Pangatlong araw na nang bakasyon ko dito sa Resort pero naeexcite pa rin ako tuwing umaga. Kapag naaalala ko 'yung pagsagip niya daw sana sakin kinikilig ako. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na siya si "Savior". Ang kaso eh imposibleng siya nga si savior, dapat sinabi niya na sakin kung siya nga. Siguro naman kilala pa ako nung nagligtas sakin diba?
Mamaya daw pala may party para sa Christmas Eve. Pano ba 'to puyatan na naman. Kaya naman hindi na ako lumabas muna sa kwarto. Puro tulog lang ang ginawa ko. Pag gising naman muni-muni. Paulit-ulit ng iniisip. Nababaliw na ata ako.
*Phone ringing*
Tunog ng cellphone ko 'yun ah. Nakapatong sa higaan kaya kinuha ko at sinagot ang tawag. Si Mama pala.
"Hello Ma!"
"Hello Baby, may ginagawa ka ba ngayon?"
"Hmm, wala po, why Ma?"
"Your Tita Jayme mo told me na pumunta ka daw sandali sa main" Ang tinutukoy ni Mama na main eh yung mas malaki sa bahay na ito or should I say na bahay nga nila. Nagtataka ba kayo kung bakit nandito si Earl sa isang kwarto? Well hindi ko din alam. Haha. Tanong niyo na lang kay author o kaya kay Earl mismo.
"Bakit daw po Ma?" I asked.
"Well nandon na ang isusuot mo, doon ka na rin mag ayos kung gusto mo"
"Okey po Ma"
"Okey, by the way where's M'm? Hindi ko macontact ang phone niya"
"She's here Ma" Nang makita siya kapapasok pa lang galing sa labas.
"Okey, tell her too, Oh sige Baby, Bye"
"Bye"*Toot toot toot*
---
"Saan ka galing?" Tanong ko kay M'm.
"Sa labas po"
"Sino kasama mo?"
"Wala" sagot niyang boring. Anong problema niya? Nakabusangot pa.
"Where's your phone?"
"Here. Lowbat" 'yun lang saka nahiga siya sa kama nakatalikod sakin. Aba! May problema nga.
"Hey M'm is there something wrong? May sakit ka ba?" I asked. Iba kinikilos eh. May mali. Hindi din siya madaldal.
Hindi siya sumagot. Tumpak! May problema nga.
"Meron ka ba? Pms? Masakit ba puson mo?" 'Yun lang naisip kong posible eh. Maliban sa assignments niya, eh hello nasa bakasyon kami kaya 'yun nga lang ang posibleng problema.
"Ate, tapos na ko last week." sagot niya pero nakatalikod pa rin.
"Then, anong problema?" Habang pinipilit siyang makaharap sakin. Nagpunas ng luha? Bakit?
"Sabi na nga ba hindi ka okey. May umaway ba sayo? Ba't ka umiyak?" Oh no my Little sister is a cry baby.
Umiling siya. "Then bakit? May masakit ka ata? Saan ba?"
Tinuro niya 'yung left chest niya.
"Bakit? Nakatama ba? Nabunggo or nadapa ka at sumubsob yan?" You know what I mean.
"Hindi! Ang slow mo naman ate eh!" Inis na niyang sabi. Eh bakit ba doon siya tumuro eh.
"Your pointing this" tinuro ko din 'yung tinuro niya kanina.
"Oo 'yung nasa loob niyan masakit" sabi niya. And now nagets ko na. Heartbroken? Pumasok agad sa isip ko si Rex. Ang walang hiyang 'yun.
"Bakit!? Anong ginawa niya sayo? Tell me!" Nagagalit na ako. Aba ang sabi ko ingatan niya ang kapatid ko bakit parang binibigyan niya ng sakit sa puso.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] Completed
Teen FictionApat na taon niya nang gusto si Earl. Magkakapitbahay sila at magkaibigan ang pamilya nila. Pero sa loob ng apat na taon na yun. Hindi siya pinansin ni Earl kahit pa lahat ng kaibigan nito ay kaibigan niya rin. Ano ba ang dapat gawin ni Marla kung a...