Mabilis talagang lumipas ang oras, linggo, buwan at Taon.
Graduate na kami sa wakas!! ^__^
Ang sarap sa pakiramdam na nakapagtapos na ako. Kasama ang mga taong naging parte ng college life ko.
Masaya kaming lahat. May celebration kaming magbabarkada, pero before that magdinner muna kami kasama ang pamilya nila Earl. Celebration daw ng family namin. Nandito sila Mama at Papa, pati na rin si M'm.
"Good Evening po. Tito, Tita.." Nagbeso ako pagkarating ko sa isang kilalang restaurant.
"Good Evening hija. Congratulation!"
"Thank You po. Good Evening Ma, Pa.. I made it.. ^_^" Masaya akong lumapit sa kanila saka yumakap.. Kahit pa kasama ko naman sila kanina. Masaya lang talaga ako. Haha
"We're so proud of you Baby.."
"Aww.. I love You Ma, Pa" saka ngumiti. Sa pangalawang pagkakataon ng pagtatapos ko proud na sila sakin. Nakabawe naman ako sa nagawa ko nung High School. Hindi sila dis appointed.
"Congrats Ate.."
"Thank You.. Lil'Sis"
Dumating na rin si Earl. Ang gwapo niya talaga. Choss! xD
"Good Evening" nakangiting bati niya. Lumapit siya kay Mama saka humalik. Pati kay Papa, hindi humalik. Hehe.
"Congratulation hijo."
"Thank You Tita, Tito"
Lumapit din siya sa parents niya. Saka yumakap. Okey.. Hindi ko naman siya nakita kanina. Ngiti lang, Hehe, tapos ngumiti din siya. Ohmgeh. Kilig. Joke lang! Natural lang naman na ngingiti ako. Hindi naman ako badtrip noh, masaya ako. xD
Kumain kami at nung matapos nagkukuwentuhan na.
Ohmy, hindi pa pala ako nakakapagsabi kila Mama na hindi ako makakasama sa kanila sa Korea.
"So Marla, Anong plano mo, Mag tetake ka pa ba ng ibang course or you're going to start working?"
"Ahm, Tita I think I'm going to work sa company po.."
"Oh, Ganun ba. How about tonight's celebration?"
"For my celebration.. Ahm.." Tingin kay Earl, kasi alam niya eh..
"Since natanong niyo na po Tita, Ma, Pa.. We're going to have a celebration tonight, with our friends. (Tingin kay Earl) Okey lang po ba kung medyo late na po ako makakauwi."
"If you're with Earl, Why not. Go, You can do whatever you want. But Earl, Hijo, babantayan mo si Marla, I know in times, She's always enjoying right. Baka mapasobra na naman 'yan." Nakangiting sagot ni Mama.
"Ma, I can manage myself. Hehe. I'm a graduate student now. Look, malaki na po ako."
"Ah-ah-ah, No, Baby pa nga kita." Saka inayos ayos kunwari ang damit ko. Uwaaaah! Bini-Baby pa ako, mismong sa araw na 'to, sa tapat pa ng crush ko?
"Ma naman. Nakakahiya kila Tita." Mahinang sabi ko kay Mama. Nakakahiya din kay Earl. Mahina siyang tumatawa.
"Ahaha, Oo nga naman Marla, mukha ka pa ring baby. But Bessy, Tama din naman si Marla, malaki na siya." Naku Tita thank you ho. Haha
"Haay, Bessy I know. Gusto ko lang na gawin pa rin siyang Baby ngayon. Alam mo na, dadating ang panahon, She'll be having her own family, And it means, she's no longer my Baby." Halaaaa! Mama! Bata pa ako... Family agad!?
"Melinda, masyado pang bata ang anak natin, masyadong nauuna yang isip mo." Ayan tama Papa.
"Oo nga naman po Ma. Enjoyin ko pa po ang buhay dalaga ^___^"
BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] Completed
Teen FictionApat na taon niya nang gusto si Earl. Magkakapitbahay sila at magkaibigan ang pamilya nila. Pero sa loob ng apat na taon na yun. Hindi siya pinansin ni Earl kahit pa lahat ng kaibigan nito ay kaibigan niya rin. Ano ba ang dapat gawin ni Marla kung a...