"Saan ka galing"
Automatic na bumilis ang tibok ng puso ko. Nagulat din ako sa biglang pagsalita niya sa may likod ko, kanina pa ba siya dito?. Kinakabahan ako alam niyo 'yun, kahit alam kong wala naman akong kasalanan.
"K-kanina ka pa diyan?" Patay malisya ako, kaya nagtanong na lang din ako. Nilingon ko siya. Ang sama ng templa ng mukha niya. Parang.. galit nga siya.
"Saan ka nga ba galing? Sino 'yung naghatid sa'yo ha?" Waaah! Ano ba 'yan bakit nagagalit siya. Pero kalma lang Marla, huwag ka pahalatang natatakot ka.
"Kila Ade, at yung naghatid sakin, si Alben.." Yun lang sinabi ko, wala akong balak ipaalam sa kanya na narinig at nakita ko sila, ang puno't dulo, kaya ito ang nangyari. Pero yung itsura niya parang may hinihintay na ibang sagot. Which is tama nga siya, may iba pang sagot bukod doon.
"Yung totoo Marla. Tell me!" Juice colored! Ano 'to? Ang O.A ha. Napapikit ako ng mata. Kinakalma ko lang ang sarili ko. Bakit ba nagagalit siya?
"Okay, Last night pumunta akong bar, nalasing saka nakatulog kila Ade. Iyon lang." Pero hindi ako kumalma galit din 'yung boses ko. Ano ba 'yan ang hina ko talaga mag control ng temper.
"Bar? Bakit ka pumunta don!? Panu na lang kung may nangyaring masama sa'yo ha, Isipin mo na lang 'yung mga tao nag-aalala sa'yo Marla. Ako 'yung kasama mo sa party tapos aalis ka lang nang basta at nag bar pa. Hindi ka man lang nagpaalam." Oh come on Earl! Ikaw nga yung kasama kong pumunta, anong masama kung nauna man akong umalis?. Ni hindi mo na nga ata ako naalala.
"Look Earl, Hindi mo ba nakikita? I'm fine, Okay akong nakarating dito, walang kulang sakin, kompletong kompleto.. Teka nga, bakit ba galit ka ha? Bakit nag-aalala ka rin ba sakin?" Natigilan siya sa tanong ko, anong nakakagulat don?. Mukhang wala siyang sagot..
"See? Sige papasok na ako. Pasensiya na rin pala kasi hindi ako nakapagpaalam kagabi. Boring na kasi eh." Sinabi ko saka nag-umpisang maglakad papasok ng bahay.
.
"Pano kung sabihin kong Oo. Nag-alala ako sa'yo" Ako na rin ngayon ang natigilan, napahinto ako sa paglalakad. Hinintay kong kasunod niyang sasabihin -joke lang, huwag ka maniwala. Pero wala siyang sinabi kaya humarap ulit ako sa kanya. Sumunod pala sakin. Nasa tapat na ako ng pinto.
"Huh. Stop it Earl. Nag-aalala ka sakin?.. Haha, para sabihin ko sa'yo..
..Hindi bagay.." Pekeng tawa. Totoo naman hindi 'yun bagay sa kanya. Si Earl? Nag-aalala sakin.. Siguro kung dati ko pa narinig yun paniguradong magtititili pa ako. Pero iba na ngayon, hindi bagay sa kanyang mag-alala sakin. Hindi kasi.. Naalala ko ulit ang dahilan kung bakit ako nagpunta sa bar. Binuksan ko ang pinto pero nakasarado kaya kinuha ko ang susi na nakatago dito, yung duplicate key. Dali-dali ko 'yung binuksan. Bago pa ko magbreak down sa harap ni Earl. Masyado pang sariwa 'yung nararamdaman kong sakit.
"Yaya, Nandito na po ako."
Naramdaman kong sumusunod pa rin siya hanggang sa makapasok na ako sa loob.
"Umalis sila." Aish! Oo nga pala, nagtext sakin si Mama kanina. Ayy ano ba yan..
"Oo nga, so, anong gagawin mo dito? Wala kang makakausap. Geh, akyat na ako." Nag-umpisa na akong umakyat sa hagdan, sumusunod pa rin siya. Ano ba talagang problema niya? Ang laki ng topak. Huminto ako saka humarap ulit sa kanya.
"What do you want?" Iritado kong tanong sa kanya. Kasi kung wala, pwede bang umalis na siya?
.
.
"You"
"H-ha?" Kaloka 'to! Hindi ko yun expected, pero syet! Earl, kumabog na naman ng malakas ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] Completed
Dla nastolatkówApat na taon niya nang gusto si Earl. Magkakapitbahay sila at magkaibigan ang pamilya nila. Pero sa loob ng apat na taon na yun. Hindi siya pinansin ni Earl kahit pa lahat ng kaibigan nito ay kaibigan niya rin. Ano ba ang dapat gawin ni Marla kung a...