Chapter 26

5.1K 177 10
                                    

To: Breena

I'm on my way na papuntang school.

As I texted Breena, kanina pa ko kinukulit, bilisan ko daw kasi in a minute mag uumpisa na ang laban sa swimming. Tinanghali kasi ako ng gising, puyat na rin sa kakagawa ng banner. Tsss. Ang arte kasi ng supladong 'yun, may request pang banner na nalalaman!!

Wala kaming driver, si Kuya kasi maaga nang pumunta sa school. Since Intrams ngayon saka may laban din sila (mauuna daw kasi ang grupo nila) sabi ni Papa mag commute na lang daw ako.

Wala naman talaga akong balak pumunta pero dahil sa "Deal" na sinabi ni Earl, heto ako may bitbit pang kung ano ano para sa pag cheer sa kanya. Nakakainis pa.. tsk.

Second day na ngayon. Kahapon may laban na daw 'yun hindi ako nakapanood, eh sa gumawa pa ako ng placard! Kainis.. Nagalit pa sakin, kaya ayan! Para daw makabawe gumawa ako ng banner. Haaaays! I don't know what's happening on him, parang enjoy na enjoy siyang bigyan ako ng trabaho na ikakasakit ng ulo ko.

Mabuti na nga lang naawa pa sakin ang bestfriend ko, siya na ang nagprisintang magdala ng placard (para sa basketball) nagpatulong kasi ako sa kanya kahapon, doon ako nagtagal sa bahay nila, saka doon ko na rin iniwan.

Pasalamat pa nga ako walang nagsumbong na hindi ako sumali sa kahit ano. Lechugas! Try lang nila.. Ito na nga oh! May susuportahan naman ako ah! Hindi ko nga lang kadepartment. Ang galing noh? Sa iba ako kampi.

PAGKABABANG Pagkababa ko sa jeep, agad na akong tumakbo papasok sa school.

Syet! Sana lang hindi pa rin nagsisimula. Kinakabahan na ako. Malalagot ako kay Earl kapag late na naman ako eh..

I'm sorry. Hinging paumanhin mula sa isip ko, may nabubunggo na kasi ako.

Shock! Naririnig ko na ang sigawan. Oh My!! Bilisan mo pa Marla!

Pagkapasok ko, ang daming tao, Hayyys! Geh! Kaya ko 'to makikipagsiksikan na ako!

"Marla dito!" Nilingon ko ang sumigaw. Si Kevin!. Ba't kasama niya sila Kenjay? Kumaway din sila sakin kaya ngumiti ako.

"Excuse me.. Excuse me.." Habang pinipilit na makadaan papunta sa pwesto nila Kenjay.

At sa wakas!

"Hey! Ba't ang tagal mo? Kanina ka pa hinahanap ni Earl. Mukhang mainit na ang ulo!" Bagong pagbati sakin ni Breena (sarcastic way to). Tsss. As if naman na ako lang talaga ang mag che cheer sa kanya! Andiyan din mga fans niya ah.

"Tsk! Hayaan mo na. Ito na nga oh, pinagpuyatan ko pa ang banner na 'yan" sabay pakita ng banner na hawak hawak ko.

"Oh my God.." Hala! Anong problema? Sobrang panget ba ng gawa ko? Parang nag aalala siya.

"Oyy bakit? Ang pangit ba?"

"Nope. H-hindi kaya kamuhian ka dahil dito ni Earl?" Huh? Kamuhian as in Hate?

"Tsss. Siya pa nga nag sabi na 'yan ang ilagay ko eh. Ang arte grabe..." I rolled my eyes saka parang pumaypay sa sarili ko. Ang totoo naiinitan talaga ako dito.

"Really!? Seriously si Earl? Si Earl talaga!?"

"Oo nga!"

"Oh my God.. Is this really true? Guys nanaginip ba ako?" Pinakita rin niya kila Jick, ganon din ang mga itsura nila.

"You really change him.."

"Anong change change! Pinaiinit niya kamo ang ulo ko.. tsss." Sa totoo lang nagulat nga rin ako ng sinabi niya sakin na ganito ang gusto niyang dapat na nakasulat sa banner. Ang pagkakaalala ko kasi pinag iingat ako ni Jick na huwag kong banggitin iyon kahit kelan. Tapos ito nga ngayon mismong yun ang nakasulat..

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon