Chapter 12

5.2K 183 8
                                    

Busy silang lahat sa paghahanda para mamaya. Syempre dahil sa dalawang pamilya kaming magcecelebrate ng New Year. Ang Peras family at San Juan family. Oh diba parang family gathering lang.

Malamang na makikita ko na naman siya, Ang iniiwasan kong hindi makita. At dahil sa okey na ko keri ko na to. Haha

Sa bakuran ng Peras gaganapin ang handaan. Di hamak na mas malawak naman kasi ang bakuran nila kesa sa bakuran namin.

Nagtataka ba kayo kung bakit nung unang chapter eh nakita ako ni Earl na naka.. basta (refers to chapter Two) Ito ay dahil sa ang kwarto naming dalawa eh parehong nasa gilid ng bahay. Kaya naman abot na sana namin ang isa't isa. Haha joke lang. Ang totoo niyan pinilit ko talaga sila Mama na lumipat doon sa room na yun. Eh imbakan yun dati ng mga gamit eh. At dahil nalaman ko na sa katapat palang kwarto nun eh kwarto ni Earl kaya ayun ang resulta magkalapit na kami. (Haha okey lang si Marla mukhang ewan lang siya) Pero ang malungkot dun palagi lang nakasara ang bintana sa kwarto niya, first ever na nakita kong nakabukas yun nung nakita niya ako sa nakakaewan na kalagayan. (OA ang pagdedescribe niya xD)

"Baby, hindi ka pa ba pupunta doon?" Si Mama excited? Diyan lang naman sa kabila eh.

"Ma, magaayos pa po ako" sabay suklay.

"Okey. Sumunod ka na lang" umalis na siya.

Haaay. Pupunta ba ako o hindi? Ano? Isip Marla. Isip.

Sa palakad lakad ko ng matagal sa loob ng kwarto ko ang kinahantungan ay ito- Nakaupo na ako sa upuan daw na para sakin.

Hinila ako ni M'm. Kulang na nga lang isilid na ako sa sako saka dalhin dito. Nakaya ako ng kapatid ko? Hindi naman, kasi mas malakas ako sa kanya.

Kung pano ako napunta dito?

Pano pinasundo na ko nila Mama kay Earl. Si Earl na iniiwasan ko ay ang siyang nakapapunta sakin dito. Wala talaga akong laban sa kanya.

Wala ng kyemi kyemi Nandito na ko eh. Parang nakalimutan niya na rin yung nangyari o nagpapanggap lang para hindi ako mailang. Kaya ako naman ito hirap na hirap ako umacting.

"Bakit hindi ka pumasok?"

"Ay kabayo ka!" Kaasar naman bigla bigla na lang sumusulpot.

"Kabayo na pala ako. Oh baka may kabayo na diyan sa puso mo kasi nakita mo na ako"

"Ewan ko sayo" Aba ang kapal ha. Napapatawa ako ng lihim. Saan niya yun narinig. Ang baduy pero feeling ko ang cute niyang sabihin. Syet magtigil ka nga Marla!

"Buti naman pumunta ka pa dito." Eh pinilit mo kaya ako. Shems. Kinakausap niya ulit ako. Haha

"Ah.. sayang yung party saka gusto ko rin makita sila Tita."

"Ahh. Ganun ba" katahimikan..

"Anak! Nandito ka lang pala. (Napatingin din siya sa katabi ko) Oh Earl nandito ka rin. Please excuse us muna." Haaay Papa, panira ka naman eh. Huhu dapat pala dumaldal na ako ng dumaldal kanina.

"Yes po Tito." Habang nakangiti.

"S-sige.." sabi ko naman saka sumunod kay Papa.

-

Huminto si Papa sa tapat ng isang lalaki na sa tingin ko eh mga kaedad ko rin. Feeling ko nakita ko na siya eh. Mga ilang beses na hindi ko lang matandaan kung kelan o saan.

"Anak natatandaan mo pa ba siya?" Tanong ni Papa. Nangunot naman yung noo ko sa tanong niya.

"Err. I saw him.. somewhere?"

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon