! May padoor bell door bell pa? Minsan din ignorante noh? Masyado atang naeenjoy ang magpindot doon. Kuh! Lumabas na si Yaya. Narinig ko namang nagsalita siya, nag-usap saglit, malamang pumasok na si Loko.
Humarap ako sa salamin. Hawak ang phone. Selfie muna!
"Ang ganda ko talaga!" Sabi ko habang nakatingin sa phone.
Scroll..
Scroll..
Scroll..
Teka! What's this!? Picture 'to na nasa kotse ako ah, Nakakainis! Nakanganga ako. Sh*t! Panigurado Kuha 'to nong nakatulog ako sa kotse niya noong nagcelebrate kami.. Alam niyo 'yun mukhang BABOY lang na tulog na tulog!
BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] Completed
Dla nastolatkówApat na taon niya nang gusto si Earl. Magkakapitbahay sila at magkaibigan ang pamilya nila. Pero sa loob ng apat na taon na yun. Hindi siya pinansin ni Earl kahit pa lahat ng kaibigan nito ay kaibigan niya rin. Ano ba ang dapat gawin ni Marla kung a...